Need for Speed

291 23 0
                                    



Isang oras bago ang laban, nagkaroon pa ng pagkakataon makapagusap si Nyel at Beto.

"Sure ka ba Nyel? Kaya mo na talaga?", maligalig na tanong ni Beto.

"Oo naman...Relax", paghagod niya sa likod ni Beto.

"Para naman ikaw ang lalaban eh", biro pa ni Nyel.

"Nyel naman eh!", sabay hampas nito sa braso ni Nyel.

"Wag ka na lang kaya tumuloy?", pakiusap ni Beto.

"I'm gonna win this for you, Beto"....

"Wala ba kong kiss?", hiling ni Nyel.

"Nyeellll!", irap ni Beto.

"Pa goodluck lang eh!", yamot na sabi ni Nyel saka sinuot ang helmet.

Nakatingin naman si Beto sa kanya.

Kitang kita din naman niya ang titig nì Nyel sa likod ng helmet nito

Nang bigla na lang itong tanggalin ni Beto.

Saka siya humalik sa pisngi ni Nyel.

"Don't drive Crazy!", saka ito binalik kay Nyel ang helmet.

Napalakas pa nga itong nahampas sa tiyan niya na kunwaring ininda ni Nyel.

Tumalikod naman agad si Beto.

"Thank you!", sigaw ni Nyel.

Pero kinikilig siya sa ginawa ni Betong paghalik sa kanya.

Nakadagdag ito para lalo siyang mainspire sa laban.

Natanaw din niya ang ama at Tita Juliet niya na nanonood sa sa di kalayuan.

-------------------

By the gunshot, nagstart ang race.

Matinding magkalaban na naman ang dalawang magkaibigan.

Ngayon alam na din ni Diego ang namamagitan sa dalawa.

At dahil kaibigan naman niya si Nyel, buong puso itong magpapaubaya.

Tutal umpisa pa lang, pansin naman niyang may gusto din ang kaibigan kay Beto.

* Diego Ledesma is now in the lead.....followed by Daniel Cuaresma, Jr.

Announce ng commentator.

Last 3 laps ng race.

Una pa di si Diego.

Pero buo ang loob ni Nyel manalo.

Nanoood naman si Beto ng seryoso.

Para sa kanya kahit matalo pa si Nyel, basta matapos niya ang race ng maayos.

Walang kahit na anong galos.

Inapakan naman ni Nyel ang accelerator, saka umusad ng mas mabilis kay Diego.

Last lap, sigurado na siyang siya ang panalo.

*And today's Champion is...Daniel Cuaresma Jr.

Napatayo naman si Beto sa sobrang excitement.

Masaya siya para kay Nyel.

Masaya siya na nasaksihan niya ang pagkapanalo nito.

Lalabas ata ang puso niya kanina habang nasa race track si Nyel.

"Hay, Thank you Lord at natapos na din", palakpak ni Beto.

After ng awarding ceremony, lumapit naman ito agad kay Beto.

Nagulat pa si Beto nang yakapin siya nito.

"We did it, Beto!", masaya niyang sigaw.

"No, you did it!", sabi naman ni Beto.

"Pero ikaw ang nag inspire sa king manalo", ngiti ni Nyel sa kanya.

Saka inabot ang isang sobre.

Takang kinuha naman ni Beto ito.

"Three Hundred Thousand?", basa niya.

"Wow, ang laki ng panalo mo ah!", sabay balik kay Nyel ng sobre.

"No, Beto, it's for you!", linaw ni Nyel.

"Huh?, di ko gets?!", tanong ni Beto.

"Para sa yo yan, Beto!", sabi ni Nyel.

"Use it for your studies", paliwanag ni Nyel.

"Nyel, hindi ko to matatanggap", tanggi ni Beto saka pilit na binabalik kay Nyel ang checke.

"Pinaghirapan mo yan",...

"Saka may swrldo naman ako kay Sir Dan, Nyel",...

"Konti na lang, matatapos ko na ang 360 containers!", yabang niya dito.

"Magtatampo ako pag di mo yan kinuha!", sabi ni Nyel.

"I wanted to win not because of the recognition or this trophy",...

"Gusto ko talaga manalo para maibigay ko yan sa yo!",paliwanag ni Nyel.

Nangingilid naman ang luha ni Beto.

Hindi naman niya akalain na gagawin ni Nyel ito para sa kanya.

"Just say, Thank you!", sabi pa ni Nyel na ngumisi.

Tinignan naman siya ni Beto.

"Thank you, Nyel", sabi ni Beto.

Hinalikan muli niya ito.

This time....

Sa labi.....

♡♡♡♡♡♡

























One Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon