"Nyel!", tawag ni Beto sa binata."Yes!?!", tanong naman ni Nyel na nakataas agad ang kilay.
"Ah....Beto?!?", paalala ng dalaga.
" Nakalimutan mo na agad?", patanong din na sagot ni Beto.
"Ako yung, kababata mo!", ngising sabi ni Beto.
Umismid naman si Nyel bitbit ang DSLR, nagkukuha lang ito ng pictures sa kung ano ang matipuhan.
Sunod naman si Beto kung saan ito tumungo.
"Are you following me?", tanong ni Nyel sa kanya.
"Ha? Hindi ah!, nagkataon lang na dito din ako papunta sa nilalakaran mo!", palusot ni Beto.
"Talaga lang ha?", sarkastikong sabi ni Nyel.
Nagpatuloy naman si Nyel sa paglakad.
San san ito sumuot.
Binilisan nito ang mga hakbang, dahilan para mailigaw niya si Beto.
Ngingisi ngisi naman si Nyel sa ginawa.
"Kala mo ha!, Ninja kid ata to!", bulong ni Nyel sa sarili na nakakubli sa isang puno.
Nang biglang...
"Huli ka!!!!", gulat ni Beto dito
"Ahhhhh!", nagulat din talaga si Nyel dahilan para mahila niya si Beto at mahulog sila mula sa kinaroroonang burol.
Nahulog sila pareho saka nagpagulong gulong ng ilang beses.
"Aaaaaahhhhhhh!!!!!", sigaw nilang dalawa.
Nahinto itong nakapatong si Beto sa binata.
"Ano ba naman kas!!! Get off me!!!!", tulak ni Nyel kay Beto.
"Makatulak ka naman, parang nagenjoy ako ah!?!", bwisit na sabi ni Beto.
"Ang sakit kaya!...Aray!!!", sabay hawak sa tagiliran.
"Tigilan mo kasi ako sa kakasunod mo!", saka siya iniwan ni Nyel.
"Bwisit na to! siya nga humila sakin!", bugnot nito sa sarili habang pinapagpag ang mga damong nadikit sa pantalon niya.
"Beto, okay ka lang ba?", takbo naman ni Jason dito saka inalalayan.
"Ha!, oo naman. Malayo sa bituka!", pagsigurado ni Beto.
Napalingon naman si Nyel sa dalawa.
Tumitig lang ito sa ginagawang pagasikaso ni Jason kay Beto.
---------------------------------------------
Sa bahay ng mga Salazar kinagabihan ng hapunan.
"Ano naman yung eksena na yun kanina sa bukid ha, Beto?",tanong ni Mang Berting.
"Ano po yun, Tay?", tanong ni Beto sa ama.
"Yung ikot ikot at gulong gulong ninyo ni Nyel!", paglinaw nito.
"Daig niyo pa sila Bea at John Lloyd dun ah!", kantyaw ni Mang Berting.
"Bagong labtim ba kayo?", dagdag nito.
"Tay, naman sinasamahan ko lang naman po si Nyel",...
"Pinakiusapan lang naman po ako ni Sir Dan para daw may kasakasama ang anak niya habang nakabakasyon", paliwanag ni Beto.
"Yun naman pala eh, si Sir Dan naman pala ang may gusto, Berting!", sabad naman ni Lola Meding.
"Dalaga naman na din ang anak mo, at napakabuting bata pa!",..
"Kita mo nga at scholar pa di ba?", kindat ni Lola Meding kay Beto.
Mapait naman ang ngiti ni Beto sa Lola.
Naalala na naman niya ang scholarship na nawala.
Di niya alam kung paano ito ipapaliwanag sa ama.
Ayaw niya itong madissappoint sa kanya........
BINABASA MO ANG
One Summer Romance
FanfictionIf I were the writer of Just One Summer, this is how my story would go.. Elmo Moses Magalona & Julie Anne San Jose as Nyel & Beto Some scenes were revised and changed. Please be guided that this is only inspired by the movi...