Blanket

314 26 1
                                    


Malalim na ang gabi.

Maliwanag ang buwan.

Nasa harap naman sila ng bonfire ngayon.

Saklob ng isang malaking blanket, yakap yakap si Beto ni Nyel.

"Sana hindi na matapos ang gabing to Beto",....

"Iniisip ko pa lang, nalulungkot na ko"....

"Simula bukas ng gabi, kelangan ko ng sanayin ang sarili kong hindi muna kita makakasama ng matagal", malungkot na sabi ni Nyel.

"Mabilis lang naman ang araw Nyel", pagpalakas ng loob ni Beto.

"Kung iisipin natin na may magandang kahihinatnan ang paghihintay natin, hindi tayo maiinip", ngisi niya.

"Hindi ako maiinip Beto",.....

"Promise! Ikaw lang!", sumpa pa ni Nyel.

"Sus, baka naman pagtapak pa lang ng dulo ng kuko mo sa States, makalimutan mo nako?", biro ni Beto.

"Hindi naman, pauwiin mo naman ako ng bahay, haha!", asar din ni Nyel.

Tinignan naman siya ni Beto ng masama.

"Kita mo, wala pa nga", inis na sabi niya.

"Ay naku, ayoko na pala"....

Akmang tatayo na ito ng kinabig muli ni Nyel.

"Joke lang!", bawi niya.

Tinignan niya si Beto sa mga mata saka unti unting nilapit ang mukha para mahalikan ang dalaga.

Hindi naman din tumanggi si Beto.

Gumanti din ito ng halik sa binata.

Para sa kanya si Nyel ang una at huli niyang pagibig.

Bata pa man sila, alam na niya na ito ang magiging kasama niya sa habangbuhay.

"I already gave you a promise", sabi ni Nyel.

"Ikaw, wala ka pang pinapangako sa akin?", tampo nito kunyari.

"Baka naman ikaw ang magbago?",...

"May dapat ba kong ipagalala?..."

"Kay Jason....or kay Diego?, usisa niya.

"Nyel, wala naman akong ibang gusto, ikaw lang?", seryoso naman ito.

"Ikaw lang talaga", para naman itong batang yumakap kay Nyel.

Nangisi naman si Nyel saka lalong niyakap si Beto.

Naalala nito na ganyan din si Beto nung bata pa sila.

Para siyang laging namimiss sa tuwing maghihiwalay na sila sa maghapong paglalaro.

"Mamimiss kita ng sobra Beto",...

Hindi naman sumagot si Beto.

Tahimik ito.

Pero ramdam ni Nyel ang paghikbi niya.

"Oh, wag ka na malungkot!", pinunasan naman ni Nyel ang mga luha nito.

"Bawal  senti..."

"Bawal Emo",...

"Happy thoughts lang when you think of me, okay?!" pakiusap pa ni Nyel.

Tumango naman si Beto.

"Happy thoughts lang!", sagot ni Beto.


Nakatulog ng magkatabi sila Nyel at Beto.

Magkayakap sila, saklob ng iisang blanket, nangako silang mamahalin ang isa't isa kahit pa gaanong layo ang distansiyang namamagitan sa kanila.

"Love knows no distance...

It does not care about how long or how far....

When two people are inlove , they can withstand the miles or time zones between them...

                                                                                     - Cali_Dobo





















One Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon