"Beto!!!", tawag ni Elmo nang makita si Beto na nagaayos ng mga
nagawang pastillas ng Ninang niya sa bakuran nila.Nasa kotse siya at ibinaba lang ang bintana niya para makadungaw.
"Halika na, Sama ka!", anyaya nito.
"Punta ko Subic Freeport!", sabi ni Nyel
"Ha?, eh hindi naman ako nakapag paalam kay Tatay", sabi naman ni Beto.
"Eh kay Lola Meding?", suggest niya.
"Paalam kana, mamamasyal lang naman tayo", yakag niya ulit.
Pinayagan naman si Beto ni Lola Meding.
Nakashorts nga lang ito, Vans na shirt at sneakers.
Naka ball cap din ito at shades.
"Bakit naman nakashorts ka pa?", puna ni Nyel.
"Eh ano naman? Kaya nga Summer eh!", irap ni Beto.
"Boyish ka pa din hanggang ngayon!", puna ulit nito.
"Sus!, mabuti na yung alam ng tao na di nila ko mababastos basta
basta!", paliwanag ni Beto.Sumakay naman ito ng kotse.
"San mo ba ko dadalhin?", tanong ni Beto.
"Makatanong ka naman, as if ide date kita!", sabi nito ng hindi
nakatingin sa kanya."Sinasama lang kita para may alalay ako!", ngisi niya.
Sa isang Sports bar sila napunta. Medyo madami dami na din ang tao dito.
"Kala ko naman sa Ocean Adventure tayo pupunta?", irap ni Beto.
"Haha! Ang corny mo!, Syempre hinde!", pabulong na sabi ni Nyel sa tenga niya.
Medyo maingay na kasi gawa ng loud music sa lugar.
Dumirets sila sa corner ng bilyaran.
Andun na ang ilang kaibigan ni Nyel.
Si Ken, Miguel at Diego Ledesma.
Si Diego ang tinalo ni Nyel sa drag race nung isang linggo lang.
"Pare, you're late!", angal ni Ken sa kanya.
"Eh sinundo ko pa kasi to eh!", sabay turo kay Beto.
"Pakatagal magbihis, wala din namang pinagbago!", iling ni Nyel.
"Aba!Napaka talaga nitong Mokong na to!", inis na sambit ni Beto sa
sarili."Girlfriend mo, Pre!", tanong ni Miguel.
"Hindi no!", lakas ng tanggi nito.
"Yaya ko!", sigaw niya sabay kinuha ang billiard stick kay Ken
"Ang ganda naman ng yaya mo!", ngisi ni Diego sabay tabi kay Beto.
"Hi, I'm Diego!", saka ito nakipagkamay kay Beto.
"Hi,...Bettina, Beto for short!", malumanay nitong sagot.
Matalas naman ang tingin ni Nyel na di mo mawari kung ang sinisipat tignan ay ang cue ball o sila Beto.
Sakto kasing nakapwesto ito sa dulo ng billiard table.
"Nice shot, Nyel!", bati ni Miguel.
Napalakas ang tira ni Nyel sa break shot dahilan para madami itong mashoot sa 4 pockets ng pool table.
Tumingin naman si Beto sa kanya.
"Beto, what do you wanna drink!", tanong ni Diego.
"Ahh!", utal na sagot ni Beto.
"Hindi yan umiinom!", abala ni Nyel sa paguusap ng dalawa.
"Ah miss, isang iced tea please!", order nito sa crew na tinawag ni Diego.
"Oh, okay!", tango naman ni Diego.
Tahimik lang si Beto. Nagmamatyag sa kilos ni Nyel.
Kanina pa ito mukhang aligaga.
"Problema nito ni Nyel!", mahinang sabi ni Beto saka umismid.
Nakakadami na ng laro sila Nyel.
Nakakadami na din ng usap sila Diego at Beto.
At hindi uun kinatutuwa ni Nyel.
Pansin nito ang paghawak hawak ni Diego sa kamay ni Beto.
At kung makipagusap sobrang lapit.
Kulang nalang magkapalit yung dalawa ng mukha.
"Uwi na nga tayo!", sabay hila sa kamay ni Beto.
Wala naman nagawa si Beto kundi magpahila na din kay Nyel.
Hawak hawak ni Nyel ang wrist ni Beto dahilan para hindi ito makapiglas.
"Nyel, ano ba?!", bawi ni Beto sa kamay niya.
"Ano bang problema mo?!", inis na sabi ni Beto saka na sumakay sa kotse ni Nyel.
Di naman nakakibo ang binata saka nalang sumakay din sa driver's seat
"ikaw ang nagsama sa kin dito!", ....
"Nananahimik ako sa bahay namin, ikaw lang yung makulit na nagsama sa sakin eh!", singhal ni Beto.
"Sinama kita para makilala mo mga kaibigan ko, hindi para makipaglandian kay Diego!", sigaw din ni Nyel.
"Whaat?!", sigaw ni Beto.
"Magpreno ka naman sa pananalita mo, Nyel!,...
"Di mo alam sinasabi mo!", galit na sabi ni Beto.
Di naman nakakibo si Nyel.
Nagmaneho lang ito hanggang maihatid si Beto sa bahay.
Pagdating sa bahay, ni hindi lumingon si Beto para magpaalam kay Nyel.
Dumiretso lang ito ng lakad papasok sa bahay.
Naiwan naman si Nyel sandali.
Nagiisip.
Hindi din niya maintindihan ang sarili bakit ganun ang naging reaksiyon
niya sa nakitang sweetness nila Diego at Beto.Nagseselos nga ba siya?.....
---------------------------------
BINABASA MO ANG
One Summer Romance
FanfictionIf I were the writer of Just One Summer, this is how my story would go.. Elmo Moses Magalona & Julie Anne San Jose as Nyel & Beto Some scenes were revised and changed. Please be guided that this is only inspired by the movi...