CHAPTER 28

933 29 0
                                    

SHERICKHA'S P.O.V.

Time flew so fast. I grew up believing that solely foolish people fall in love. Yet I wanted to be among those who intended to be duped by love.

I'm sure I've spoken it before, but I fear that I was obviously deceiving myself. Perhaps I was hoping to mislead myself, believing that the sentiments had vanish without a trace along with the flow of time. Nonetheless, it seems that I had been untrue to myself. Perhaps I have said that to find myself sound not to be such a drunken liar. I kind of just said that to cover up the fact that I freaking love this guy and find it almost impossible to completely forget everything about him.

As I come to think of it, we were like dogs and cats that always fight. His opinion will always be the opposite of mine. We always fight over niggling things, but always end up laughing with one another. We differ in so many things like: our skin tone, our eyes' colors, our heights, and even the way our heart beats—it was contrastive.

Perhaps, before. But now, things have changed. I got to love him. I fell in love with someone I never thought I would love.

“Ang tagal mo naman mag-ayos. Pinaghandaan masyado?” Pang-aasar sa'kin ni Kuya Sean pagbaba ko.

Inirapan ko lang siya at naupo sa sala, hinihintay ang text galing kay Marius.

“Hindi ka susunduin?” Tanong ni Kuya Sean saka niya ibaling ang atensyon sa newspaper na binabasa niya.

Inirapan ko lang ulit siya at maya-maya pa'y nag-vibrate ang phone ko at nakita ko ang message galing kay Marius.

From: da loml.

Hey, nakapalit ka na ba? Sorry I can't fetch you. Magpahatid ka na lang muna sa driver niyo. Baka malate ako ng kaunti babi. I'm sorry.

Napasimangot agad ako matapos kong mabasa ang message na 'yon. First anniversary kasi namin ngayon at nagdecide kaming mamasyal to spend time with each other. He's been busy the past few days and I barely convince him to spend this day with me.

To: da loml.

Okay babu. Ingat ka. Update mo 'ko ha?

After replying to him, hindi na siya nagreply pa ulit. Nakabusangot tuloy ako. Instead of celebrating this day, I am welcoming sadness.

“Nandiyan ba si Manong Chito kuya?” Tanong ko at kaagad naman niyang ibinaba ang binabasang newspaper saka niya 'ko tinaasan ng kilay.

“Bakit?” Tanong niya sa'kin pabalik kaya inirapan ko siya.

“Magpapahatid ako! Ano pa ba? Alangan naman siya ipadala ko para makipagdate kay Marius!” Singhal ko sa kaniya.

“Hindi ka susunduin? Akala ko ba susunduin ka? Change of plans at the last minute?” Sunod-sunod na tanong niya na mas lalong ikinainis ko.

Ewan ko ba. Siguro malapit na 'ko magkaroon, kaya ang bilis kong mairita sa mga tao ngayon.

“Nandiyan, tawagin mo na lang.” Sambit niya.

Kinuha ko ang mga gamit ko at tumayo na.

“Oh, ingat ka. Tanga ka pa naman.” Pahabol na sabi ni Kuya Sean bago ako makalabas, kaya padabog kong isinara ang pinto.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya na mas lalong ikinainis ko. Kahit kailan talaga, napakabwisit niyang kapatid.

“Nasaan na ba si Marius iha?” Tanong ni Yaya.

Napasimangot ako. Kapag talaga naiisip kong hindi niya 'ko masusundo.

“Hindi po niya ko susunduin eh. Mauuna na lang daw po ako dun.” Sagot ko saka ko pinilit ngumiti.

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon