Walang nagawa ang Mommy ni Nyel sa desisyon nitong magpaiwan.Sa totoo naman kasi, ang Mommy nito ang nagplano na dapat dalawang buwan ang bakasyon nila sa Pilipinas.
Nung una, siya lang talaga ang ayaw magtagal.
Pero dahil nga sa mga pangyayaring nagkamabutihan na sila ni Beto,
bigla naman nagbago ang isip nito."Nonetheless, masaya ako na makakasama pa kita ng matagal, Beto", ..
Hawak niya ngayon ang kamay ni Beto.
Sakay sila ng Jaguar, mamamasyal sila sa Subic.
"San tayo pupunta?", tanong ni Beto.
"You'll see?", ngiti ni Nyel.
Ilang sandali pa, nakarating na sila sa pupuntahan.
Napangisi naman si Beto.
"Ocean Adventure?", abot tenga ang ngiti nito.
Alam ni Nyel gustong gusto ni Beto pumunta dito, kaya pa kahit sawa na siya sa mga Dolphin shows sa Amerika, dito niya pa din dinala si Beto.
"Thanks, Nyel!", bulong nito.
"Anything for you!", balik naman ni Nyel sa kanya.
Tuwang tuwa sila sa show na hinanda ng team dito.
Nagpicture taking pa sila kasama ng Dolphins.
Matapos dito dumiretso sila sa Camayan Beach.
May nakaset up na dinner dito na sadyang pinahanda ni Nyel.
"Nyel, sobra naman na ata to?", nahihiyang sabi ni Beto.
"No... You're special Beto, so I wanna make everything special for you",..
"I want you to make memories, para kung wala man ako sa tabi mo",...
"You will always remember the happy times we've spent together, throughout the Summer",paliwanag ni Nyel.
Pinagsaluhan nila ang Steak and Salad.
Sinusubuan pa ni Nyel si Beto, na kinakakilig naman ng dalaga.
Chocolate lava cake naman ang para sa dessert.
Matapos kumain, naglakad lakad ang dalawa sa shore.
Ineenjoy lang nila ang lamig ng simoy ng hangin.
Parang musika naman ang lagaslas ng tubig mula sa beach.
"Nyel, salamat para dito ha", malambing na sabi ni Beto.
"Salamat din na hindi ka umalis", dagdag nito.
"Ayoko naman umalis eh, I mean not in a way na hindi malinaw kung ano ba talaga tayo", panimula ni Nyel.
"That's why I wanted it so badly that you'd ask me to stay",....
"Kasi I think, I've done my part already",....
"Nasabi ko na sayo what I really feel about you."..
"Gusto ko, umalis man ako, alam ko kung ano ang laman ng puso mo",sabi pa ni Nyel.
"Nyel, gusto kita", ...
"Pero pano kung ang nararamdaman mo eh panandalian lang?",..
"Pano kung pagbalik mo sa States, iba ka na ulit?", tanong ni Beto.
"Pano kung ngayon lang to?", may pangamba sa boses niya.
"Beto, sigurado ako sa nararamdaman ko para sa yo",....
"Hindi ito basta Summer fling lang",...
"Sigurado ako, ang nararamdaman ko para sa yo, ay pang matagalan", ngiti ni Nyel saka hinawakan ang kamay ni Beto.
Huminto si Nyel sa paglakad, may kinuha ito mula sa kanyang bulsa.
"Sana, ako na lang ang Isko mo", hawak nito ang charmed bracelet
"At ikaw na lang ang Iska ko", saka ito sinuot sa kanya.
Ngumiti naman si Beto.
"Beto, will you wait for me?", pakiusap ni Nyel.
"I know, I promised you something nung mga bata pa tayo", pagalala ni Nyel.
At alam na alam naman ni Beto ang tinutukoy nito.
"And I'm still keeping that promise",....
"As long as you tell, you'll wait for me",sabi pa ni Nyel.
"Nyel, mula ng umalis kayo, walang araw na hindi ko hiniling ang sana maalala mo din akong balikan",
"I cried myself to sleep thinking you forgot about me", kwento pa nito.
"Hindi alam ni Tatay kung pano ako patatahanin",...
"Hindi din kasi alam ni Sir Dan kung san ka talaga dinala ng mommy mo", nangingilid ang luha ni Beto.
"Nangulila sin ang Dad mo sayo, Nyel",...
"Shhhh, don't cry", pag alo ni Nyel.
"Andito na ko"....
"Hindi na ko mawawala..."
Saka sila muling nagyakap....
♡♡♡♡♡♡♡♡♡

BINABASA MO ANG
One Summer Romance
FanfictionIf I were the writer of Just One Summer, this is how my story would go.. Elmo Moses Magalona & Julie Anne San Jose as Nyel & Beto Some scenes were revised and changed. Please be guided that this is only inspired by the movi...