MARIUS' P.O.V.
Kabanas pagmumukha ng kapatid ko. Gusto ko na lang basagin iyong lens ng camera ko eh. Tsk.
"Hoy. Tara na sa susunod na scene Marius." sabi ni Sherickha sakin saka niya ko hinila.
Sakto din namang bumalik na si Althea. Scene kasi nila ni Sandra yung susunod eh.
"Okay. Alam niyo na ha? With feelings please." sabi ni Sherickha sa kanila.
Tumango naman iyong dalawa at mukhang alam na nila kung anong dapat nilang gawin.
"Ready, set, action!" sabi ko.
Tumahimik ang paligid at maging ang mga ka-grupo naming kanina ay maingay, tumahimik din.
"Okay ka lang ba talaga Genovah? Kung hindi tatawagan ko na lang si Tita at sasabihin kong hindi maayos ang pakiramdam mo." sabi ni Sandra (Alexis).
"Ang totoo niyan Alexis gusto kitang makausap." sagot ni Althea (Genovah).
"Hindi na ba makakapag-antay 'yan Genovah? May quiz tayo oh. Pwede mo namang sabihin pagkatapos ng quiz natin." Nag-iba ang expression ni Sandra which is good and it makes the scene more realistic. "Ang nakakainis pa, nagsinungaling ka. Kailan ka pa natutong magsinungaling sakin? Hindi na kita kilala." sabi ni Sandra (Alexis)
Wow. Hindi ko naman alam na pang-best actress pala itong mga napunta saming ka-grupo.
"Hindi ba't ang sabi noon ni Alexander ay kaya ayaw niyang makipagkilala sakin ay dahil may gusto siya iba. Ako lang ba o nagbubulag-bulagan ka?! Ikaw yung tinutukoy niya Alexis! Ikaw yung mahal niya at hindi ako!" sabi ni Althea (Genovah) saka na siya umiyak.
Medyo nagulat ako sa biglaang pag-iyak ni Althea. Though it was on the script, I never thought she can cry easily like that.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha Genovah? Ako, gusto ni Alexander? Magkaibigan lang kami at hindi na hihigit dun!" singhal ni Sandra kay Althea, saka siya napasabunot sa buhok niya. "Ngayon kung natatakot ka na mapupunta sakin si Alexander, edi lalayo ako. Lalayo ako kung kinakailangan. Nakalimutan mo na ba ang rule ko? Na ang gusto ng kaibigan ko ay hindi ko papatulan. Nakalimutan mo na ba?" Sagot ni Sandra (Alexis) saka na siya umalis.
Naiwang umiiyak si Genovah.
"Okay cut. Good job guys!" masayang sabi ni Sherickha saka siya pumalakpak.
"Yess! Merienda time!" masayang sigaw ni Sandra na sa tingin ko ay kanina pa nagpipigil ng gutom.
Napatawa na lang ako.
"Tara na bes." Sabi ni Sherickha kay Althea saka niya ibinaling ang tingin sakin. "Sunod ka na lang Marius ha? Una na kami." sabi ni Sherickha sakin.
Tumango ako at inayos ang camera saka na rin ako sumunod sa kanila.
But the next thing I heard really broke my heart.
Pero ganun naman yata talaga diba? Kapag nagmahal ka, asahan mong masasaktan ka. Asahan mong hindi palaging masaya.
At siguro nga ay hanggang dito lang ako. Magmamahal ng palihim. Titingin mula sa malayo. At masasaktan na hindi alam ng kahit na sino.
"Marius." pagatawag sakin ng kapatid ko pero hindi ko siya nilingon.
Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa kanya. Dahil maging ako, alam ko ang rason kung bakit ganun niya itrato si Sherickha. Hindi naman ako tanga at bulag para hindi malaman.
"Ano? Ganito na lang tayo? Mag-aaway tayo dahil sa isang babae?" sunod-sunod na tanong sakin ni Marcus kaya napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya.
"Eh gago ka pala eh. Hindi lang naman basta babae ang pinag-uusapan natin dito. Si Sherickha 'yon, hindi basta babae lang." sagot ko sa kanya saka ko siya tinignan ng masama.
Napabuntong-hininga siya at nag-iwas ng tingin.
"Ngayon sabihin mo sakin, bakit siya? Sa dinami-rami ng taong pwede mong magustuhan Marcus, bakit siya?" tanong ko sa kanya.
"Bakit hindi siya?" pabalik na tanong niya sakin.
Napangisi ako at napailing saka ako tumawa ng mahina.
"Sige, lokohin mo ang sarili mo hangga't gusto mo. Diyan ka masaya eh. Hindi kita pipigilan." seryosong sabi ko sa kanya.
Kung tutuusin ay kuya ko siya dahil nauna akong lumabas kaysa sa kanya, pero kung umasta ako ay parang mas matanda pa ko. Pero nakakagago kasi.
"Pero ito lang ang tatandaan mo Marcus, hindi lahat ng iniiwan ay pwede mo pang balikan." tiim-bagang na sabi ko sa kanya saka ko siya tuluyang tinalikuran ag humabol kila Sherickha.
Ang gago lang kasi na halos lahat kami ay nakakulong pa rin sa nangyari sa nakaraang 'yon. Na sa tingin ko ay siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay kaibigan lang ang tingin ni Marcus kay Sherickha.
Nakakagago lang. Nakaraang dapat ay ibinabaon na sa limot. Pero patuloy kaming sinusundan at hindi tinitigilan.
BINABASA MO ANG
Wrong Timing (Completed)
Teen FictionSherickha fell madly in love with a friend who could not reciprocate her feelings. She was blown away by someone she could never have. Nevertheless, she would further encounter someone along the journey whom she will love much more than the first l...