You got milk?

343 26 0
                                    


Maaga nagising si Beto kinabukasan. Hindi siya masyadong nakatulog.

Iniisip niya si Nyel.

Iniisip niya kung ano ang ibig sabihin ng mga kinikilos nito.

Naguguluhan siya.

May oras na masungit.

May oras naman na sweet.

Pero isa lang ang maliwanag kay Beto, alam niya panandalian lang lahat ng ito.

After ng Summer, babalik na si Nyel sa Amerika.

At siya papasok bilang Senior sa Kolehiyo.

Malabong magkadugtong ang kapalaran nila.

Kaya anuman ang maaring namagitan sa kanila ng mga bata pa sila ay parte na lang ng childhood nila.

---------------------------------------

"Sir Dan, may ipapakiusap po sana ako sa inyo", malumanay na sagot ni Beto.

"Pwede po bang... mag gagatas na lang ako?", pakiusap ni Beto.

"Bubuuin ko na lang po ang 360 containers ng gatas sa natitirang araw ng bakasyon",paliwanag niya.

"Pipilitin ko pong matapos yun bago magpasukan" dagdag pa niya.

"Anong nangyari, Beto?", tanong ng Señor.

"Ah, Sir Dan, hindi ko na po kasi masasamahan si Nyel sa mga lakad niya", mariing sabi nito.

"H-hindi na din po kasi ako pinapayagan ni Tatay na maglalalabas ngayong bakasyon", paliwanag niya.

"Pasensiya na po kayo", paumanhin nito.

"May ginawa bang hindi maganda ang anak ko sa yo, Beto?", tanong ng Señor.

"Ah, wala po Sir Dan",...

"Desisyon ko na din po ito, sana maintindihan ninyo", malumanay ang boses pero desidido ang tono nito.

Tumango na lang ang Señor. Wala naman itong magagawa sa desisyon ng dalaga.

"Ipahahanda ko ang checke para sa ilang araw na tinrabaho mo", sabi ni Sir Dan.

"Ah, hindi na po, wag nyo na po isipin yun Sir Dan",...

"Magkaibigan naman po kami ni Nyel..."

"Wala po kayong aalalahanin".....

"Basta po payagan niyo na lang akong mag gatas?", pakiusap nito.

Tumango naman ang Señor.

--------------------------

"Beto, kamusta ka naman?, tanong ni Jason na tumakbo sa kanya ng matanaw siya papunta sa gatasan ng kalabaw.

"Ayos naman!", ngisi niya.

"Magtatrabaho ka sa gatasan ngayong summer?", usisa niya.

"Oo, Jason , kelangan kong magipon para sa pasukan", sagot ni Beto.

"Natanggal na kasi ang scholarship ko", malungkot na sabi niya.

"Hindi alam ni Tatay at lola...sana wag mo ng mabanggit", pakiusap niya.

"Oo naman, maasahan mo ko sa sikreto mo Beto", ngiti nito.

Mabait naman ang kinakapatid na si Jason. Pero kapatid lang talaga ang turing niya dito.

Pero ganun pa man, masugid itong nanunuyo sa kanya.

Maya maya pa, may isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.

One Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon