Tadhana

258 24 0
                                    


Magkahawak kamay sila Beto pauwi.

Hindi niya tuluyang nabigyan ng sagot ang request ni Nyel.

Ayaw niyang maging dahilan para mabago ang mga nauna na nitong plano.

Para sa kanya, kung sila talaga, magtatagpo at magtatagpo din sila.

"Magingat ka dun, Nyel!", bilin ni Beto.

"Oo naman, magiingat ako para sayo", sagot naman ng binata.


Habang binabaybay nila ang daan pauwi.

Nakasalubong naman nila ang tatay at lola ni Beto.

Napabitaw si Beto sa kamay ni Nyel nang masilayan ang ama.

"Tay!?!", sabi nito.

"Ah magandang gabi po Mang Berting, Lola Meding", bati ni Nyel.

Kinakabahan din siya sa reaksiyon ng tatay ni Beto ganung alam niya na ayaw pa nito ang makipagrelasyon ang anak.


"San kayo nanggaling?", tanong ng ama.

"Ah Tay! Sa mga alitaptap po", sagot ni Beto.

Tumingin lang ng makahulugan ang ama sa kaniya.

Maya maya, dumating naman ang driver ni Sir Dan.

"Sir Nyel, pinasusundo na po kayo ng Daddy nyo?", sabi naman nito.

"Hindi pa daw kayo tuluyang magaling", dagdag nito.

Tumango lang naman si Nyel.

"Beto, mauuna na ko", paalam nito saka bahagyang hinawakan sa siko si Beto.

"Sige po!", paalam din niya kila Mang Berting saka sumakay na sa kotse.

Hindi naman makakibo si Beto.

"Beto, hindi ko nagugustuhan na ginagabi kang kasama si Nyel!", sabi ng ama.

"Tay, wala naman po kaming ginagawang masama", depensa ni Beto.

"Hindi naman po sadyang mapunta kami dun", paliwanag niya.

Nauna nang naglakad si Beto pauwi.

Alam niya ang pinupunto ng Tatay niya.

Ayaw nito na magaya sa ina na maagang nagasawa.

At naiintindihan yun ni Beto.

Pero para sa kanya, hindi naman yun ang problema kung makikipagrelasyon siya kay Nyel.

Dahil malinaw pa sa sikat ng araw, na hindi naman sila talaga pupwede ni Nyel kahit ano pang gawin niya.

Pagdating sa bahay, dumiretso ito sa kwarto niya.

Doon nilabas niya ang lahat ng hinanakit niya.

"Iyak lang katapat nito", bulong niya sa sarili.

Nasasaktan siya, pero wala naman siyang magagawa.

Pinaglalaruan ba sila ni Nyel ng tadhana?

Pinagtagpo nga sila ulit ng panahon pero napakaiksi naman nito para
patunayan nila ang pagmamahal sa isa't isa.

Pang Summer lang ba siya?

💔💔💔💔💔💔




































One Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon