36

38.6K 774 29
                                    





Chapter 36




"Mahal ko siya. Mahal ko si Abhie."




Pagkasabi na pagkasabi ni Shane non hindi ko alam kung bakit umalis ako. Tinatawag nila ako pero nagmadali akong makalabas ng mall, hindi dahil ayoko kay Shane, pero love? Ibang usapan na kasi yon, yes nagkakaintindihan kami ni Shane, pero hindi ba masyado pa talaga kaming bata para sa mga ganung bagay? I mean, hello po? Mag si-sixteen years old palang ako pero bakit para nagiging problema ko na rin itong love love?




Inilabas ko ang cellphone ko ng magvibrate ito.




From: Shane

Galit ka?



To:Shane

Hindi ako galit Shane, natatakot lang ako. Ang bata pa kasi natin para sa mga love love na yan.




Sigurado ako kung nabubuhay pa si Papa, magagalit saakin yon kapag nalaman niyang may mga ganung bagay na kaagad akong iniintindi. Yung crush naman, okay lang naman saakin yun eh. Gusto ko si Shane. At sa tingin ko papunta na rin ako sa point na mamahalin ko siya, at yun ang kinatatakutan ko.




From: Shane


Alam ko naman yun Abhie, hindi naman ako nagmamadali. Sa ngayon gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko, dahil alam kong pagtagal tagal sayo at sayo pa rin ako babagsak Abhie.





Ayaw maging normal ng tibok ng puso ko. Dahil simula ng makilala ko si Shane, napaka abnormal na ng tibok nito.





Hindi ko na siya nireplyan pa. Hinayaan ko nalang.. Siguro nga para akong tanga ngayon dahil naisipan kong maglakad nalang pauwi.. Siguro maraming nag iisip na dapat maging masaya pa ako dahil mahal ako ng isang Shane Briones, masaya naman..pero at the same time malungkot.





Marami rami rin akong napag isipan dahil sa paglalakad ko ng malayo, ni hindi manlang ako nakaramdam ng pagod.. Nandito na ako ngayon sa loob ng subdivision namin, may mga batang naglalaro sa park, pumunta ako dun at umupo ako sa swing. Ang bilis bilis ng oras, kanina lang ang aga aga pa, pero ngayon hapon na at matatapos nanaman ang isang araw. Kakaunti ang nangyari pero sobrang laki ng epekto saakin.




May isang lalaki na umupo sa katabing swing na inuupuan ko at napanganga ako ng makilala ko siya..




"Kuya Michael??" Pagtataka ko, napatingin siya saakin at mukhang nagtataka dahil sa pagtawag ko sakanya, nahampas ko yung bibig ko. Napangiti naman siya, pero kita ko sa ngiti niya na malungkot siya. Hindi ba siya ang nakabuntis kay Ate Sabrina?




"Taga Oecil ka?" Biglang tanong niya, tumango ako. Tinignan ko ulit siya pero ang layo ng tingin niya. Sabagay marami nga palang nakakakilala sakanya sa Oecil dahil sa kagwapuhan niya.





"Hmm, may problema ka po?" Pag uusisa ko. Gusto ko lang malaman kung bakit hindi niya mapanagutan si Ate Sabrina, lahat naman kasi ng bagay may dahilan diba? Napangiti ulit siya. Lumingon siya saakin, ang gwapo nga ni Kuya Michael, bagay talaga sila ni Ate Sabrina. Sa pagkakaalam ko model silang dalawa eh, ang tangkad din niya, yung mata niya singkit, tapos yung ilong niya sobrang tangos.. Siguro kapag lumabas na yung anak nila gwapo yun o kaya maganda.




"Ngayon lang may nagtanong saakin niyan.." Seryosong sabi niya..




"Malungkot ka?" Tanong ko ulit.




"Masaya na malungkot." Sagot niya, nakakatuwa lang dahil kinakausap niya ako.




"Masaya bakit? Malungkot bakit?" Natawa nanaman siya.




"Alam mo. Ang lakas ng aura mo pagdating pagpapagaan ng loob ng tao." Biglang sabi niya.




"PO?!"



"Mahilig ka kasing magtanong. Sa simpleng tanong mo lang napaparamdam mo na kaagad na
may pakialam ka." Litanya niya.




"Hindi po ba chismosa ang tawag dun?" Natatawang sabi ko.




"Hahaha. See? Sa simpleng tanong mo napatawa mo na kaagad ako.."




Napailing nalang ako..



"Ikaw? Nakita kita sa malayo kanina mukhang malalim ang iniisip mo.." Puna ni Kuya..




Napaisip ako kung sasabihin ko ba sakanya yung iniisip ko.. Tutal naman hindi niya ako kilala, bakit hindi diba? Ako lang naman yung nakakakilala sakanya.




"Hmm, kasi Kuya.. Yung crush ko.. Sinabi niyang mahal niya ako, actually nagkakaintindihan naman kaming dalawa. Kaya lang natatakot pa kasi ako sa mga love love na yan eh, alam mo na ang bata bata ko pa para mag isip sa mga ganun.." Litanya ko, napakunot ang noo niya sa sinabi ko pero kaagad din siyang napangiti at umiling iling.




"Bakit Kuya?"



"Wala.. Alam mo--ano ngang pangalan mo?"



"Abhie po."



"Alam mo Abhie, tama yang ginawa mo. Bata ka pa nga para sa love na yan. Pero kasi kapag ito tumibok, hindi mo mapipigilan.." Aniya habang itinuturo ang kaliwang dibdib niya..




"Pero mas maganda siguro kung gagamitan mo rin ng utak.." Malungkot na sabi niya, parang alam ko na ang ibig niyang sabihin.




"Masarap magmahal.. Masarap din mahalin, pero kailangan ng limitasyon. Tama yan, bata ka pa naman eh. Marami pang mangyayari sa buhay mo." Malungkot na sabi niya. Tinapik tapik ko ang braso niya.




"Magiging maayos din ang lahat Kuya. Basta sundin mo lang kung ano sa tingin mo ang tama. Sige Kuya aalis na ako, mag gagabi na rin. Ingat!" Sabi ko saka tumayo na ako, maglalakad na sana ako ng biglang tawagin niya ulit ako.



"Abhie! Salamat." Nakangiting sabi niya.



"Wala yon Kuya! Thank you rin!" Sabi ko saka naglakad na patungo sa street namin.




Pagkadating ko sa tapat ng gate namin andun si Shane, kaagad siyang napatingin saakin. Napahawak ako sa dibdib ko saka hinampas hampas ko yon dahil ang abnormal ng tibok. Dahan dahan siyang naglakad palapit saakin, titig na titig siya sa mga mata ko.




"I'm sorry." Diretsong sabi niya.



"Ah..wa-wala yon." Sabi ko saka lumapit sa gate namin para buksan yon.



"Yung mga gamit mo pala naiwan mo." Sabi niya, humarap ako sakanya at kinuha ko yung mga notebooks ko.




"Salamat!"Sabi ko ng hindi tumitingin sakanya, tumalikod na ulit ako pero hinawakan niya ang braso ko.




"Magkaibigan pa rin naman tayong dalawa diba Abhie?" Tanong niya, tumango tango ako.




"Oo Shane.. Friends." Sagot ko.



"Thank you Abhie. Friends."



****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon