42

40.6K 793 49
                                    







Chapter 42




ELLE'S P.O.V




"Congratulations!!" Lahat nang madadaanan naming estudyante binabati si Shane, nanalo siya bilang 3rd year representative, lahat kami masaya para sakanya, pero siya lang yata ang hindi masaya para sa sarili niya.




Nagtatanggal na kami ngayon ng mga posters ng pangalan niya sa bawat pader ng school. "Shane, hindi ka ba masaya? Panalo ka na." Usisa ko sakanya.




"Hindi ko naman gusto 'to Elle." Seryosong bulong niya, alright alam ko namang labag sa kalooban niya lahat ng ito. Kung hindi lang dahil kay Abhie, hindi siya tatakbo.




Hindi ko alam kung anong nangyari sa usapan nilang dalawa, pero masasabi kong medyo maayos naman siguro dahil tuwing nagkakasalubong sila nagngingitian sila, pero binawi na ni Shane ang hiling na ilipat ulit si Abhie sa section namin, hindi ko alam kung bakit. Pero nung tinanong ko siya, ang sagot niya lang saakin. •Space.•




"Binati ka na ba niya?" Untag ko sakanya, "Hindi." Matipid na sagot niya.




Naglakad na kami papuntang cafeteria at doon nalang umupo, wala ng masyadong estudyante ngayon dahil uwian na. "I'm sure masaya si Abhie para sayo." Pag papagaan ko sa loob niya, nakapamulsa lang siya ngayon habang nakaupo at nakatungo.




"Alam ko." Sagot niya, napangiti nalang ako. Kahit ang tipid niyang sumagot hindi ko alam kung bakit merong parte saakin na kinikilig para sakanilang dalawa.




"Ay tanga!!!" Napalingon kaming dalawa ni Shane nang marinig naming may sumigaw at nagbagsakan na gamit.





Nanlaki ang mata ko ng makita kong si Abhie iyon at dahan dahan na dinadampot yung mga nahulog na materials niya para sa project.




"Ano ba yan, nakakainis na kayo ha. Bakit ba naglalalaglagan kayo." Reklamo ni Abhie, narinig kong tumawa si Shane ng mahina, tinignan ko siya at nakita ko ang saya sa mga mata niya kahit pinapanood niya lang sa malayo si Abhie.





"Paano ako makakauwi nito kung ganyan kayo ng ganyan.. Naman eh! Makisama naman kayo, huhuhu. Mag gagabi na oh! Baka mamaya lumabas si Shomba dito, o kaya si Anabelle.." Problemadong sabi ni Abhie, hindi niya kami nakikita dahil medyo tago ang inuupuan namin ni Shane, pero kitang kita namin ang pagkainis niya sa mga materials niya.




Ibinalik ko ang tingin ko kay Shane, nakangiti pa rin siya. "Bakit hindi mo siya lapitan? Tulungan mo siya." Suhestiyon ko sakanya, pero umiling siya.




"Nangako ako sakanya na maghihintay ako sa tamang panahon Elle.." Aniya, "Sigurado ka ba pagmamahal yang nararamdaman mo para sakanya? Baka infatuation lang yan.." Pang aasar ko sakanya.




"Mahal ko siya Elle. Kahit na bata palang tayo para sa ganito, alam kong mahal ko siya. Yun nga lang sa maling panahon lang." Paliwanag niya, napansin kong sinusundan niya ng tingin si Abhie, napalingon naman ako kay Abhie na ngayon ay maingat ng naglalakad paalis. "H'wag na kayong malalaglag. Bakit ba kayo natataranta, wala naman dito si Shane." Pahina na ng pahina ang boses ni Abhie dahil palayo na siya ng palayo, napangiti nalang ako, kung bakit ba kasi nainlove 'tong dalawa na ito sa maling panahon.




"Marinig ko lang na binabanggit niya ang pangalan ko kahit hindi niya ako kasama, masaya na ako." Nakangiting sabi ni Shane saka tumayo na at kinuha ang back pack niya.




Naglakad na rin kami palabas ng university, at nakita pa namin ang pagtulong ni Stan sa mga dala ni Abhie, sabay din silang sumakay ng jeep. Napailing nalang si Shane, at isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya.




"Sige Elle, mauna na ako. Mag iingat ka." Aniya saka sumakay na sa kotse niya.




"Bye.." Paalam ko.



--




ABHIE'S P.O.V




"Abhie!! Tapos mo na ba yung report kay Mr.Codera?" Tanong ng kagrupo ko sa English.




"Hindi pa, tinatapos ko pa kasi yung isang report natin sa Social Studies.." Sabi ko, tumango naman siya.




Naging busy na rin ako sa pag aaral nitong mga nakaraang araw, ngayon ko nararamdaman yung pagod. Sunod sunod ang quiz namin at mga activities namin. Malapit na rin ang exam week namin. Kung minsan naiinis ako dahil araw araw akong pumapasok na madaming dala.




"Break time na Abhie! Hindi ka pa ba bababa?" Tanong ni Gelu, tinanguan ko nalang sila.




Iniligpit ko ang gamit ko at sumabay na ako sakanila palabas ng classroom, napahinto ako nang makita kong palabas din ng classroom si Shane, magkatapat lang kasi ang room namin.




Kaagad akong nakabawi, tumingin siya saakin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti, ginantihan ko naman iyon.




"Hahahaha!" Napatingin ako sa mga kaklase kong lalaki na naghaharutan palabas ng classroom! Nagtatakbuhan pa sila kaya naitulak kami nila Gelu paabante! At napadausdos ako kay Shane! Dahilan para alalayan niya ako sa magkabilang siko ko!




"Araaay!! Ano ba Lester?!!" Reklamo ni Gelu sakanila!




"Ay sorry!!" Paumanhin nila Lester.




"Bakit kasi dito naghaharutan?!!" Naiinis na sigaw ni Gelu sakanila.




Kaagad naman akong nakabawi sa pagkakahawak saakin ni Shane, "So-sorry.." Nauutal na sabi ko sakanya, umiling iling siya.




"Ayos lang." Aniya, tumawa ako nang mahina at tumalikod na, hinawakan ko ang pisngi ko dahil naramdaman kong nag iinit ang mukha ko.




"Ang daming matutumbahan bakit kay Shane pa?" Bulong ko sa sarili ko.




"Ganyanan na? Pagkatapos kong lumipat dito hindi mo na ako papansinin." Natigilan ako nang tumabi saakin si Syril, tinignan ko siya na ngayon ay sinasabayan na akong maglakad.




"Ang daya daya mo Abhie, kaya nga ako lumipat dito para sayo. Tapos hindi mo ako papansinin, nakakapagtampo na talaga." Aniya nang hindi tumitingin saakin, ewan ko pero kasi nahihiya ako kay Syril sa hindi ko malamang dahilan, or baka dahil nga sa lumipat na siya dito para saakin pero ganito pa ang madadatnan niya.




Ngumiti ako at hinawakan ko ang kamay niya. "Tara sabay tayong kumain." Sabi ko saka hinila ko na siya pababa ng cafeteria.




Umorder ako ng dalawang pasta at dalawang soft drinks, pagkatapos umupo kami sa dulo.



Nakatitig lang siya saakin, huminga ako ng malalim at nginitian ko siya.




"Sorry po..." Nakangiting sabi ko sakanya, pinagtaasan niya ako ng kilay, "Chichay ng Got To Believe ikaw ba yan?" Pagtataray niya.




"Hahaha! Sorry na Syril, nahihiya kasi ako sayo. Alam mo yun, lumipat ka dito para maging masaya tayong dalawa, pero ganito pa yung nadatnan mo. Tapos lumipat pa ako ng section para lang makaiwas sakanila." Sabi ko saka tumingin sa pwesto ni Elle at Shane na ngayon ay nakatingin din saamin, ibinalik ko ang mga mata ko kay Syril.




"Kasi naman bakit lumipat ka pa." Tanong niya saka uminom ng soft drinks.




"Ito ang makakabuti samin ni Shane, saka mas nakakapag concentrate ako ngayon sa pag aaral. Saka isa pa, ito naman ang gusto ni Papa diba? Kaya nga niya ako gustong pag aralin dito para mas maraming matutunan." Paliwanag ko sakanya.




"Taray naman ni Abhie, matutuwa niyan ang Papa mo.. Pero Abhie, dapat friends pa din tayo.. Namimiss na kasi kita, alam mo bang palagi kaming nagbabangayan ni Elle." Malungkot na kwento niya.




"Alam mo kasi Abhie, sobra akong naging affected nung lumayo ka saamin, sinisi ko siya sa mga nangyari. Actually silang dalawa ni Shane, kaya ayon wala akong ibang choice kundi samahan si Stan na napakayabang na ayan na nga at papalapit na saatin!" Pairap na sabi niya habang ang sama nang tingin kay Stan, natawa nalang ako sakanya.




"Hey girls." Bati ni Stan sabay inilapag niya ang mga pagkain niya sa mesa.




"Hey ka diyan." Pagsusungit sakanya ni Syril.




"Eto naman, sorry na kasi Sy, hayaan mo papalitan ko nalang yung project mo. Ako nalang gagawa." Suhestiyon ni Stan.




"Pinagpuyatan ko yun Stan, tapos sinira mo lang. Nakakainis ka talaga." Reklamo ni Syril saka nagsimulang kumain. Kinurot naman ni Stan ang pisngi ni Syril.




"Ang cute mo talagang mainis." Sabi ni Stan na ngiting ngiti kay Sy.




"Ano ba Stan! Nakita mong kumakain ako!" Hiyaw niya, napangiti ako sa pag aasaran nilang dalawa, parang magkasundong magkasundo na sila. Nakakatuwa naman dahil may kaibigan pa rin si Syril na mapagkakatiwalaan ko.




"Hahaha, sige na. Kumain ka na, mamaya after class punta tayong amusement park." Anyaya ni Stan, nanlaki ang mata ni Syril.




"Promise?! Bibili mo ulit ako ng cotton candy?" Parang bata si Syril na humihiling sakanya, ulit? Edi ibig sabihin nagpunta na silang dalawa doon.




"Oo ba! Kahit ubusin mo pa lahat ng cotton candy doon, basta sama ka Abhie hah!" Nakangiting sabi ni Stan.




Tumango ako sakanya. Pero napatingin kaming tatlo nang marinig naming nagsalita si Elle.



"Sama kami..."


****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon