Nagtungo si Beto sa isang sulok ng farm kung saan siya laging nagpupunta kapag may dinaramdam siya.
Dun siya nagpapalipas ng ilang sandali para makapag isip isip.
Dun hintayin niya ang takdang oras para mawitness ang isang tanawin at eksenang nagpapagaang ng pakiramdam niya.
Maya maya pa, lumiwanag ang mukha niya.
Nagliparan mula sa isang malaking puno ang mga alitaptap.
Ito ang eksenang inaabangan niya lagi.
Kahit nga ba ilang ulit na niya itong nakita, namamangha pa din siya talaga sa ganda nito.
"Wow! Ang ganda!", sigaw ng isang lalaki mula sa likod niya.
"Nyel!!", nagulat siya ng masilayan ang taong may ari ng boses na yon.
"Andaya mo naman, meron ka pa lang alam na ganyan dito, hindi mo man lang sinabi sa akin", sabi ni Nyel saka pa tumabi kay Beto na nakaupo sa damuhan.
Hindi naman siya pinansin ni Beto.
Nilapat naman ni Nyel ang jacket na dala dala sa balikat ni Beto.
"Ikaw talaga!, malamig na nasa labasan ka pa!",
"Sipunin ka pa naman", biro pa ni Nyel.
Tahimik lang naman si Beto, nakatingin lang sa mga alitaptap.
Bahagya naman siyang siniko ni Nyel.
"Sorry na", bulong nito.
"Huy, sabi ko sorry na!", ulit nito sa kanya.
"Sige pag di mo ko pinansin....",
"Kikilitiin kita!", aakto naman na itong kikilitiin si Beto ng magsalita ito.
"Oo na, sige na!", kunwaring inis nito.
"Nakakatampo ka naman kasi eh", sabi pa niya.
"Aalis ka na lang ganyan ka pa!", himutok nito.
"Nalulungkot lang din naman kasi ako", depensa naman ni Nyel.
"I really hate goodbyes you know", sabi pa niya.
"When my mom said goodbye to my Dad, yun ang pinakamasakit sa lahat",....
"Kahit bata ako noon, alam ko pa din ang nangyayari sa pamilya namin",
"Minsan, hindi din nila iniintindi kung anong nararamdaman ko eh",....
"Basta sila okay, okay na...Wala na silang pakialam san ang bagsak ko",...
"Tapos magtataka sila why, sometimes, I'm being so difficult", sabi ni Nyel.
"Hindi nila alam na may hinanakit ako kaya ganun", malungkot ang boses ni Nyel.
"Nyel, hindi mo naman kasi kailangang pahirapan ang sarili mo",....
"Kung bibigyan mo lang ng chance ang mga taong nasa paligid mo, you will realize that you're still lucky after all",...
"Andyan ang nanay at tatay mo na parehong nagmamahal sa yo", pahayag ni Beto.
"Ako, kahit pa hindi ko na nakita ang nanay ko, nagpapasalamat pa din ako dahil andyan naman si Tatay at Lola Meding",....
"Andyan ang mga kaibigan ko",....
"Andyan...Ka!" , saka ito tumingin kay Nyel.
"Kahit pa nasa malayo ka Nyel, hinding hindi ko nakakalimutan ang pinagsamahan natin",....
"Kahit mga bata pa tayo noon nang maghiwalay tayo, nakatatak sa puso ko ang bawat tawa, iyak, sarap at sakit na naranasan natin dati", pagalala pa ni Beto.
"Halika nga, wala naman na din akong masasabi eh, hug na lang kita",...
Yumakap naman si Nyel sa kanya.
Dama naman ni Beto ang lungkot ni Nyel.
"Beto..."
"Nyel".....
"Shhh", hawak ni Nyel ang dalawang pisngi ni Beto.
Saka ito marahang hinagkan.
Soft.
Gentle.
Sweet.
"I never thought that something good will happen to me this Summer", sabi ni Nyel sa kanya.
"Akala ko magsisisi ako bakit pa ko sumama kay Mommy na umuwi ng Pilipinas",...
"But finding you again is the only positive thing that ever happened to me this Summer." , pahayag ni Nyel.
"Beto.... Please..."
"Ask me to....
Stay!.....
Saka muling hinalikan ni Nyel si Beto....
♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
One Summer Romance
FanfictionIf I were the writer of Just One Summer, this is how my story would go.. Elmo Moses Magalona & Julie Anne San Jose as Nyel & Beto Some scenes were revised and changed. Please be guided that this is only inspired by the movi...