" Uy, Beto,tulaley ka na naman dyan!", natatawang sabi ni Jen, ang isa sa mga bestfriends niya."Hindi kasi sasagot yang crush mo kahit pa tumambling ka dyan!", kantyaw naman ni Karen.
Tinitignan ko kasi sa Candy Magazine ang crush kong si Nyel.
Kababata ko siya.
Pero dahil dinala na siya sa States ng mommy niya, hindi na kami nagkita.
Ako si Maria Bettina Salazar. Beto ang nickname ko sa mga taong malalapit sa akin.
Pero sa UST kung saan Graduating ako next year sa kursong Communication Arts, MaBet, ang tawag ng ilang kaklase ko.
"Akala ko ba based na sila sa States?", tanong ni Jen.
"Umuwi sila last year kaya nafeature siya sa Candy Magazine as Candy Cutie",
Sabay himas sa magazine na iniingatan na niya ng isang taon.
"Hindi nga kami nagkita kasi July yun, andito ako sa Manila, samantalang bakasyon naman niya sa school kaya sila napauwi ng Pinas", paliwanag ni Beto.
"Pero andito siya ngayon. Nabasa ko naman sa dyaryo na nanalo siya sa Drag Race sa Subic".
"Wow!, updated ka talaga ha!", biro ni Karen.
"Sana magkita kami, paguwi ko nitong Sabado sa Santa Elena",
paghiling niya pa."Paniguradong dadalaw yun kay Doc Dan sa farm nila", dagdag ni Beto.
----------------------
Biyernes ng hapon, nagmamadaling nagempake si Beto para makahabol sa last trip ng byahe ng Victory liner pauwing Zambales.
"Karen! Jen! ,alis na ko ha. Baka di ko abutin yung last trip!", paalam niya.
"O sige magingat ka, Beto!", sagot ni Karen.
"So babalik ka nalang sa enrollment for Summer?", tanong ni Jen.
"Yan pa nga ang isa sa problema ko, di pa alam ni Tatay na kelangan kong mag Summer class, tapos natanggal pa ang scholarship ko!", alala niya.
Mag ala una ng madaling araw ng makauwi ito sa Santa Elena.
Nakaabang naman ang Tatay niya sa baba-baan niyang kanto.
"Mano po Tay,", bati ni Beto.
"Bakit gabi ka pa bumyahe, anak?",....
"Delikado na sa yo, babae ka", sabi ng Ama na nagaalala.
"Eh, Tay mas gusto ko na po ito, walang traffic at saka andito na ko agad pagpasok ng Sabado ng umaga", ngisi niya.
"Gising pa po ba ang Lola?", tanong niya habang binabaybay nila ng ama ang papasok sa kanila.
"Tulog na anak, syempre hindi na dapat napupuyat ang mga may edad na katulad niya", sabi ng ama.
May mga naglalaro pa nga ng Basketball ng ganung disoras ng gabi kaya maliwanag pa sa Court na nadadaanan pauwi sa kanila.
"Beto!", sigaw ni Jason patakbo sa kanya.
Si Jason ang dating kaklase ni Beto nung high school. May gusto ito sa kanya. Pero nabasted na niya ng ilang beses.
Mabait naman ito. At isa pa, anak ng Ninang niya ito kaya hindi niya naman ito tuluyang maiwala sa landas niya.
"Ah, Jason, andyan ka pala, ginagabi kayo maglaro ah?", puna ni Beto.
"Magandang gabi po, Mang Berting!", unang bati niya sa Tatay ni Beto.
"Ah, nagpapaantok lang. Alam mo naman dito, yan lang libangan naming mga hindi na nagdiretso sa College", paliwanag nito.
"O, sige ha Jason, magpapahinga na muna ang dalaga ko!", pagputol ni Mang Berting sa usapan.
Pagdating sa bahay, inayos lamang ni Beto ang mga gamit na inuwi.
Binasa pa nga nito ang letter ng Dean kung bakit natanggal na ang scholarship niya.
Meron kasi siyang hindi na meet na requirement kaya bumaba ang average niya.
"Bukas na bukas, lalapit ako kay Doc Dan para makapag loan",..
"Hindi man ako makapag Summer this Sem, kelangan ko pa din ng pang enroll next sem", bulong niya sa sarili.
"Hay, Beto, isang taon ka nalang nga, di mo pa inayos ang grades mo!", inis na sabi niya sa sarili.
Nakatulog na din ito agad. Pupunta siya ng maaga sa farm para makausap si Doc Dan.
Inaasahan din niyang makikita ang kababatang si Nyel sa farm kinabukasan....

BINABASA MO ANG
One Summer Romance
FanfictionIf I were the writer of Just One Summer, this is how my story would go.. Elmo Moses Magalona & Julie Anne San Jose as Nyel & Beto Some scenes were revised and changed. Please be guided that this is only inspired by the movi...