Lightning Bugs

268 28 0
                                    

Araw ng alis nila Nyel.

Maaga siya nagempake.

Isang luggage at backpack lang naman ang dala niya.

Kahit pa mababa ang energy, wala naman din itong magagawa kundi sumunod sa ina.

Mula sa side table niya,  kinuha niya ang frame ng picture nila ni Beto.

Andun lang yun, for the longest time.

Ngayon lang niya naisipang dalhin pa Amerika.

Naging dahilan tuloy ito, para tignan muli niya ang mga stolen pictures niya kay Beto.

Una nung, nakita nitong kausap ng Daddy niya.

Di niya ito kunyari pansin, pero malayo pa lang kita naniya ang ganda ni Beto.

Pangalawa, ung natutulog ito sa kotse nang bumiyahe sila galing ng Manila.

Nakuhaan pa nga niya ang kamay na hinahaplos ang buhok nito.

Pangatlo, nung kausap nito si Jason nung araw na hinalikan niya ito na kinagalit ni Beto.

Natawa pa nga siya kung pano niya pinutol ang pagkuha para lang hindi maisama si Jason sa picture.

Meron din nung nagcarnival sila. Nung kausap niya ang bestfriend na si Epang.

Busy si Nyel sa pag scroll ng mga pictures mula sa camera nang kumatok ang Tita Juliet niya.

"Nyel?", tawag nito bago pa pumasok.

"Ah Tita, kayo po pala", sagot ni Nyel ng buksan ang pinto.

"Nakaempake ka na?", tanong nito.

"Yes Tita!, konti lang naman din ang gamit ko", sagot ni Nyel.

Tumabi ito sa kanya. Saka may inabot.

Isang papel.

Nagtatakang kinuha ito ni Nyel.

Bago pa man buksan ang nilalaman nito.

Tumayo na ang Tita Juliet niya para magpaalam.

"It will be worth it!", ngisi nito bago pa tuluyang lumabas at  sinara ang pinto.

Hindi man niya maintindihan ang ibig sabihin nito, tumango na lang siya.

Dali dali naman nitong binuksan ang sulat.

"Lightning Bugs!, basa niya dito.

Dali daling lumabas ng kwarto si Nyel.

Binitbit ang skateboard.

Saka lumabas.

Alam na alam niya kung saan siya pupunta.

"Lightning Bugs...sa lugar ng mga alitaptap", bulong niya sa sarili.

Habang tinatahak niya ang daan papunta doon sakay ng skateboard, iniisip ni Nyel bakit sa lugar ng mga alitaptap.

Anong meron?


Pagdating ni Nyel sa lugar.

Tumingala ito sa puno.

Wala namang kakaiba dito.

Wala din namang tao.


Pero may isa siyang napansin pagyuko niya.

Sa isang malawak na buhanginan ay may nakadrawing na puso...

May nakasulat dito....





"PLEASE STAY!"



Saka niya naramdaman ang presensiya ng isang tao sa likod niya.

"Beto?!", tawag niya dito.

"Please stay?"....

"For me?"....

"At least till the end of Summer?"...

Sunud sunod na pakiusap ni Beto.


Nangisi naman si Nyel saka pinuntahan ng malapitan si Beto.



"I thought you'd never ask?", saka niya ito niyakap ng mahigpit.

♡♡♡♡♡♡

One Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon