Chapter 37
Dalawang linggo na rin kaming may pasok, hindi na kami masyadong nagkakausap ni Shane. Kung iniisip niyo na iniiwasan ko siya, nagkakamali kayo dahil siya mismo ang umiiwas saakin. Hindi ko rin alam kung bakit, pero sa tuwing mapapatingin ako sakanya at magkakatitigan kami ngingitian niya ako pero kaagad din mag iiwas ng tingin.
"Nakikinig ka ba Abhie?" Untag ni Syril saakin, break time kasi namin ngayon at nandito kami sa cafeteria.
"Ha?!" Napatingin naman siya kung saan nakapako ang mga mata ko.
"Shane again.." Walang ganang sabi niya saka ibinagsak ang tinidor na hawak niya sa plato. Tinignan ko siya.
"So-sorry Syril!" Paumanhin ko, huminga siya ng malalim.
"Alam mo, ayos lang naman. Pero kasi palagi kang wala sa sarili mo. Akala ko ba ayaw mo sakanya dahil bata pa tayo?"
"Sy.. Hindi ko sinabing ayoko ko kay Shane. Ang sabi ko lang ayoko ng commitmment. Naninibago lang ako dahil iniiwasan na niya ako.. Dati naman maayos lang sakanya na magkaibigan lang kami.." Paliwanag ko sakanya.
"Gusto mo ba siyang makausap?" Tanong niya, umiling iling ako.. Ayoko ng subukang kausapin siya dahil alam kong matatameme lang ako, baka mainis pa siya kasi wala rin naman akong matinong masasabi.
Biglang dumaan si Elle sa may lamesa namin, pero nilagpasan niya kami, isa pa rin yon. Nagbago na rin si Elle simula nung pasukan. Maging si Stan ang laki ng ipinagbago, nagsosolo nanaman siya at hindi niya rin kami kinakausap ni Syril.
Tumayo ako at lumapit sa lamesa ni Elle. Natigilan siya sa pagkain.
"Galit ka ba saakin?" Tanong ko sakanya..
"Ha? Hi-hindi.." Sagot niya saka uminom ng juice, hindi siya makatingin ng diretso saakin.
"Hindi mo na kasi kami kinakausap ni Syril." Sabi ko.
"Hindi ako galit." Matipid na sagot niya saka tumayo na, bakit ganon? Sa kagustuhan kong manatili yung friendship namin ni Shane bakit parang mas nawawala pa??
"Abhie!" Tawag saakin ni Syril, tinignan ko lang siya at hindi ko na mapigilan na h'wag umiyak, kasi naman ang sakit lang sa dibdib na iniiwasan ka ng mga kaibigan mo. Pilit kong pinupunasan ang luha ko pero patuloy pa rin sa pagtulo, napatigil ako ng lumapit si Shane saakin at inabutan ako ng panyo, tinignan ko siya pero hindi siya nakatingin saakin. Kinuha ko yon.
"Salamat.." Sabi ko.
"La yon." Matipid na sagot niya saka tumalikod na rin. Lumapit na saakin si Syril.
"Friend..lumipat ako sa school na 'to kasi gusto kong maging masaya tayong dalawa, pero bakit naman parang malungkot pa rin ang kinalabasan?" Tanong niya saakin, umiling iling ako.
"I'm sorry Syril, pati tulog ikaw nadadamay pa.." Bulong ko, niyakap niya ako..
"O-okay lang yon."
_____
Pagkatapos ng klase namin nagkausap usap kami ng mga kagrupo ko sa p.e na sa rooftop nalang kami magpapractice ng sayaw para sa first project namin.
"Mauna na kami sa rooftop ha? Tapos sumunod nalang kayo.." Sabi ni Syril sa mga kagroup namin, napatingin ako kay Stan na ngayon ay natutulog sa upuan niya, kagrupo din kasi namin siya sa p.e at si Syril ang leader namin dahil magaling siyang sumayaw.
"Sige, tatapusin lang naming linisin 'tong mga ikinalat natin sa pag gawa ng props." Sabi ng isang kaklase ko.
Lumabas na kami ni Syril, naghaharutan pa kaming dalawa habang paakyat ng rooftop. Grabe, namiss ko talagang kakulitan, at syempre masaya ako dahil magkaklase na ulit kami, hindi lang yon! Magkagrupo pa kami sa ilang subjects namin!
Binuksan nanamin yung pintuan ng rooftop pero napatigil kami ng marinig naming may nag uusap.
"H'wag ka ng umiyak." Nagwala yung loob ng dibdib ko ng makilala kong boses ni Shane iyon.
"Na-gui-guilty kasi ako Shane.. Nagsisinungaling kasi tayo sakanya." Si Elle ang nagsalita, at rinig na rinig ko ang paghikbi niya.
"Wala ka namang kasalanan Elle. Ako ang may kasalanan, pinagtakpan mo lang ako." Pag aalo ni Shane sakanya, naguguluhan ako sa pinag uusapan nilang dalawa pero bakit pakiramdam ko tungkol saakin iyon.
"Yun nga Shane eh, pinagtakpan kita. Kinunsinti kita."
"Iniiwasan ko siya dahil ayokong masaktan siya kapag nalaman niya ang totoo.. Dapat hindi ko hinayaan ang sarili ko na mapalapit sakanya. Nahihirapan ako Elle, ayokong makitang malayo siya saakin pero ito kasi yung dapat.. Nung sinabi ko sakanyang mahal ko siya nakita ko yung takot sa mga mata niya, nakita kong takot siyang masaktan.." Desperado na ang boses ni Shane sa pagsasalita. Anong totoo ang sinasabi niya?
"H'wag mo nalang sabihin sakanya ang totoo Shane. Tutal naman mahal mo naman talaga siya diba? Please Shane? Magagalit saakin si Abhie kapag nalaman niyang may alam ako dito.." Pakiusap niya, parang nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pangalan ko, hinawakan ni Syril ang kamay ko..
"Hindi kita idadamay dito Elle, kaya sana h'wag mo na siyang iwasan. Nasasaktan akong makita na nalulungkot siya dahil unti unti natin siyang nilalayuan.."
"Shane.." Bulong ni Elle..
"Kailangan kong sabihin Elle, niloko ko si Abhie. Dinaya ko siya, nagpanggap ako sa dalawang katauhan.. Handa ako sa galit na ibibigay niya saakin kapag..." Sandali siyang huminto pagsasalita, at narinig kong pinipigilan niya ang paglabas ng hikbi sa bibig niya, pero halos pumiyok na siya sa sumunod na sinabi niya at para naman akong binuhusan ng mainit na tubig sa mga binitawan niyang salita..
"Kapag nalaman niyang..ako at si Mr.Snowman ay iisa."
*****