Picture

277 27 0
                                    

Maaga nagising si Beto kinabukasan.

Babalik siya sa ospital para bisitahin ulit si Nyel.

"Tay, magandang umaga po!", bati nito sa ama ng makitang nagkakape sa hapag.

"Ang aga mo ata anak?", tanong agad ng ama bago humigop ng kape.

"Ah, Tay, pwede ko po bang bisitahin ulit si Nyel ngayon?", paalam nito.

"Anak, nakauwi na si Nyel sa bahay nila?", sabi ng ama.

"Ano po?", tila nabibingi siya.

"Sinundo namin siya ni Sir Dan kaninang mag a alas singko ng umaga", sabi ng ama.

"Eh bakit po napaaga naman ata?", taka ni Beto.

"Ang dinig ko eh papa Amerika na ata sila bukas ng gabi", kwento ng ama.

"Ang gusto ni Nyel sa bahay na siya para makapahinga ng maayos", sabay baling nito muli sa binabasang dyaryo.

Nakikiramdam si Mang Berting sa anak.

Alam niyang nagaalala ito sa pag alis uli ng kababata.

"Maliligo muna po ako, Tay!", tanging nasabi nito.

"Asan po pala ang Lola?", usisa niya.

"Nasa bayan at namalengke", ani ng ama.

"Anak?", tawag nito kay Beto.

Ayaw na ni Mang Berting na palampasin ang pagkakataong makausap ang anak.

"alam kong nagaalala ka",....

"Nababasa ko sa mga mata mo", sabi pa nito.

"Anak, hindi naman sa gusto kong putulin mo agad ang ugnayan mo kay Nyel",...

"Pero ayokong umasa ka sa wala, anak", mahinahon ang boses ng ama.

"Masyadong malayo ang estado ng buhay ninyo ni Nyel",...

"Ang gusto ko sana hanggat maaari, makatapos ka ng pagaaral mo muna",.....

"At makapagtrabaho para sa kinabukasan mo",sabi pa ng ama.

"Tay, alam ko naman po ang priorities ko", sagot ni Beto.

"Hinding hindi po ako sisira sa pangako ko sa inyo Tay",...

"Pati na din po sa Nanay at Lola", dagdag niya

"Kaya nga anak, napakatalino ng nanay mo, pero dahil sa maaga kaming nagasawa, hindi niya natupad ang mga pangarap niya",...

"Kaya pinuprotektahan kita, anak", paliwanag pa ng ama.

"May oras ang lahat ng bagay",..

"Isapuso mo ang obligasyon mo sa sarili mo at hayaang maging gabay ng kalayaang ninanais mo"....

"Opo, Tay", saka ito yumakap sa ama.

Nasa ganun silang sitwasyon ng dumating ang lola ni Beto.

"Oh, napakaaga ninyo atang magdramang mag ama?", biro ng matanda.

"Mano po , Lola", sabay kuha ng kamay nito.

"Ako na po magdadala sa kusina", saka niya kinuha ang basket na bitbit ni Lola Meding.

"Nasabi mo na ba sa anak mo ang pagalis ni Nyel bukas?", baling nito kay Mang Berting.

Tumango naman si Mang Berting saka muling nagbasa ng dyaryo.

------------------------------------------------------

Sa bahay ng mga Cuaresma

"Ninang Juliet, andiyan na daw po si Nyel?", tanong ni Beto nang mabungaran ang nagbukas ng pinto.

"Beto, ikaw pala",nakangiting sagot ng Ninang niya.

"Halika, panhikin mo na siya sa taas", sabi nito.

"Baka natutulog pa yun, hindi pa kasi lumabas para mag almusal, ayan nga at manananghali na naman oh", turo nito sa grandfather clock sa sala.

"Ikaw ng sumilip sa kanya", sabi pa nito.

Umakyat naman na ito para tumungo sa kwarto ni Nyel.

Kumatok muna siya pero walang sumagot.

Kusa na lamang siyang pumasok ng masiguradong hindi naman nakalock ang pinto.

Himbing ngang natutulog si Nyel nang pumasok siya sa loob ng kwarto.

Wala na ang benda sa ulo nito pero bakas pa din ang galos nito sa bandang noo.

Umupo ito sa stool na nasa tabi ng kama ni Nyel.

May mga gamot pa din sa side table nito.

Tanda niya pa ang kwarto na yun ni Nyel.

Madalas nga sila dun magtaguan nung mga bata sila.

Malaki kasi ang kwarto nito. Maraming pagtataguan.

Pwede sa malaking cabinet, sa ilalim ng kama kahit pa sa nagkakapalang kurtina sa bintana nito.

Hinimas ni Beto ng marahan ang noo ni Nyel at hinawi hawi ang buhok.

Saka niya napansin ang picture frame na yakap yakap ni Nyel.

Picture nila ito nung bata pa sila.

Nakacostume sila dito.

Si Nyel si Batman, at siya ang partner nitong si Robin.

Ilang sandali pa, naramdaman na niya na gumigising na si Nyel.

"B-Beto?", tawag nito sa kaharap.

"Nyel", hinawakan naman niya ang kamay nito.

"Kumusta na pakiramdam mo?", tanong ni Beto.

"Okay lang ako..", diretsong sagot nito.

"Sana hindi ka na pumunta dito!", parang hindi ito masayang nakita si Beto.

"Nyel, s-syempre gusto ko naman magpaalam din sayo..."

"Bago ka pa umalis", pagtapos nito sa salita niya.

"Hindi na kelangan Beto", inis na sabi nito saka tumalikod sa kanya

"Para ano pa?",sabi pa nito.

Na umaktong pumikit.

Nasaktan naman si Beto sa inasal nito.

Dahilan para lumabas na lang siya ng silid.

"Ah.. s-sige Nyel",gumagaralgal ang boses niya.

"Mag iingat ka na lang dun", saka tuluyang tumalikod.

Dali dali naman itong lumabas.

Naibagsak niya pa ng malakas ang pinto sa sobrang inis niya.

Bumababa pa lang ito ng hagdan, umaagos na ang luha niya.

Di naman siya napansin ng Ninang niya, dumiretso na lang itong lumabas ng bahay.

Saka tumakbo patungo sa isang lugar na madalas niyang puntahan sa tuwing malulungkot siya o masama ang loob....

♡♡♡♡

































One Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon