35

39.8K 924 34
                                    








Chapter 35




"ABHIE!!" Napatigil ako sa pagdidilig ng mga halaman ni Tita ng marinig kong may sumisigaw sa labas ng bahay namin. Lumingon ako at napanganga ako ng makita ko dun si Elle, Stan, Syril at Shane..





Lumapit ako sakanila na dala dala yung hose. Medyo nahiya ako dahil nakamaluwag na tshirt lang ako at short, tapos gulo gulo yung buhok ko.




"A-anong ginagawa niyo dito?" Nauutal na tanong ko sakanilang apat.




"Pasukan na next week Abhie! May mga gamit ka na ba?!" Tanong ni Syril.




"Wa-wala pa!"




Oo nga pala malapit na magpasukan wala pa akong mga gamit. Naging busy din ako nitong mga nakaraang buwan dahil tumutulong ako kay Tita sa meat shop namin.




"Kung ganun, maligo ka na! Mamimili tayo ng gamit! Dapat pare-pareho tayo ng notebook!" Sigaw ni Stan.




"Err? Sira ulo ka Stan, pare-pareho ka jan! Dali na Abhie! Ligo ligo din pag may time ha?" Pang aasar ni Syril saakin, napatawa nalang ako dahil aminado naman ako sa itsura kong mukhang bruha, binuksan ko yung gate para makapasok na sila.




Huling pumasok si Shane na nakangiti nanaman, bakit ganun ang creepy ng ngiti niya ngayon para saakin, kasi naman diba nasanay ako sakanya na laging magkadikit ang kilay.




"Hi." Bati niya saakin, nginitian ko naman siya at nagulat ako ng hilahin niya ang kamay ko para sabay kaming makapasok sa loob ng bahay, napatingin naman saamin si Stan pero umiling iling lang siya.





"A-ano jan muna kayo, maliligo lang ako. Hmm, 20 minutes!" Sigaw ko, oo mabilis lang akong maligo kapag may naghihintay saakin, ayoko kasi ng maging pa.v.i.p ako!





Pagkatapos kong maligo at mag ayos umalis na rin kaagad kami.




"Abhie! Sa Oecil na rin ako mag aaral!" Masayang balita ni Syril! Nanlaki ang mata ko ng titigan ko siya!




"Talaga?!!" Sigaw ko, tumango tango siya!




"Oo! Sinubukan ko kasing makakuha ng scholarship para naman magkasama na ulit tayong dalawa! Alam mo naman simula ng lumipat ka ng school bihira na tayong magkasama.." Masayang sabi niya! Mabilis ko siyang niyakap, miss na miss ko na rin kasi siyang kausap sa school eh!





Pagkapasok namin sa national book store, nawindang kaming lima dahil sobrang daming tao. Ang daming mga estudyanteng namimili ng gamit nila.




"Grabe. Tara na bilisan na natin, ayokong makipag siksikan sakanilang lahat.." Turo ni Elle sa mga namimili, mabilis kaming kumuha ng mga notebooks tapos ballpen, tapos si Shane na yung nag volunteer na magbabayad ng pinamili namin sabi namin babayaran namin siya pero tumanggi lang siya, ayan tuloy libre ang mga gamit namin. Pagkatapos naming bumili nagyaya kumain sila Elle, libre naman ni Stan!





"Pansin ko lang Abhie, panay ang papogi sayo niyang dalawa na yan.. Una si Shane ang nagbayad ng mga notebooks at ballpen natin, ngayon naman si Stan ang manlilibre ng lunch.." Bulong saakin ni Syril.





"Baka mamaya magsuntukan na yan, haba ng hair mo ah.." Natatawang bulong naman ni Elle.



"Ano ba kayong dalawa!" Suway ko.




"Let's make a deal, tanungin mo silang dalawa kung bakit nila tayo nililibre. Tapos kung sinong sumagot ng pinakasweet siya ang makakatuluyan mo!" Bulong ni Syril, kinurot ko naman siya sa tagiliran!




"Anong makakatuluyan ka jan! Ang bata bata ko pa Syril.."




"Ano ka ba soon namam eh.. Diba Elle??" Tumango tango naman si Elle..




"Basta ako sigurado akong si Stan ang sasagot ng sweet.." Bulong ni Syril.




"Shane." Nakangiting pagtutol ni Elle kay Syril, napatingin naman saamin si Shane na kanina pa yata na.o.op saamin dahil sa bulungan naming tatlo, nginitian ko naman siya.





Maya maya lang dumating na si Stan dala dala yung mga inorder niya. Tinapakan pa ni Syril ang paa ko dahil sobrang daming inorder ni Stan, napailing nalan ako.




"Let's eat!!" Masayang sabi ni Elle saka kumuha ng fries at nginuya iyon.




"Tanong mo na.." Bulong ni Sy.. Umiling ako saka kumagat sa burger.



"Dali na.." Pangungulit naman ni Elle, ang likot likot naming tatlo sa upuan kaya naman napansin kong nakakunot na ang noo ni Shane dito sa dalawa nila Syril, nasa gitna kasi ako.




"Bilis na,.."



"A.yo.ko.." Pagmamatigas ko.




"Isa!"



"Ayoko.."



Pero napanganga ako ng magsalita si Shane.




"May problema ba kayong tatlo jan sa upuan niyo?" Nakakunot noong tanong ni Shane.




"Ha?! Wala!!" Hiyaw ko saka iwinagayway pa ang kamay ko.




"Sigurado ka?" Tanong niya, tumango tango ako.




"Actually---aaraay!!" Sigaw ni Syril ng tapakan ko ang paa niya! Pero hindi siya natinag!




"Gusto daw malaman ni Abhie kung bakit nanlilibre kayong dalaw?!" Hiyaw ni Syril! Bigla namang naubo si Stan!





"Ano? Sagot! Dali na, syempre hindi niyo naman kami ililibre kung wala 'tong si Abhie.." Pang aasar pa ni Syril! Grabe talaga itong babae na 'to!



Uminom si Stan saka sumagot..




"A..ano, kasi.. Gusto ko si Abhie." Napansin ko pa ang pagkabalisa ni Stan dahil sa hiya.




"Aha.. Matagal ko ng alam yan, ikaw Shane?" Singit ni Elle..



Tinignan ako ni Shane, hindi ko siya mabasa!




"Shane! Hello!" Natatawang sabi ni Elle.




"Alam mo naman Abhie diba?" Bulong ni Shane habang titig na titig saakin.




"Gusto din naming malaman ni Elle!" Sigaw ni Syril na halatang nagpipigil ng tawa.



"Aww..walang sagot si Sh--"




"Meron. Nililigawan ko kasi si Abhie!" Sigaw niya! Napatakip ng bibig si Elle na parang nagpipigil ng sigaw! Pakiramdam ko namula ang mukha ko!



"Bakit mo siya nililigawan?!" Usisa pa ni Syril! Hinampas ko siya! Napatingin ako kay Stan na halatang napipikon na sa mga tanong!



"Nililigawan ko siya kasi.." Nauutal na bulong ni Shane..




"Kasi???" Halos magkasabay na sabi nila Elle. Lumunok muna si Shane bago nagsalita.




"Mahal ko siya. Mahal ko si Abhie."


*****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon