Maagang nagpunta si Beto sa Farm nila Doc Dan. Sumabay kasi ito sa Tatay na si Mang Berting.
Ala Sais lang at halos nagtitilaukan pa lang ang mga manok sa paligid ng Farm.
Hindi pa nga nakakasikat ang araw ay makikita mo nang abala ang Doktor na nakikipagusap sa mga tauhan nito.
"Magandang umaga po Sir Dan, natatandaan nyo po ba si Beto ko?", pakilala muli ng ama.
"Good Morning po Doc?", bati ni Beto.
"Ah si Bettina! Oo naman. Di ba ikaw ang kababata ni Nyel?", masiglang sabi nito.
"Ang ganda ganda mo ngayon ah!", pagpuri ng Doktor.
"Naku hindi naman po...masyadow!", pabulong nitong sabi.
"Nung mga bata pa kayo ni Nyel, lagi kang nangangatok ang aga aga sa bahay kahit pa may panis na laway ka pa! Hehe!", biro pa nito.
"Eh, pareho naman po kami ni Nyel, Doc?", pagbawi ko.
"Sir Dan na lang ang itawag mo sa akin Beto, matagal nakong nagretire bilang Vet.", pakiusap nito.
" Ah...ok po, Sir Dan!", sagot ni Beto.
Sumingit naman si Mang Berting sa usapan ng dalawa.
"Ah, Sir Dan!", sabat ng Tatay niya.
"Eh, maiiwan ko muna po si Beto dito, at titignan ko muna po ang mga inani ngayong umaga", paalam ni Mang Berting
Lilingon lingon naman si Beto sa di kalayuan.
May napansin siyang binata na papalapit sa kanila ng Doktor.
Gwapo ito at may katangkaran.
Pero mukhang masungit naman.
"Nyel! Mabuti at gising ka na!", bati ng ama.
Tumango lang naman ito.
"Nakatulog ka ba ng maayos, anak?", tanong nito.
"Ayos lang... I need my car keys!", masungit na sabi nito sa ama.
"Nyel, umuwi ka kagabing lasing na lasing",..
"Magpahinga ka muna ngayon", payo ng ama.
"Wag nyo nga ko minamanduhan...DAD!", matigas ang salita nito at may diin ang pagtawag sa Ama.
"My Mom does not treat me that way!", pagsungit muli nito.
"Yan nga ang pinupunto ko sayo, masyado kang naspoiled ng Mommy kaya ka nagkakaganyan!", singhal din ng ama.
"Stop preaching, okay!",
"Give me back my car keys...NOW!",
Walang nagawa ang ama sa inasal ng anak.
Hinugot ang susi ng kotse sa bulsa saka inabot.
"Bibigay din pala, pakadami pang satsat!", side comment ni Nyel.
Matagal silang di nagkasama ng anak, ayaw niyang sa maikling panahon na magkakasama sila ni Nyel, ay magaaway pa silang mag ama.
Naiwan naman sila ni Beto.
Natahimik naman si Sir Dan, saka napabuntong hininga na lang.
"Pasensya ka na kay Nyel ha Beto?", sabay
"Ayos lang po Sir Dan!", sabi nito.
"Eh ni hindi nga ho ako napansin di ba?",...
"Akala po ata puno ako, hehe!", biro pa nito.
"Ah Sir Dan, ano po kasi, may sadya po talaga ko sa inyo kaya po ako sumabay kay Tatay pumunta dito", malumanay na sabi nito.
"Ah, gusto ko po sanang mag loan sa inyo kung maaari?", ....
"Natanggal po kasi yung scholarship ko eh", paliwanag ni Beto.
"Magsa summer job po sana ko dito sa Farm ninyo", ...
"Kahit po ano gagawin ko, makaipon lang po ako ng pang tution ko next sem", nagsusumamo ang boses nito.
Napaisip naman saglit ang Señor.
Maganda ang offer na ito ni Beto, pagkakataon na niya ito para tumino tino ang anak.
"Beto, habang andito ka, sama samahan mo si Nyel dito sa farm at sa pamamasyal para naman hindi naiinip"....
"Lalo kasing sumusungit gayong walang nakakasamang matino", paliwanag ni Señor.
"Pag napatino mo ang anak ko, ibibigay ko ang hinihingi mo", pangako nito.
Napapaisip naman si Beto. Hindi na niya kakilala ang kababata.
Bukod sa laking States, iniisip niya na hindi nito matitipuhang makasama siya dahil hindi naman din siya palalabas talaga.
---------------------------
Oras ng Hapunan.
Inanyayahan si Beto ni Sir Dan para dun na kumain.
Hinhintay din nila kasi si Nyel para maipakilala muli siya rito.
"Beto, hintay hintayin na natin si Nyel ha, parating na yun", sabi ng Señor
"Wala pong problema sakin Sir Dan, kahit po sana sa labas ko na siya hintayin, busog pa naman pi ako!", malumanay na sabi ni Beto.
Maya maya pa dumating na si Nyel at aakto ng aakyat ng makita ng ama.
"Nyel!", sigaw ng ama.
Napapikit muna ito sa inis saka bumaling sa ama.
"Halika ng kumain!", anyaya nito.
"Busog na ho ako!",
"Kakain ko lang", saka ito tumalikod muli.
Iniisip tuloy ni Beto, hindi na naman siya pansin nito maaring dahil sa kasimplehan niya o dahil talagang walang pakialam ito sa mga taong nasa paligid niya.
"Nyel!", sigaw uli ng ama.
"Halika muna rito at may ipapakilala ako sa yo!", malakas ang boses nito mula sa hapag.
Walang nagawa ang binata kundi sumunod sa ama.
"Who is it!?!", singhal naman niya habang naglalakad pabalik sa dining.
"Nyel, naalala mo si Beto?",
"Siya yung kababata mo dito noon!",
"Madalas siyang andito nakikipaglaro sayo dati!", dirediretsong kwento ng Daddy niya.
"So?", bastos na sagot nito.
"H-hello Nyel!", bati ni Beto.
Umismid lang na tumango si Nyel. Saka na bumaling muli sa ama.
"Can I go now?", sungit nito sa Daddy niya.
Tumalikod ito saka nilagay ang Beats sa tenga.
Tinapik tapik naman ni Sir Dan ang balikat ni Beto saka bumulong ng...
"Para sa tuition fee mo!", ngisi nito kay Beto.
BINABASA MO ANG
One Summer Romance
FanfictionIf I were the writer of Just One Summer, this is how my story would go.. Elmo Moses Magalona & Julie Anne San Jose as Nyel & Beto Some scenes were revised and changed. Please be guided that this is only inspired by the movi...