Chapter 31
Lumipas ang pasko at bagong taon pero nanatili pa rin kaming espesyal na magkaibigan ni Shane. Nagpalitan din kaming dalawa ng regalo, binigyan niya ako ng isang malaking stuff toy na pwedeng pwede kong yakapin dahil mas malaki pa yata saakin ito. Samantalang ako simpleng polo shirt lang ang ibinigay ko sakanya, ang hirap kasi isipin kung anong ireregalo sakanya. Hello? Isang Shane Briones lang naman ang reregaluhan ko, baka mamaya hindi niya pa magustuhan. Pero na-appreciate ko naman yung ginawa niya nung ibinigay ko na sakanya yung polo shirt, sinuot niya kaagad yon at pinicturan niya ang sarili niya saka iti-nag saakin.
Napapangiti na nga lang ako eh, paano ba naman isang Shane Briones nagselfie para lang ipakita na suot niya ang ibinigay ko. Hindi ko alam pero kinikilig ako. Si Stan naman binibigyan din niya ako ng regalo pero sabi ko naman sakanya hindi na niya kailangang gawin iyon, alam ko kasi kung bakit ginagawa niya ang bagay na yon, at ayoko namang umasa siya sa wala."Dito ka pa rin naman mag aaral diba?" Biglang nagsalita si Shane, nakahiga siya sa hita ko. Medyo naiilang nga ako nung una pero since kaming dalawa lang ang tao dito sa rooftop ng school pinabayaan ko nalang siyang mahiga, nakapikit pa rin siya at hinihimas ko naman ang buhok niya.
"Oo..dito daw kasi gusto ni Papa eh." Sagot ko sakanya, napansin kong ngumiti siya. Bakit kahit anong anggulo ang gwapo gwapo niya?
"Maisasayaw kita sa Prom.. Alam ko matagal pa yon, pero Abhie gusto kitang kadate sa araw na yon." Iminulat niya ang mata niya at pinagtagpo niya ang mata naming dalawa. Itinaas niya ang kamay niya at hinaplos niya ang pisngi ko.
"Ang ganda mo kapag namumula ka." Bulong niya..
"Shane.." Tawag ko sa pangalan niya, pero nginitian niya lang ako. Kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa buhok niya at marahan na pinisil iyon.
"Promise me Abhie..tayong dalawa ang magkasama sa Prom." Paninigurado niya.
"Promise Shane." Sagot ko, siguro nga malabo ang estado naming dalawa kung anong mayroon saamin, pero alam namin sa isa't isa na pareho kami ng nararamdaman, hindi kami magboyfriend pero ganito din kaya ang pakiramdam ng magboyfriend?
Graduation na ng mga seniors bukas, kasama ang Ate ni Shane sa mga gagraduate.
"Nga pala Shane may regalo ka ba sa Ate mo? Graduation na niya bukas diba?" Tanong ko sakanya, nilalaro niya pa rin ang kamay ko.
"Wala. Lahat naman meron na siya." Nakangiting sagot niya.
"Hmm.. Close ba kayo ng Ate mo?" Tanong ko sakanya.
"Dati."
"Dati? Bakit hindi na ngayon?" Pag uusisa ko. Tinignan niya ako sa mata.
"Dati..nung mga bata pa kami palagi kaming magkasama, ipinagtatanggol ko siya sa tuwing may umaaway sakanya. Ganun rin siya saakin, lalo na pagdating kay Dad. Alam mo naman diba? Na hindi kami ganun kalapit ni Dad sa isa't isa. Sa tuwing pinapagalitan niya ako, ang Ate ko ang nagsasabi na h'wag susuko para mapalapit kay Dad.." Kwento niya, hindi pa rin ako nagsasawang makinig sa mga kwento niya tungkol sa Daddy niya, oo alam ko na hindi sila ganun kalapit ng Daddy nila sa isa't isa, pinaghihigpitan kasi siya nito at sakanya ibinibilin palagi na siya ang lalaki sa pamilya kaya dapat matutong magbigay at umintindi.