"Would you ask me to.....Stay?", tanong ni Nyel
"Nyel......", nakatitig lang si Beto sa kanya.
"Joke!!!! Hahaha!!!, humagalpak naman ng tawa si Nyel.
"Lika na nga!", saka ito tumayo at lumakad palayo sa kanya.
Naiwan naman si Betong nakatulala.
Pinagtitripan na naman siya ni Nyel.
Naiinis na talaga siya dito.
Pinaglalaruan na ni Nyel masyado ang damdamin niya.
Hindi na siya bata para ganunin nito.
"Hoy, Nyel!, nakakainis ka na ah!", singhal niya dito.
"Bakit ba pinagtitripan mo na lang ako palagi?!", saka naman niya tinulak ang likod nito.
Hinila naman siya ni Nyel , saka hinawakan sa pisngi.
Bigla siya nitong hinalikan sa labi.
She did not see that coming kaya napako din siya sa pagkakatayo.
Pak!, sampal niya dito.
"Nyel, ano ba!", sigaw ni Beto
Saka ito tumakbo palayo.
Napaiyak na lang si Beto.
Dumiretso ito sa bahay.
Bago pa man umabot sa kwarto, nakita na siya ni Lola Meding.
"Apo?!", marahang tawag nito.
"Lola!", saka na ito tuluyang bumigay sa pagiyak.
"Anong nangyari?!", tanong ng lola.
Hindi naman kumibo si Beto.
"Aminin mo, ang dahilan ng pagiyak mo, ay siya ding dahilan kung bakit lagi kang nakangiti nitong mga huling araw?!", sabi ng lola.
"Nagbago na po siya lola,"....
"Hindi na po siya ang Nyel na nakilala ko", hikbi nito.
"Hindi na siya yung Nyel na laging nagtatanggol sa akin!",.....
"Yung Nyel na maaalalahanin!",....
"Yung Nyel na mahal ako", tumahan na din ito sa pagiyak.
"Apo, tandaan mo, na ang tanging permanenteng bagay sa mundo ay
ang Pagbabago", esplika ni lola Meding.
"Maraming dahilan kaya naging ganun si Nyel".....
"Maaaring may malalim siyang pinaghuhugutan..."
"At lumalabas ito, sa inaasal niya.."
"Isipin mo din na ang mga lalake, mas takot yan umamin sa tunay na
nararamdaman?!", pahiwatig ng lola.
Tahimik naman si Beto.
Hinihimay niya ang mga salitang sinabi ng lola niya.
Totoo nga naman na nagbabago ang tao.
Pero bakit siya? , ganun pa din naman ang nararamdaman niya para kay Nyel.
Para ngang lumalim pa ito.
Higit sampung taon, pinanghawakan niya ang pangako ni Nyel na
babalikan siya nito.Pero ngayon, kelangan na niyang tanggapin na hindi na to matutupad
pa ng kababata.----------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
One Summer Romance
FanfictionIf I were the writer of Just One Summer, this is how my story would go.. Elmo Moses Magalona & Julie Anne San Jose as Nyel & Beto Some scenes were revised and changed. Please be guided that this is only inspired by the movi...