SHERICKHA'S P.O.V.
Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at nakita kong nandun pa rin siya. Nakatayo at nagbabad sa buhos ng napakalakas na ulan. Bakit?
“Hindi mo pa rin ba talaga siya kakausapin?” Tanong ni kuya at ni hindi ko man lang siya nilingon.
Kanina parang galit na galit pa siya at ayaw niya kong ipakausap kay Marius, tapos ngayon he's concerned with the guy bathing under the rain.
“Kuya Sean, not now. Siguro, makakaya ko siyang harapin. Pero hindi sa ngayon.” Sabi ko pero sa totoo lang gusto kong maiyak kasi nasasaktan akong nakikitang siyang ganyan.
Masakit para sa'kin.
“Alam ko nasaktan ka sa ginawa niya Sherickha. Pero, hindi ba dapat makinig ka muna sa paliwanag niya? Tandaan mo, lahat ng nangyayari may dahilan.” Seryosong sabi ni Kuya Sean kaya napatingin ako sa kaniya.
Hindi ako makasagot dahil may punto rin naman siya.
“Muntik ko na siyang masuntok kanina sa sobrang galit ko. Pero Sherickha, don't you think it's better if you'll talk to each other? Para mas maliwanagan kayo pareho. Think about it.” Sabi ni kuya Sean tapos narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto ko.
Napatingin ako sa lalaking nasa labas ng bahay namin ngayon. Nakayuko at basang basa ng ulan. Ano ba talaga ang totoo?
“Dapat nga sigurong kausapin ko siya.” Bulong ko sa sarili ko, napapikit ako at nag isip.
Perhaps, we all know that conflict is a phenomenon that happens in everyone's life. It is my belief that the main reason of conflicts is because of the fact that not every person is going to get along on a daily basis. It is undeniable that sometimes we all differ on some points, perspectives, ideas, likes and dislikes, etc. However, conflicts can be resolved by means of having a good and proper communication with the other party. After all, the best way to solve any conflicts is communication.
Siguro, explanation lang talaga ang kailangan.
Lumabas ako ng kwarto ko. Kinuha ko ang payong ko, at lumabas ako. Lumapit ako sa kanya at pinayungan ko siya.
“Basang-basa ka na.” Sabi ko pero nanatili pa rin siyang nakayuko.
Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina.
“Kulang pa 'to. Kung magkakasakit ako dahil lang sa nababad ako sa ulan, matatanggal ba nun yung sakit na naibigay ko sayo?” Sambit niya saka siya nag-angat ng tingin sa'kin.
Hindi ko alam kung umiiyak ba siya o dajil lang 'yon sa ulan.
“Kasi kung oo, kahit habang buhay pa kong magpaulan mawala lang yung sakit na nararamdaman mo nang dahil sakin.” Nakangiting sambit niya.
Bakit...bakit ba ganyan siya? Hindi naman niya kailangang saktan o dusahin ang sarili niya.
“Halika na sa loob. Doon tayo mag-usap. Basang-basa ka na ng ulan.” Sabi ko pero hindi siya gumalaw at nanatiling nakatitig sa'kin.
BINABASA MO ANG
Wrong Timing (Completed)
Teen FictionSherickha fell madly in love with a friend who could not reciprocate her feelings. She was blown away by someone she could never have. Nevertheless, she would further encounter someone along the journey whom she will love much more than the first l...