"Nyel...", tanging nasagot ni Beto.
"Hindi mo naman kailangang sumagot agad", sabi pa ni Nyel.
"Importante lang masabi ko sa yo", sabi nito habang nakatitig kay Beto.
"I don't think I'll get the chance after this",
Hindi naman agad nakakibo si Beto.
Si Nyel bumaling naman ang tingin sa malayo.
"Mom told me that by the time I get discharged from this hospital, babalik na kami sa States", malungkot ang boses nito.
Tumingin naman si Beto sa kanya.
"Maybe a week, or two weeks the most?", dagdag pa ni Nyel.
"A-akala ko ba tatapusin mo ang buong Summer dito?", taning ni Beto.
"Halos mag e-end pa lang ang April ah", usisa niya.
"Mom needs to go back to work!", sabi pa ni Nyel.
"At dahil nga sa aksidente ko, napabilis din coz she wants me to fully recover sa States", paliwanag pa ni Nyel.
Tumango naman si Beto.
"Eh para rin naman din kasi sa ikabubuti mo yun, Nyel!", pagsangayon ni Beto sa desisyon ng mommy niya.
"Mas makakasigurado tayo na gagaling ka dun", dagdag pa niya.
"Ano ka ba naman, Beto!", himutok ni Nyel.
"Okay lang naman ako eh, malayo sa bituka to",...
"Ni wala ngang broken bone or something?",panigurado niya.
"Bukas makikita mo, okay nako ulit",ngumisi naman ito ng bahagya
"Oy, feeling mo naman kasi ikaw si Flash eh", biro ni Beto.
"Masyado mo naman kasing binilisan yung pagpapatakbo mo",
"Race nga eh, hehe!", biro din ni Nyel.
Nagpatuloy lang sa kwentuhan ang dalawa.
Pinagbalat pa ni Beto si Nyel ng orange, saka ito sinubuan.
Nag-rounds na din ang doktor to check up on him kung biglang makaramdam ito ng hilo o pananakit ng ulo.
Nagaalala din kasi ang mga doktor niya na baka magka internal
hemorrhage siya.
Mag alas otso ng gabi nang magpaalam si Beto.
Nauna na din kasi si Epang dahil aasikasuhin pa nito ang anak.
Mahigit siyam na oras na din kasi mula ng maipasok si Nyel ng ala onse kanina.
Alas siyete naman nang maghapunan sila dahil nagdala ng pagkain ang Daddy ni Nyel.
Nasa labas lang ito para bigyan ng privacy ang dalawa.
"Ah, Nyel. Uuwi muna ko ha?",paalam nito.
"Promise, babalik ako bukas", pangako ni Beto
"Okay, Beto, hihintayin kita ha", saka nito muling hinawakan ang kamay niya.
"Mag pagaling ka", sabi naman ni Beto.
"Of course, para sa yo", ngisi niya.
"Sige!", sabay tumalikod na ito.
"Ah...Beto!", sigaw
"Wala ba kong kiss?", hiling niya sabay turo sa kanang pisngi.
"Nyel naman eh! Sige na aalis na ko", pagmamadali nito.
"Ahh aray aray!", sigaw ulit ni Nyel na umaarteng sumasakit ang braso.
Nataranta naman si Beto.
"Nyel! Bakit anong nangyari?",...
"Anong masakit?", tarantang lumapit naman si Beto kay Nyel.
Saktong lapit ni Beto, bigla naman itong hinalikan ni Nyel sa pisngi.
"Nyeeelll!!", hampas nito sa braso.
"Aray! Yan masakit na talaga yan!", reklamo nito.
"Naku, Sorry!", bawi agad ni Beto.
"Ikaw naman kasi eh!",....
"Kina career mo talagang maging si Flash!", biro nito.
Nangisi naman si Nyel.
Marahan nitong hinila si Beto palapit sa kanya.
Malapit na malapit.
"Oh sige....ganito na lang pala".......
Nilapit naman lalo ni Nyel ang mukha niya kay Beto na aktong hahalikan ito.
Pero sa halip, nose to nose naman ang ginawa niya na lalo namang kinakilig ni Beto.....
♡♡♡♡♡

BINABASA MO ANG
One Summer Romance
FanfictionIf I were the writer of Just One Summer, this is how my story would go.. Elmo Moses Magalona & Julie Anne San Jose as Nyel & Beto Some scenes were revised and changed. Please be guided that this is only inspired by the movi...