38

38K 782 42
                                    






Chapter 38




Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa narinig ko. Si Shane si Mr.Snowman?.. Hindi ko na namalayan na tumulo na yung luha ko.




"Abhie umalis na tayo dito.." Pagalit na bulong ni Syril saakin.




Umiling iling ako. Bigla nalang akong napaupo sa hagdanan, bakit parang bigla akong nanghina..





"Abhie!! Practice na tayo!!" Napatingin kami ni Syril ng sumigaw ang isang kaklase namin. Narinig kong may nagbukas ng pinto ng roof top, at kahit hindi ako humarap kitang kita ko ang anino niya.




"Abhie.." Tawag niya saakin.. Tumayo ako at sa hindi ko malamang dahilan mabilis akong naglakad pababa ng hagdan, kahit na muntik pa akong mahulog pinagpatuloy ko lang ang paglalakad.




"Abhie dahan dahan!!" Sigaw ni Syril!





Narinig kong tumakbo si Shane at hinila ang braso ko pero marahas ko siyang itinulak! Bakit nasasaktan ako sa mga hawak niya saakin! Hilam na hilam na ang mata ko sa luha at hirap na hirap na akong habulin ang paghinga ko dahil sa hikbing pinapakawalan ko.





"Abhie magpapaliwanag ako.." Desperadong sabi niya at pilit niyang hinahawakan ang kamay ko! Umiling iling ako at itinataboy ko ang kamay niya! Pero wala akong nagawa ng hilahin niya ako at yakapin!




"Abhie! Makinig ka saakin.. Mali yung mga narinig mo kanina.. Hin--" Ginamit ko yung natitirang lakas ko para maitulak ko siya!




"W-wala kang dapat ipaliwanag Shane..Ka-kasi ako naman yung lumapit sayo diba? Ka-kasalanan ko rin kung bakit nasasaktan ako ngayon ng ganito.." Umiiyak na sabi ko.




"Abhie hindi..s-sorry. Sorry kung nasasaktan kita ngayon, alam ko namang magagalit ka kapag nalaman mo. Pero Abhie, hindi ko sinasadya. Sa kagustuhan kong mapalapit pa lalo sayo nagawa ko lahat ng 'to.." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, parang sinabi na rin niyang niloko niya ako para mahulog ako sakanya ng ganito.




"Pe-pero alam mo namang hindi mo kailangan gawin yon Shane.. Dahil simula palang gusto na kitang maging kaibigan.." Umiiyak na bulong ko.




"Sor--" Isang malakas na sampal ang naibigay ko sakanya! Nanginginig ang kamay ko ganun rin yung puso ko, nanginginig sa pagkamuhi sakanya..




Tinalikuran ko na siya at mabibigat na hakbang ang ginawa ko, ayaw tumigil ng luha ko kahit anong gawin kong pagpunas dito.. Hindi ko na namalayan na may nabangga na akong tao kaya naman naglaglagan ang hawak nitong libro..





"So-sorry.." Paumanhin ko at tinulungan ko siyang damputin yung mga libro, pero natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko.. Napatingin ako sakanya..si Stan.




"Bakit ka umiiyak?!" Pag aalala niya, umiling iling ako saka ngumiti.





"Wa-wala! Napuwing lang ako!!" Sabi ko saka ibinigay na sakanya yung libro niya at nagmadali na akong maglakad, pero sinundan niya pa rin ako! Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat!





"Napuwing? Abhie, ayaw tumigil ng luha mo.. Ganyan ba ang napuwing?" Reklamo niya saka pinunasan yung luha ko! Ayoko na, ayoko ng may magpupunas ng luha ko. Nadala na ako, dahil alam kong sa bawat pagpunas nila ng luha ko isang malaking sakit ang kapalit na gagawin nila. Itinulak ko siya!




"Iwasan mo na ako Stan. Ayoko ng makita ang kahit sino sa inyo.."




Tumakbo na ako at sumakay ng jeep pauwi.. Wala akong pakialam kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa pag iyak ko, ngayon lang ako nasaktan ng ganito, at hindi ko alam ang tawag sa sakit na ito..





"Abhie?!" Tawag saakin ni Tita, pero mabilis akong pumasok sa kwarto ko at doon nag umiyak..




Napatingin ako sa bracelet na bigay ni Shane, mabilis kong hinila yon at tinapon sa sahig!




"Manloloko..manloloko ka Shane.. Lahat kayo manloloko.."




Nag eecho pa rin sa isip ko yung mga narinig ko mula kay Shane..siya rin si Mr.Snowman, na pinagkatiwalaan ko ng nararamdaman ko tungkol sakanya. All this time para akong tanga na nagkukwento sa iisang tao. Hindi lang para, tanga na talaga.. At siya rin yung inlove sa kapatid niya. Hinawakan ko ang kwintas na bigay din niya at marahas kong pinutol iyon!




______




ELLE'S P.O.V




Ngayon ko lang ulit nakita na umiyak si Shane. Kung dati umiiyak siya dahil hindi niya matanggap sa sarili niya yung pagmamahal na nararamdaman niya para sa Ate niya, ngayon naman umiiyak siya dahil nasaktan niya ang babaeng mahal niya.




Tahimik lang kaming nakaupo ngayon sa roof top, pagkatapos ng pag alis ni Abhie hindi pa rin kami umaalis dito.




"Tama na Shane.." Pag aalo ko sakanya.



"Gago ko kasi. Dapat hindi ko na pinatagal 'to. Edi sana hindi siya nasasaktan ngayon."




"Shane..pareho kayong nasasaktan." Bulong ko sakanya.




"Elle..tanggap ko naman na ako nalang yung masaktan. Pero yung siya? Hindi ko kayang makitang umiiyak siya at ako pa yung dahilan. Tangina lang." Galit na galit na sabi niya at napaatras ako ng suntukin niya yung pader.




Nanginginig ang kamay niya sa inis at galit sa sarili.. Napatingin ako sa may pintuan ng may tumulak nito at iniluwa non si Stan! Mabilis siyang lumapit kay Shane at sinuntok ito!




"Gago ka! Anong ginawa mo kay Abhie?!!" Sigaw nito! Hinila ko siya palayo kay Shane!




"Stan tama na!!"




"H'wag kang makialam dito Elle! Sawang sawa na ako sa pangingialam mo sa tuwing lalapitan ko si Abhie! Osige! Sabihin nanating mahal niya si Abhie! Kaya nagbigay ako! Pero putangina! Kung mahal niya talaga hindi niya dapat pinaiyak si Abhie na para bang sobrang sakit ng nararamdaman niya!!" Giit nito! Ang gulo gulo na namin..ang gulo na ng pagkakaibigan naming lahat.




"Wala kang alam gago." Mariin na sabi ni Shane saka pinunasan ang dugo sa labi niya, pero halos manigas siya sa kinatatayuan niya ng magsalita ulit si Stan.



"Walang alam? Kitang kita ng dalawang mata ko yung mga luha ni Abhie.. At isa lang ang ibig sabihin non..nasasaktan siya..at hindi ko matanggap dahil ikaw ang dahilan."


****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon