SpeedFest 2016
Subic Bay Freeport Zone
9:00AMMaglalaban ulit ang magkaibigang Nyel at Diego sa race track.
Drifting ang event.
Aminado si Nyel, mas magaling si Diego sa Drifting.
Pero lalaban siya.
Bago mag umpisa ang laban, nagharap muna ang magkaibigan.
"Goodluck Pare!", bati ni Diego kay Nyel.
"You too, Pare!",....
"Let's give them a good race!", tango nito saka nakipagkamay kay Diego
"Yeah! But I'm going to win this race for Beto!", bulong ni Diego kay Nyel
"I'm gonna ask her to be my girlfriend..Win or lose!", sabi nito saka sinuot ang helmet
Ngumisi lang si Nyel. Alam niya, sa puso ni Beto, panalo na siya.
-----------------------
"Dalian mo Epang, wala na tayong magandang spot!", hila ni Beto kay Epang na halos matalisod na sa pagkakalakad.
Naupo sila malapit sa track mismo. Kitang kita mula dito ang event ng race.
"Excited lang masyado, Bestfriend?!", sabi pa nito na hinimas himas ang paa ng makaladkad ni Beto.
"Eh alam mo naman ngayon ko lang mapapanood si Nyel", sabi naman ni Beto.
"Buti nga pinayagan ako ni Tatay pumunta dito sa Subic", lilinga linga itong hinahanap si Nyel.
Kumaway naman ito ng makita si Nyel.
Ang gwapo nito sa overalls niya katabi ang race car na Nissan GTR.
Nag flying kiss naman ang binata nang makita si Beto.
Di naman ito napansin ni Diego na busy sa pagcheck sa gulong ng kotse niya.
Nagsimula ang laban.
Head to head.
Nauuna ng konti si Diego.
Pero di naman nagpapatalo si Nyel.
Nanonood pa naman si Beto. Kelangan niyang galingan.
Pero hindi siya maka focus masyado.
Inaalala niya ang mga sinabi ni Diego.
He won't just give up on Beto.
Kahit ba walang kasiguraduhan sa pagitan nila, alam niya na siya at si Beto ang para sa isa't isa.
Pero sa isang bahagi ng utak niya, nananaig ang takot na madali siyang mauungusan ni Diego dahil andito lang ito sa Pilipinas...
Malapit kay Beto.
Mas may edge ito kung distansiya lang ang paguusapan.
Ilan lang ba ang nagtatagal na long distance relationships sa ngayon?
Shit! Eh hindi nga niya alam kung sila ba eh!
Ilang sandali pa, while he gets an adrenaline rush, bigla na lang siyang may narinig na malakas na....
"Craaasshhhhh!!!!!
Saka nagdilim ang paningin niya.
--------------------------------------------------------------
"Nyel! Nyel!", tawag ni Beto sa kanya.
Malabo ang tingin niya dito.
Pero alam niyang umiiyak ito.
"B-Beto!!", marahan niyang sabi.
Ramdam niyang nasa gurney siya at tinatakbo ng mabilis.
"Miss, hanggang dito na lang po kayo! , sabi ng isa sa nurse.
Naiwan sa labas ng Emergency Room si Beto at kaibigang si Epang.
Iyak ng iyak si Beto.
Habang hinahagod ni Epang ang likod nito.
Ilang minuto pa dumating na ang Mommy at Daddy ni Nyel.
"What happened to my Baby boy?", tarantang sabi ng Mommy ni Nyel.
"My son is a professionàl racer, I can't believe nangyari sa kanya ito!",
Bago pa nakasalita si Beto, lumabas na ang Doktor na tumingin kay Nyel.
"Doc, kumusta ang anak ko?", tanong agad ni Sir Dan.
"He's gonna be alright!", umpisa ng Doctor.
"Konting bruises sa hita nito at braso",..
"Good thing dahil may helmet naman siya, walang damage ang ulo niya pero may galos ito sa bandang noo"...
"And because of the impact dahil sa pag "somersault" ng kotse niya kelangan padin siyang iadmit para maobserbahan", paliwanag ng doktor.
"Yes, Of course!", tanging nasabi ng ina na isang doktor din.
"Can I see my son now?!", pakiusap nito.
Tumango naman ang doktor.
Pumasok ang magulang ni Nyel.
Naiwan naman sila Beto.
Naghihintay sa susunod na mangyayari.
Ilang minuto pa lumabas na sila Sir Dan.
"Beto...he wants to see you", sabi ng ama ni Nyel.
Nagpaiwan naman si Epang sa labas.
---------------------------------
Kumatok muna si Beto saka pumasok.
"Nyel...." saka ito lumapit.
"Beto...", mahina ang boses ni Nyel
"Shhhhh, wag ka muna magsalita", sabi ni Beto.
Umupo ito sa upuang nasa tabi ni Nyel.
May benda ang ulo nito.
Kitang kita din ang ilang galos sa braso niya.
"M-may gusto ka ba?...Water? ", tanong ni Beto.
Umiling naman si Nyel.
Hinawakan lang nito ang kamay niya.
"Minsan ka na lang manood, pumalpak pa ko!", sabi nito.
"Ano ka ba? Aksidente yun", pagalo ni Beto.
"It's my first race na...na nawala ako sa focus",....
"Something was bothering me....", sabi nito.
"Ano ba kasing iniisip mo?", tanong ni Beto.
"I-I was...I was thinking about.....you!", sagot naman ni Nyel.
"Ha?!", takang tanong ni Beto.
"Bakit naman?", dagdag pa nito.
"I don't know",...
"I got scared...I guess", mahina ang boses nito.
"Scared of what?", tanong naman ulit ni Beto.
"Scared of...of losing you!",sagot ni Nyel.
"I - I love you, Beto".........

BINABASA MO ANG
One Summer Romance
FanfictionIf I were the writer of Just One Summer, this is how my story would go.. Elmo Moses Magalona & Julie Anne San Jose as Nyel & Beto Some scenes were revised and changed. Please be guided that this is only inspired by the movi...