40

41K 810 63
                                    






Chapter 40




ELLE'S P.O.V




Lumipas ang araw na namumuo pa rin ang katahimikan saaming magkakaibigan. Dumadating na rin sa punto na nagkakasagutan kami palagi ni Syril at biglang papagitna si Shane para awatin kami.




Minsan kasi hindi na rin tama yung ginagawang pagpaparinig ni Sy saamin, lalong lalo na kay Shane. Oo kasalanan rin namin kung bakit maging siya iniiwasan ni Abhie, pero hindi naman maaayos 'tong gulo na 'to kung pare-parehong mainit ang ulo namin.




"Stan!!!" Napalingon kaming dalawa ni Shane ng marinig namin ang boses ni Abhie mula sa kabilang pintuan! Maaliwalas ang itsura niya ngayon, mukha siyang masaya pero nandun pa rin yung bakas ng sakit sa nangyari. Kaagad lumapit sakanya si Stan at pinisil ang pisngi niya. Bumulong si Abhie sakanya at napakunot ang noo ko ng tumawa ng malakas si Stan, ganyang ganyan si Shane noon.. Kaunting bulong lang ni Abhie, hahalakhak na kaagad siya.. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko na ulit naririnig ang mga tawa ni Shane.




He took a deep breath bago nagsalita.



"Hindi ko na yata kaya Elle. Pakiramdam ko pinapatay ako ng selos." Bulong niya at iniwas ang tingin sa dalawa.




"Matagal ko ng sinabi sayo Shane, kausapin mo na si Abhie."




"Paano? Kung magsasalita palang ako, galit na kaagad siya."




"I think, this is the right time to talk with her. Nakita mo ba maayos na siya ngayon, isang buwan na ang lumipas at sigurado akong bibigyan ka na niya ng pagkakataon to clear things out." Suhestiyon ko.



Hindi na siya nakasagot dahil biglang dumating si Ms.A, kaagad namang tumakbo papasok ng room si Stan.




"So class may representative na ba ang section niyo na tatakbo bilang 3rd year representative?" Bungad ni Ms.A, nagtaas ng kamay ang isang kaklase namin.




"Yes Cheska?!"



"Ms.A, sa tingin ko bagay si Shane bilang 3rd year representative." Suhestiyon nito, napatango naman ako.. Pwede si Shane dahil siya ang nangunguna sa section namin, saka isa pa siya rin yung nanalo last year bilang 2nd year representative, yun nga lang wala rin masyadong pinapagawa sakanya.




"Ayoko." Mariin na sabi ni Shane saaming lahat. Nagbulungan ang mga kaklase ko, karamihan sakanila nagtatanong kung bakit naman ayaw ni Shane.




"Quiet class!" Sigaw ni Ms.A.




"Mr.Briones? Bakit ayaw mo? Malakas ang laban mo sa ibang sections." Mungkahi ni Ms.A.




"Tama! Kapag tumakbo ka bilang 3rd year representative, sure win na yon! Saka isa pa, mas maganda kung ikaw ulit, ikaw lang naman ang deserving sa position na yon. Tapos sa 4th year natin pwede ka ng mag run bilang President ng student council!" Sigaw ni Paula.




Natahimik ang klase dahil hindi pa rin sumasagot si Shane.




"What do you think? Alam mo Shane, tama ang mga kaklase mo. Ito na rin ang magiging way mo para mag run as President ng student council next school year." Suhestiyon ni Ms.A




"Oo nga!" Parang mga baka naman na nagsi-sang-ayon ang mga kaklase ko. Siniko ko siya.




"Huy, sige na Shane pumayag ka na.." Bulong ko sakanya, pero umiling lang siya, na naging dahilan para mas lalong lumakas ang sigawan ng mga kaklase namin!




"Okay! Let's make a deal Mr.Briones!" Sigaw ni Ms.A, ito ang pinaka gusto naming lahat kay Ms.A, mahilig siyang makipagpustahan sa mga estudyante lalo na at gusto niyang manalo.



Natahimik ang lahat!




"Tutulungan kitang makipag usap kay Ms.Bregnas." Napanganga ako sa sinabi ni Ms.A! Lahat ng kaklase ko napa-O!




"Oh come on mamon! Kalokohan!" Sigaw ni Syril at Stan! Nagkatawanan pa silang dalawa!




"Bakit? Wala kayong bilib sa powers ko class? Kilala niyo ako, tahimik lang akong nagmamasid sa mga nangyayari sa inyo.. Pakisara ang pintuan Ian." Utos ni Ms.A, ng pumasok si Ian.




"Alam kong hindi magpapalipat section si Abhie kung walang dahilan. Pamangkin ko siya, alam niyo na malakas ako sa mga pamangkin ko." Nakangiting sabi niya habang nakahalukipkip..




"Hindi naman yata tama yan." Bulong ni Syril.




"At wala ring mali." Sabi ni Ms.A.




"Malapit kayo ni Abhie, hindi ba Shane?" Pang aasar ni Ms.A, nagsigawan ang buong klase.. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Shane.




"Ano? Deal?" Tanong ni Ms.A na hindi inaalis ang tingin kay Shane, nakapamulsang tumayo si Shane at nakipag sukatan siya ng tingin kay Ms.A, saka nagsalita.




"I'll take that deal..in one condition."



"Woahhhh!!!" Sigawan ng lahat!




Napataas ang kilay ni Ms.A.



"Wow. Kakaiba ka makipagdeal Mr.Briones, may kundisyon na nga ako hindi ba? Pag-uusapin ko kayo ni Abhie." Manghang manghang sabi nito.



"Hindi sapat. Ibalik niyo dito sa Abhie." Nanlaki ang mata naming lahat sa sinabi ni Shane, napangiti naman si Ms.A at tumango tango.




"Gusto ko yang takbo ng isip mo Mr.Briones ha?"



"Woah.. Deal na yan! Deal na yan!!" Sigawan ng lahat.




"Fine. Deal." Nakangiting sabi ni Ms.A at inilahad ang isang papel na pipirmahan ni Shane para sa election.



"Hindi niyo naman pinaghandaan yan Ms.A?" Pang aalaska ng isang kaklase ko.



"Hindi naman. Alam ko lang naman na ganito ang mangyayari. O siya, kayo ang witness sa deal namin nitong gwapong bata na 'to ha." Nagdikit ang kilay ni Shane at bumulong.



"I'm not a kid." Naiiritang bulong niya, napangiti nalang ako sakanya.. Napakasungit talaga nitong best friend ko. Pero masaya ako dahil hindi na siya naduduwag ngayon ipakita ang nararamdaman niya.



____



Kinabukasan, pinili ni Shane ang gym para doon sila mag usap ni Abhie. Inilibot niya ang paningin niya at sinigurado niyang walang ibang matatakasan si Abhie.




"Hoy Mr.Briones, baka naman magtake advantage ka sa pamangkin ko." Natatawang sabi ni Ms.A.




"Psh..hindi ako katulad ng iniisip mo." Oo hindi nanganganopo si Shane sakanya, basta kami kami lang ang magkakasama okay lang kay Ms.A na h'wag manganopo, ang lakas daw kasing makatanda.




"Sungit nitong lalaki na 'to. May dalaw ka ba?" Pang aasar ni Ms.A, tinignan siya ng nakamamatay na tingin ni Shane.




"Hahaha! Fine, mananahimik na ako." Para talagang barkada lang namin siya kung magsalita..




Ayos na ang lamesa sa gitna ng gym, kandila lang ang ilaw na gagamitin nilang dalawa. Sinabi na rin ni Ms.A na kami nalang ang magiging bantay sa labas ng gym.



Kinausap na rin ni Ms.A si Stan at Syril na h'wag munang makialam sa ngayon. Pabayaan na munang magkaintindihan yung dalawa, at kahit ayaw nilang makinig wala na silang nagawa kundi ang sumang ayon.



_____




ABHIE'S P.O.V




Isang buwan na ang lumipas, masaya naman ako sa bagong section na napasukan ko kahit na sa umpisa hindi ko sila nakasundo lahat.. Palagi akong sinasamahan ni Stan kahit na itinataboy ko siya noon, sinusundan niya pa rin ako.




"Nasaan na pala yung binigay ko sayong kwintas Abhie?" Tanong ni Stan, siguro yung rosary na ginawa niyang bracelet saakin ang sinasabi niya.. Yung bigay ng Mama niya.




"Tinago ko.. Paano pati kasi yung bigay mo inalis ko sa kamay ko nung araw na.."




Umiling iling si Stan at pinisil ang pisngi ko.




"H'wag mo ng isipin yon.. Ingatan mo nalang Abhie." Aniya..



Tumango ako bilang sagot.. Hindi na rin ipinipilit ni Stan na magustuhan ko siya, yun kasi ang sinabi ko sakanya, itigil niya ang panliligaw saakin kapalit nun pagkakaibigan. Pumayag naman siya.




Hindi rin siya tumitigil hangga't hindi niya ako napapangiti. Napatingin ako sa may papunta ng locker ng makita kong nakapamulsang naglalakad si Shane papunta dun, kumirot nanaman yung puso ko.. Siguro nga ngumingiti ako, pero hindi ibig sabihin non nawala na yung sakit..




Nakita ko ang pagsipa niya sa isang can ng soft drinks na nakakalat sa dadaanan niya.. Nakakainis lang isipin na hanggang ngayon na-a-attract pa rin ako sa bawat kilos niya..




___




"Po? Saan po ba Tita A?" Pagtataka ko, pauwi na sana ako pero laking gulat ko ng harangin niya ako dahil may ipapagawa daw siya. Nakakapagtaka din dahil karamihan sa mga dati kong kaklase sa section nila Shane, nginingitian ako na para bang may sikreto silang lahat. Tapos si Stan iniwasan ako dahil may pupuntahan daw siya.




"Basta mahal kong pamangkin. Tara na, hindi mo naman siguro ako tatanggihan diba?" Aniya.




Napalunok ako, para kasing bata si Tita A.




"Sige na nga. Basta Tita may bayad 'to!!" Sigaw ko habang nakahawak sa strap ng back pack ko.




"Hahaha! Ano? Si sulley nanaman ba? O sige ibibili kita non kahit ilan pa! Basta sumama ka na saakin!!" Sabi niya saka ipinulupot niya ang braso niya sa braso ko.




Naglakad na kami papunta sa gym..




"Ano kasi, dito.. Madami kasing kalat, tulungan mo akong maglinis. Teka kukuha ako ng mop." Sabi ni Tita A, napakamot ako ng ulo. May janitor naman ang school namin, saka isa pa wala naman akong kasalanan para maglinis ng gym noh..




Umalis si Tita A para kumuha ng mop, pero lumipas na ang sampung minuti hindi pa rin siya bumabalik, lalabas na sana ako pero napasigaw ako ng sumara ang lahat ng pintuan ng gym at namatay lahat ng ilaw!!




"Ahhhhh!!! Tita!!!" Sigaw ko, wala akong makita.. Sobrang dilim! Paano nalang kung biglang lumabas dito si Shomba?!! Waaaaa!!




"PAPA!! MAMA!! H'wag niyo pong ipapakita si Shomba saakin! Promise po hindi na ako iiyak tuwing gabi!! Waaaa!!" Sigaw ko!! Oo tuwing gabi umiiyak pa rin ako, at gabi gabi ko na rin napapanaginipan na pinapatahan ako ni Papa at Mama..




Nakarinig ako ng yabag ng paa..




"Ti-ta? Ikaw ba yan??" Pero hindi niya ako sinagot..




"WAAA!! Mama.." Umupo ako at niyakap ko ang tuhod ko.. Naiiyak na ako, ayoko sa dilim.. Natatakot ako.. Ayoko..ayoko!!




Ayan na umiyak na nga ako.. Yung sipon ko tumutulo nanaman!! Pinunasan ko yon ng panyo ko.. At natigilan ako ng makita ko ang isang malaking kandila na may sindi sa lamesa..




May anggulo ng isang lalaki ang nakatayo doon sa may lamesa, hindi ko maaninag ang mukha niya dahil lumayo siya sa liwanag..




"Si-sino ka??" Tanong ko..



Dahan dahan akong tumayo habang pinupunasan ang luha ko..naglakad ako palapit sakanya..at halos manigas ako ng makita ko kung sino siya..




Bumilis ang tibok ng puso ko pero kasabay non ang pagkirot.. Dahan dahan akong umatras pero muli akong natigilan ng marinig kong tawagin niya ang pangalan ko.




"Abhie...let's talk."


****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon