You don't say ?

417 27 0
                                    


"Good Morning, Nyel!", bati ni Tita Juliet niya, ang second wife ng ama.

"Pupunta ka ba sa Farm?", tanong agad nito.

"Para ano? Para sundan sundan na naman ako ni Beto?", inis na sagot nito.

"Hindi na no?!", sambit nito.

"Hi, Nyel!, San lakad natin?", si Beto na napakaganda ng ngiti sa kanya sa may sala.

Napalingon naman si Nyel kay Juliet.

"You don't say?", sabi nito sa madrasta.

Nagkibit balikat naman itong ngumiti sa kanya.

"Bakit ba andito ka na naman?", inis na tanong ni Nyel.

"Wala ka bang social life?", dagdag nito.

"Ah, eh...inutusan kasi ako ni Tatay naghatid ng mga inaning mangga kahapon", palusot ulit ni Beto.

"Naisip ko baka gusto mo na din mamasyal sa plaza!", ngisi ni Beto sa kanya.

Bigla namang nagring ang phone ni Nyel....

"Mom!!!Ano na? Hanggang kelan ka pa ba sa Cebu?", tanong agad sa ina.

"I've been here for 3 days now, at kung pwede lang ako sumunod dyan Mom, kahapon ko pa ginawa!", sigaw ni Nyel.

"I know! But its so boring here!", reklamo nito sa ina.

"Can't  I just get a hotel in Manila?", pakiusap nito.

"Okay,I understand!",...

" You take care, Mom!", sabi na lang nito sa ina saka in end call.


"Ahhhh!!!", sigaw ni Nyel.

Nagkalapit kasi ang mukha nila ni Beto paglingon niya dito.

Nangisi naman ang dalaga.

"Hobby mo ba talagang manggulat?!", tanong nito kay Beto.

Saka ito dumiretso sa pinto para lumabas.

"Nyel, san ka ba pupunta?",kulit ni Beto habang nakasunod kay Nyel.

"Wala ka na dun! Yaya ba kita?", singhal ni Nyel.

"Bukas na yung peryahan sa plaza, baka gusto mo pumunta?", tanong
ni Beto.

"Ayoko okay!", sigaw nito.

"Will you stop pestering me!", inis na sabi nito.

"Maka peste ka naman?! Palagay mo naman sa kin, Anay!", sabi ni Beto.

"Hinde! ", maikling tugon ni Nyel.

"Linta!!", inis na sabi nito.

Sumakay naman ito sa kotse niya saka inistart.

Mabilis namang sumakay din si Beto sa passenger's side.

"What do you think you're doing?", asar na tanong ni Nyel.

"Sasama ko sa yo!", mabilis na sagot ni Beto.

"At sinong may sabi?",....

"Daddy mo po!", sagot ni Beto.

"Ahhhhh, why can't you just leave me alone?!? Kayo ng Tatay ko!", malakas ang boses nito.

Wala namang nagawa si Nyel dahil ayaw talaga magpatinag ni Beto.

Sa plaza din sila napadpad. Wala naman din kasing ibang
mapupuntahan sa Santa Elena.

" Nyel, libre mo naman ako ng Fishballs?",....

One Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon