Isko at Iska

327 28 0
                                    


"Anong sabi mo?", si Nyel.

"Loyal si Isko kay Iska?, tanong nito kay Beto.

"Oo nga!, Sila kasi huling magpartner eh!", sabi ni Beto.

"Alam ni Isko pag hindi si Iska ang mate nya?", kwento nito.

"Pano mo naman nalaman yun, eh mga kalabaw yan!haha!", balik ni Nyel sa kanya.

"Basta ganun sila!", ...

"Kaya ako fan ako ng loveteam nila!", pagmamalaki ni Beto.

"Talaga lang huh!", biro ni Nyel.

Nakaupo sila sa isang puno ng mangga. Katatapos lang nilang kumain ng tanghalian at pinagmamasdan nila ngayon ang mga kalabaw na pinaliliguan sa sapa.

"Ah...Beto...", malumanay na tawag ni Nyel.

"Ikaw? Nagka boyfriend ka na ba?", curious nitong tanong.

"Ha?...hindi pa!", tanggi nito.

"Hindi pa kasi pwede", malungkot na sabi nito.

"Hindi naman sa ayaw ni Tatay",

"Ako ang may desisyon",...

"Basta hindi ko mapapabayaan ang pagaaral ko, yun ang pangako ko kay Tatay", paliwanag nito.

"Ako lang din ang umiiwas, guess I'm not yet ready", sagot ni Beto

"School muna", dagdag niya.


"If the right guy comes, willing ka naman makipagboyfriend?", tanong ni Nyel.

"Hmmm, depende... " maikling sagot ni Beto.

"Depends on what?", curious na tanong ni Nyel.

"Depende kung sure na yung guy sa akin", makahulugang sabi ni Beto.

"Parang si Isko, andaming kalabaw ang dumaan sa kanya, pero sa huli si Iska din ang pinili niya", sigaw nito.

"Gusto ko ako na din ang huling mamahalin ng lalaking....gusto ko",saka ito tumitig kay Nyel.

Hindi naman nagpahalata si Nyel na tinamaan siya sa titig nito.

"Alam mo hopeless romantic ka! Haha!", biro nito.

"So, okay lang sayo na marami ng kalabaw na nauna? ,ani Nyel

"Basta ako yung huling mamahalin!", ngisi naman ni Beto.

"So...mm-meron ka na bang nagugustuhan?", tanong ni Nyel ulit.

"Hmmm, secret! Haha!!", biro ni Beto.

"Corny mo naman! Haha!", tawa ni Nyel

"Sino nga?", kulit nito.

"Kilala ko ba?", tanong niya ulit.

"Kilalang kilala mo", ngumiti naman si Beto ng makahulugan.


Sabay tumayo ito na parang umiiwas.

"Labo mo naman eh!", ungot ni Nyel

"Habulin mo muna ko, hahaha!!!" sabay takbo ni Beto.

Hinabol naman siya ni Nyel.

Para silang mga bata na nagtatakbuhan sa kalawakan ng farm.

Bumalik sa kanila ang alala nung mga bata pa sila.

Sabay pa silang napahiga sa damuhan habang tumatawa.

Natigilan naman si Nyel na tumitig sa kanya.

Wala sa sarili...

Lumapit ito kay Beto saka marahan siyang hinalikan.

Tumugon din naman ang mga labi ni Beto.

Hindi siya sigurado bakit ngayon hindi siya makaiwas.

"Nyel...." tanging nasabi nito ng mahiwalay ang mga labi nila.

"I -I'm sorry Beto"...hawak pa din nito ang mukha ng dalaga.

"I think... I think I'm falling for you, Beto...", sincere na nangungusap ang mga mata nito.

"I don't know what got into me, para halikan ka",....

"Forgive me", saka nito tinanggal ang mga kamay sa pisngi ni Beto.

"Ilang araw ko na din pinipigilan ang sarili kong magtapat sa yo",

"Para kasing laging wrong timing", diretso na ito ngayong nakatingin sa malayo.

"Ang dami dami ding dapat iconsider", sabi pa nito.

Tahimik lang naman si Beto.

Kinakapa ang sasabihin kay Nyel.

Hindi din niya alam kung aaminin din sa binata ang nararamdaman.

"My mom will be here day after tomorrow",...

"Aayusin na nila ni Dad kung ano mang issues na meron sila", sabi ni Nyel.

"When that happens, in due time...baka...",

"Baka bumalik na din kami sa States...", malungkot na sabi nito.

Tumingin lang si Beto sa kanya.

Nangingilid ang luha niya.

"Hindi naman ako naghahangad ng kahit na ano Nyel"....

"Makasama lang kita sa natitirang araw ng bakasyon mo, masaya nako", sabi naman ni Beto.

"Mananatili kang nasa puso ko", dagdag pa ni Beto...

Hinawakan naman ni Nyel ang kamay niya, saka ito humilig sa balikat ng binata............


Ayaw muna nila isipin ang mangyayari sa mga darating na araw.

Ang mahalaga sila....Ngayon....






































One Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon