Chapter 1
Ipinatong ko sa ibabaw ng puntod nila ang dalawang puting rosas na hawak hawak ko.. Hanggang ngayon ayoko pa ring maniwala na wala na si Papa.. Umupo ako sa damuhan at hinimas ko ang pangalan nila na nakaukit sa puting lapida..
R.I.P Abigail & Shane Bregnas
Si Mama, namatay siya nung mismong araw na ipinanganak niya ako.. Mag isa nalang akong pinalaki ni Papa, at kinaya niya lahat para saakin.. Pero iniwan na rin ako ni Papa, nagka-cancer siya at yon ang dahilan ng pagkawala niya.
Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa sarili ko, dahil nung araw na namatay si Papa hindi ako pumunta sa burol niya. Nagtago ako sa lahat ng tao, ayoko kasing maniwala na pati si Papa iniwanan na ako.. Ayoko ring makita nila na mahina ako..
Ngayon ko lang dinalaw si Papa pagkatapos ng isang buwan.
“Ang daya mo naman Pa eh! Sabi mo walang iwanan!” – sigaw ko na para bang kaharap ko lang siya!
“Paano na ngayon yan Pa?! Diba sabi mo sasamahan mo pa ako sa Korea!!” – sigaw ko! Pangarap ko kasing makapunta ng Korea kasama si Papa!
Tumungo ako at hinalikan ko ang puntod ng mga magulang ko..
“I love you Pa..Ma..” – bulong ko saka tumayo na ako, pinunasan ko ang luha ko at naglakad na ako palabas ng sementeryo kung saan hinihintay ako ni Tita Marie, kapatid ni Papa..
“Okay ka lang ba anak?” – tanong ni Tita, tumango ako at ngumiti..
Si Tita Marie, siya ang katulong ko sa pag aalaga ko kay Papa nung nagkasakit siya.. Hindi na nga siya nakapag asawa eh, dahil inalagaan rin ako ni Tita kapag nasa trabaho si Papa.. Ako na nga daw ang anak niya..
“Ang mabuti pa magpahinga ka na muna, mukhang pagod ka na..” – sabi ni Tita at inakbayan ako..
Tumango nalang ako, pinipigilan kong bumagsak ang luha ko dahil nakakahiya naman kung iiyak nanaman ako.. Pumara na ng taxi si Tita para makauwi na kami..