Chapter 7Alasais na rin ng gabi! Grabe yung Prof namin sa Algebra ang hirap magpaquiz. Nakakainis. Mahina pa naman ako sa Math. Hinanap nga pala kanina ng Prof namin si Shane dahil si Shane ang palaging highest sa mga quizzes namin. Tapos nagulat nalang kami biglang pumasok si Tita A sa classroom namin. Hinahanap niya rin si Shane. Para daw kasing nakita niyang lumabas ng university kahit oras pa ng klase. Si Stan naman epal, sinabi niyang nagcutting daw si Shane.
Ayan tuloy sabi ni Tita A paparusahan daw niya bukas si Shane. Naiinis na daw siya saaming mga 2nd year dahil karamihan daw ng pasaway nasa year daw namin. Gusto ko sanang sabihin na si Stan lang yun. :3
Hawak ko pa rin yung bag ni Shane.
"Elle pano na 'to. Baka hinahanap na ako ng Tita ko, sa tingin mo ba babalikan ni Shane 'tong bag niya?" - tanong ko kay Elle, kanina pa kasi namin hinihintay si Shane gawa ng bag niya, naiwan niya nung umalis siya ng school.
"Ganito nalang Abhie ako nalang ang maghahatid niyan sakanila." - suhestiyon ni Elle, nanlaki ang mata ko alam niya ang bahay ni Shane. Hihi, gusto ko sumama.
"Oy, yung mga ngiti mong yan alam ko na yan kahit iisang buwan palang tayong magkakilala!!" - natatawang sabi ni Elle sabay tinusok ako sa tagiliran, naalala ko tuloy si Syril sakanya. Haha.
"Haha. Gusto ko lang malaman kung saan ang bahay nila." - paliwanag ko..
"Sus, sige na nga!" - natatawang sabi niya saka pinasakay ako sa kotse niya, kanina pa rin naghihintay yung driver niya dito sa tapat ng school.
Naeexcite ako!
_______
ELLE'S P.O.VPapunta na kami sa bahay nila Shane, palagi siyang ganyan sa tuwing may nang aaway sa Ate niya. Ayoko mang sabihin pero pumayag akong maging panakip butas kay Shane. Pero habang tumatagal kasi nasasaktan na rin ako, inlove siya sa Ate niya.
Isang taon na niyang itinatago yon, at ako ang sinabihan niya dahil ako ang bestfriend niya simula first year high school kami. Too bad, nainlove ako sakanya. Na-friendzone tuloy ako. Hindi ko alam kung paano at kailan naging kami, basta bigla nalang boom kami na! Ako naman si tanga, pumayag nalang, kahit alam kong 'kaibigan' lang talaga. Mejo nagkakausap na rin naman kami ni Shane pagkatapos ng break ups namin, yun nga lang sa text at tawag lang. Medyo naiilang pa kasi ako kausapin siya sa personal. Pero ngayon alam kong kailangan niya ako.Tinignan ko si Abhie.. Nakwento siya saakin ni Shane.. Naguiguilty na rin ako kasi hindi ko masabi sakanyang nagiging rason na rin siya ni Shane para unti unting lumayo sa Ate niya.
"Malaki ba ang bahay nila Shane?!" - excited na tanong saakin ni Abhie! Nginitian ko siya.
"Oo, malaki. Pamilya Briones eh. Solong lalaki lang si Shane, pangalawa siya sa tatlong magkakapatid." - kwento ko kay Abhie, tumango tango siya.
"Ang dami mo ng alam sakanya noh?! Sana ako rin mas lalo ko pa siyang makilala.. Alam mo kasi sa tingin ko hindi naman talaga masungit yang si Shane eh! Masyado lang malalim palagi ang iniisip niya, kaya nasasabihan siya ng masungit!" - kwento ni Abhie, totoo naman yun eh. Hindi siya ganun kasungit, naguguluhan lang si Shane sa nararamdaman niya..