"I think I owe you an apology", sabi ni Nyel na hawak pa din ang kamay ni Beto.Binawi naman ito agad ni Beto.
"Okay na yun, Nyel", saka ito lumakad para umiwas sa titig ng binata.
Hindi siya mapakali.
Para naman kasi siyang matutunaw sa mga titig nito.
Nyel's eyes have always been his asset.
At ito din ang gustong gusto ni Beto sa mukha ng binata.
"Isa lang naman ang pakiusap ko sayo eh!",...
"Sana lang..."
"Sana lang wag mo naman akong pinagtitripan", kaswal na sabi nito.
"Hindi ko kasi maintindihan yung paiba iba ng mood mo eh", dagdag ni Beto.
"I'm afraid...I might get the wrong signal", malalim ang pahiwatig na yun ni Beto.
"I know....and I'm sorry!", tila naman nakuha ni Nyel ang ibig sabihin nito.
"Hindi ko lang din kasi maintindihan ang sarili ko minsan", sabi ni Nyel
"I mean, ayaw naman kitang inaasar..",
"Pero ayoko din naman masyadong maging seryoso pag kasama kita",..
"Bakit naman?", tanong ni Beto.
"I'm...I'm just afraid to show what... I really feel...."
"What I really feel about you, Beto", mahinang sabi ni Nyel.
Hinawakan niya muli ang kamay ni Beto.
Pero napaisip din siya bigla saka binitawan ang kamay nito.
"Ah,...ano! I mean, pag seryoso kasi di ba...ano!..Boring!", palusot nito.
"Di ba? Boring pag sobrang seryoso", ulit ni Nyel.
Mahirap na.
Ayaw niyang paasahin si Beto.
Kahit aminin man niyang nahuhulog din siya dito.
At bumabalik na din ang alaala nung mga bata pa sila, ayaw niyang saktan ito sa muling pagalis niya.
"Eh pwede naman kasing maging magkasundo tayo eh", sabi naman ni
Beto."Hindi mo naman ako kelangang sigawan o pahiyain", sabi pa ni Beto.
"I know, I know!:, pagsangayon ni Nyel.
"Kaya nga nagsosorry na ko db!", ngisi niya.
"So..Friends?!", saka inabot ang kanang kamay kay Beto.
"Friends!", inabot naman ito ni Beto ng may ngiti sa labi.
"Never na kitang aawayin!", pangako ni Nyel sa kanya
"Nyel, never say Never!", sabi naman ni Beto.
"Ah, yeah..pipilitin ko pa lang di ka na awayin haha!", bawi ni Nyel.
Masaya na din silang nagkuwentuhan.
Wala na ang ilangan.
Hinatid siya ni Nyel sa bahay nila at nagmano pa ito kay Lola Meding.
Wala pa ang tatay niya ng mga oras na iyon.
"Apo, mukhang masaya ka!",bati ng lola.
"Nagkaayos na kayo ni Nyel?", tanong nito.
"Opo Lola, nagkabati napo kami...sa wakas!", malaki ang ngiti nito.
"Apo, gusto lang kitang paalalahanan, na wag kang masyadong masanay na andito si Nyel",....
"Ayokong makitang umiiyak ka ulit ng dahil sa kanya", paalala ng lola.
"Naalala mo ba dati ng unang umalis sila Nyel, papuntang Amerika?",
Tumabi na si Lola Meding kay Beto, saka hinawi hawi ang buhok nito.
"Hindi ka nagkakain, kaya ka nagkasakit at inabot ka ng isang linggo sa ospital", kwento ng lola.
"Ayaw na namin ng tatay mong maranasan mo ulit ang ganun", paliwanag pa ng lola
"Opo, Lola. Pangako hindi po ako gagawa ng isang bagay na ipagaalala
nyo ni Tatay", saka ito yumakap sa matanda."Pagkakaibigan lang po ang namamagitan sa amin ni Nyel!", pagsiguro pa niya.

BINABASA MO ANG
One Summer Romance
FanfictionIf I were the writer of Just One Summer, this is how my story would go.. Elmo Moses Magalona & Julie Anne San Jose as Nyel & Beto Some scenes were revised and changed. Please be guided that this is only inspired by the movi...