Chapter 34
Enrolment nanamin ngayon! Grabe ang bilis third year high school na ako sa pasukan. Pagkadating ko sa school sinalubong kaagad ako ni Elle at Shane.
"Tara sabay sabay tayong mag enrol para magkakaklase pa rin tayo." Masayang sabi ni Elle.
Ngumiti ako saka tumungo, napatingin ako kay Shane na kanina ko pa napapansing titig na titig saakin.
"Hi Shane!" Nakangising bati ko, ang weird ko lang, parang kailan lang naiilang ako kasi nga sinabihan niya ako ng I love you, pero ngayon parang wala nanaman saakin.
Ngumiti din siya saakin, naglakad na kami papasok sa school.
"Nasaan si Stan? Nagtext kasi siya saakin na sasabay siyang mag enrol." Tanong ko kay Elle, nagkibit balikat naman si Elle.
Inilibot ko ang paningin ko pero walang Stan.
"Magseselos ako." Napatingin ako ng may bumulong sa likod ko.
"Shane.. Baliw ka, gusto kasi ni Stan magkakaklase pa din tayo."
"Baka ikaw lang ang gusto niyang maging kaklase." Nakangising sabi niya.
"Masyado ka, kumusta na pala ang Ate mo?" Biglang tanong ko dahil naalala ko ang Ate niya.
"Okay naman si Ate, okay na rin sila ni Dad, yun nga lang next week pa ako pwedeng gumamit ng phone saka laptop." Nakangising sabi niya, oo nga hindi pa rin ibinabalik kay Shane at phone at laptop niya, nung nagtext nga siya na sabay kami mag enrol number ng Mama niya ang gamit niya.
"Eh si Kuya Michael?" Dagdag ko.
"Ewan. Bahala na siya sa buhay niya, kung akala niya hahabulin siya ng pamilya namin para panagutan ang ginawa niya sa kapatid ko, nagkakamali siya." Mariin na sabi niya, hinimas ko ang likod niya.
"Okay lang yan, soon marerealize din ni Kuya Michael ang mali niya. Kagaya nga ng sabi mo, bata pa si Ate Sabrina, ganun rin si Kuya Michael, bata pa rin siya." Nakangiting sabi ko sakanya, napapikit ako ng guluhin ni Shane ang buhok ko.
"Nice one Abhie.. Kaya mahal kita eh." Namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya! Waa! Akala ko ba wala lang! Pero bakit bumalik nanaman yung kaba ko!
"You're blushing.." Bulong niya sa
mismong tenga ko! Itinulak ko siya sa dibdib niya dahilan para mabangga niya yung babae sa likod niya.
"A-ano ba!! Hin--" Hindi na naituloy nung babae yung sasabihin niya ng humarap si Shane.
"I'm sorry, hindi ko sinasadya." Paumanhin ni Shane.
"Ha?! Ano ka ba Shane! Okay lang yon! Gusto mo banggain mo pa ako maya't maya!" Nanlaki ang mata ko! Pulang pula rin ang mukha niya. Nakalimutan kong kilalang kilala si Shane dito sa school at maraming nagkakagusto sakanya.
Tumango lang si Shane saka humarap na ulit saakin, this time magkadikit nanaman ang kilay niya.
"Nakasimangot ka na lang palagi..Lalalala.." Pilyang kanta ko na naging dahilan para mapangiti siya, pinisil niya ang ilong ko.
"You never fail to make me smile.." Nakangiting sabi niya..
"Uyyyy.. Ang keso." Natatawang sabi ni Elle.
Ngumiti nalang kaming dalawa ni Shane, pero hinahanap pa rin ng mata ko si Stan, tinetext ko siya pero hindi siya sumasagot.
Pagkatapos naming mag enrol nagyaya mag gala si Elle pero hindi naman pwede si Shane dahil mismong Daddy niya ang sumundo sakanya, grabe talaga maghigpit ang Daddy niya ngayon, kahit naman sigurong magulang ganyan ang magiging asta kapag nabuntis yung isa sa mga anak niya.
Umuwi nalang din ako.
"Nakaenrol ka na?" Salubong saakin ni Tita.
"Opo Tita.." Nakangiting sagot ko, dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko, si Stan nagtext!
From: Stan
Sorry hindi ako nakarating. May emergency lang.
Napakunot ang noo ko kaagad akong nagreply sakanya.
To: Stan
Ayos ka lang ba Stan?
From: Stan
Yes I am. :) yung pinsan ko nalang ang pinag enrol ko, inutusan kasi ako ng Ate ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko kasi kung ano ng nangyari sakanya. Syempre bilang kaibigan niya natural lang na mag alala din ako.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at dun nanood ng tv, ng biglang mag ring ang cellphone ko! Napaupo ako sa pagkakahiga ng makita ko ang pangalan ni Shane sa screen!
"Shane!" Sigaw ko.
"Kumusta?"
"Wait akala ko ba next week mo pa makukuha ang phone mo?"
"Good vibes si Daddy kanina, sinauli na lahat ng gadgets namin ni Shara." Masayang balita niya.
"Mabuti naman kung ganun.."
"Yeah, hindi na rin kita mamimiss ng sobra. Masasabi ko ng may cellphone at laptop naman para makausap ka." Nag init nanaman ang mukha ko dahil sa sinabi niya..
"Baliw ka Shane.."
"Yes." Natatawang sabi niya..
Sandali kaming natahimik.. Naririnig ko lang ang tv niya, nanonood siya ng basket ball.
"Shane naiistorbo yata kita panonood?"
"Kahit kailan hindi ka naging istorbo." Seryosong sabi niya, waaa! Shane! Utang na loob, mas gusto ko pang tahimik ka! Kasi naman feeling ko lalabas na ang puso ko sa mga sinasabi niya!
"Nga pala, gusto ko ng sabihin ngayon yung apat na natitira why I like you..o kung bakit mahal kita.." Shet! Shet! Shane! Kainis ka!
"Ha??"
"I love you Abhie, seven dahil ikaw lang ang magandang babae tuwing nag-b-blush, eight because of your smile.. Nine napapagaan mo ang loob ko every time na sobrang lugmok ako.."
"And ten.. I love you dahil sayo lang ulit tumibok ang puso ko ng ganito."
****