"Taguan"

309 28 0
                                    

"Hi Bestfriend!", bati ni Epang kay Beto nang maabutan sa farm.

"Oh, ang aga nyo namang gumala mag ina?", tanong ni Beto kay Epang na dala dala ang halos magiisang taong anak.

"Eh syempre, para maarawan naman si Baby girl ko!", paliwanag niya.

"Halika nga dito Fanny, baby!", saka kinuha ang inaanak.

"Hoy, Epifania, wag mo munang susundan tong inaanak ko ha!", biro ni Beto sa kaibigan.

"Ay naku, hindi pa talaga!", mabilis na sagot nito.

"Bukod sa magastos, mahirap din talagang mag alaga, Bestfriend!", dagdag niya.

"Kaya ikaw, Bestfriend ha!", pahiwatig nìto kay Beto.

"Wag ka muna padalos dalos!", dagdag niya.

"Mahirap talaga ang buhay!",....

"Buti kung si Nyel ang makakatuluyan mo!", biro niya.

"Ha!?! San naman galing yun?!?", maang maangan ni Beto.

"Eh kamusta naman ba kayo ni Nyel, ha?", bulong nito.

"Ano?!, panong kamusta?", takang tanong nito.

"Ibig ko sabihin, nag propose na ba siya?",tanong ni Epang.

"Ha? Anong Propose? Eh hindi naman kami?", naiiling na sabi ni Beto.

"Tsaka di naman ako "type" nun, ano ka ba?", paliwanag pa ni Beto.


"Alam mo, limang bagay lang yan para malaman mong may gusto siya sayo", panimula ni Epang.

"Una! aasar-aasarin ka niya!",

"Kukulitin para lang magpapansin sayo!",....


"Pangalawa! Mahuhuli mo siyang nakatitig sa yo ng walang dahilan!",...

"Pangatlo! Pagsisilbihan ka na niyan, aalalayan, mga ganyan!", .....

"Pang apat! Magiging pisikal na!", sabay kinikilig na sinundot ang tagiliran ni Beto.

"Hawak hawak sa kamay, ganun!",...

"Akbay akbay kunyari!", ngisi pa niya sabay minuwestrang inakbay ang isang braso sa balikat ni Beto.

"Uyyy! Bakit ka nangingiti?" Pansin niya kay Beto na nangingisi na din.

"Siguro lagi na kayong nagha hawakan ni Nyel no!?!", biro niya.

"Uy, wag ka nga haha!", namumula naman ang pisngi ni Beto.

"At ang Panglima!!! Magtatapat na yan syempre na mahal ka niya at gusto ka niyang maging girlfriend", tukso niya pa rito.

"Yieeeee!!!", pahabol pa ni Epang.

"Ay naku Epang, anu ano naman naiisip mo eh hehe!", iwas niyang sagot saka inabot pabalik ang inaanak sa ina niya.

Kung iisipin niya apat sa limang nabanggit ng kaibigan ay nangyari na.

Pero syempre hindi naman din siya umaasang magtatapat talaga si Nyel ng pagibig sa kanya.

"Sus, kunyari pa to!",...

"Eh halata namang may gusto kayo sa isa't isa!", sabi pa ni Epang.

"Ang tatanda niyo na, naglalaro pa kayo ng "Taguan"!, sabay duro nito kay Beto.

"Huh?! Taguan?!?", kumunit ang noo ni Beto.

"Oo! Taguan!"....pasigaw na sabi ng kaibigan







"Taguan ng Feelings!" ♡♡♡








One Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon