39

37.8K 738 41
                                    





Chapter 39




ELLE'S P.O.V




Dalawang araw ng hindi pumapasok si Abhie..



"Syril.." Tawag ko, sinamaan niya ako ng tingin, alam ko galit siya saamin ni Shane dahil sa pagsisekreto namin.




"Ano? Masaya na kayo? Sinaktan niyo si Abhie.." Naiinis na sabi niya.




"Sy..hindi. Hindi naman yun ang intensyon namin ni Shane."




"Kung ganon ano?! Alam niyo, ang bait na tao ni Abhie, inabuso niyo lang.. Saka isa pa kung wala talaga sa intensyon niyo na saktan siya, edi sana una palang umiwas na kayo sakanya! Kita niyo ng ang bilis magtiwala ng tao!" Galit na galit na sigaw niya saakin, napapatingin na rin ang ibang kaklase namin dahil sa pagsigaw ni Syril, ang iba naman ay sumusulyap kay Shane na ngayon ay nakatingin sa kawalan.




Pagang paga rin ang mata ni Shane, ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakatulog simula ng magkaaway sila ni Abhie..




"Stan, tayo nalang ang magkapartner.. Absent si Abhie!" Sigaw ni Syril, kaagad namang lumapit si Stan sakanya at sinimulan na ang project namin sa English.




Nilapitan ko si Shane..




"Shane.." Tinignan niya lang ako.



"Sensya na Elle." Paumanhin niya.



"Pati tuloy ikaw nadadamay pa.."



"Wala yon..para saan pa at naging mag best friend tayo? Hindi kita iiwanan Shane, lalo na ngayon alam kong nasasaktan ka rin.." Sabi ko sakanya, isang mapait na ngiti ang ibinigay niya saakin. Tahimik kaming gumawa ng project hanggang sa matapos namin ito.





Sinubukan naman naming puntahan si Abhie sakanila pero sabi ng Tita niya ayaw daw tumanggap ng bisita ni Abhie, maging si Syril nga daw hindi pinapapasok sa loob. Hindi ko naman masisisi si Abhie, dahil alam kong sobrang nasaktan siya sa mga nalaman niya.. Masyado siyang nagtiwala saamin ni Shane, aminado naman ako na kinunsinti ko rin ang best friend ko sa kagustuhan kong tuluyan na niyang makalimutan si Ate Sabrina, pero nilinaw naman saakin ni Shane na bago pa siya mapalapit kay Abhie nagustuhan na rin niya ito.




Kinabukasan napatulala kami ni Shane ng makita namin sa flag ceremony si Abhie, pero wala siyang pinansin kahit isa saamin nila Syril.. Hindi mapakali si Shane at panay ang lingon niya.




Pagkatapos ng flag ceremony namin pumasok na kaming lahat sa classroom pero walang Abhie ang pumasok.. Napatingin kami sa kabilang classroom kung saan hinatid siya ni Miss.A.




"Nagpalipat ng section si Abhie?" Napalingon ako sa kaklase kong bumulong, napansin ko naman ang pagkunot ng noo ni Shane.. Tumayo siya at lumabas ng classroom..




___




ABHIE'S P.O.V




Bagong kaklase.. Pero hindi ibig sabihin magkakaroon ako ng bagong kaibigan. Siguro bagong kausap lang.




"Sige po Tita A, thank you po talaga.." Sabi ko bago umalis si Tita, nagrequest ako sakanya na ilipat nalang ako ng section tutal naman kasisimula simula palang ng pasukan.. Gusto ko pa nga sana lumipat nalang ng school pero sabi ni Tita Marie magagalit daw saakin si Papa kapag ginawa ko yon.





Papasok na sana ako sa classroom pero napatigil ako ng may humawak sa braso ko, nilingon ko siya at parang namanhid nanaman ang buong katawan ko ng makita ko kung sino siya.




"Bakit?" Walang ganang tanong ko sakanya.




"Nagpalipat ka ng section." Aniya, halata sa itsura niya ang pagkadismaya..




"Ano naman ngayon?"



"Abhie, hindi mo naman kailangang gawin 'to--"




"Bakit hindi? Pwede kong gawin kung anong gusto ko, buhay ko 'to.. At ako magdedesisyon." Naiinis na sabi ko.. Dalawang araw din ako absent dahil sakanya, ang dami kong namiss na lessons dahil rin sakanya! At nasasaktan ako ng dahil sakanya.. Shet lang talaga lahat nalang siya ang dahilan!!




"I'm sorry.."



"Tama na Shane..ayoko ng marinig yang lintik na sorry mo.." Oo sa dalawang araw na pagkukulong ko sa kwarto ko nabalot na ng galit ang puso ko, at ayoko ng ulit magtiwala sa kahit kanino.. Napatunayan ko na si Papa at Mama lang talaga ang taong pwedeng pwede ko pagbigyan ng tiwala ko..




Inaamin ko..masyado akong naging mabait..kaya siguro sinamantala nila yung kabaitan ko, pero may hangganan din ang lahat.. Dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon, natatakot na akong magtiwala at makipagkaibigan sa kahit kanino.




Tinalikuran ko na siya at padabog kong isinara ang pintuan ng classroom namin. Lahat ng mga bago kong kaklase na nakatingin saakin, karamihan sakanila mga babae.. Dahil siguro nakita nilang kausap ko ang isang manlolokong lalaki, patay na patay sila dun samantalang mukha namang walang puso yung lalaki na yon.. Oww, meron pala..may puso siya para sa kapatid niya.





Break time nanamin ngayon, walang nagtangkang makishare ng table saakin dahil bago palang sila lalapit sinasamaan ko na sila ng tingin.




"Akala ko ba mabait yan? Bakit parang ang sungit naman.." Ang tao nga naman, pagbubulungan ka nalang rinig na rinig mo pa.




"Binereak ata siya ni Shane. Ambisyosa kasi." Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko, tumayo ako at dinala ko ang soft drinks ko saka ibinuhos yun dun sa babaeng pinagchichismisan ako.




"What the!! Ano ba?!!" Sigaw nito saakin, humalukipkip ako at tinignan ko siya ng masama.




"Next time, kung gusto niyong pag chismisan ako h'wag naman yung maririnig ko.. Saka isa pa pwede bang yung tamang chismis ang ipagkalat niyo?!" Naiiritang sabi ko.




Natigilan ako ng may humila sa braso ko at kinaladkad ako palabas ng cafeteria!




"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!!" Hiyaw ko! Pero hindi niya ako pinakinggan!!




Hinila niya ako sa loob ng Biology Lab. at nilock iyon! Akmang lalabas ako pero hinarangan niya ako!




"Abhie hindi ikaw yan.."



"Anong sinasabi mo diyan? Tabi nga Stan!!" Sigaw ko saka itinulak ko siya!! Pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sakanya para yakapin! Pilit ko siyang itinutulak pero hinihigpitan niya ang yakap saakin!




"Umiyak ka Abhie..iiyak mo lahat ng sakit! H'wag kang magbago ng dahil lang sakanya..dahil nasasaktan din ako.." Nahihirapang bulong niya..





"Bitawan mo ako Stan.." Hindi ko alam pero bigla akong nanghina.. Bumalik nanaman kasi yung sakit..




"No.." Bulong niya..




Naramdaman kong humigpit ang yakap niya saakin!



"Kasama ka rin nila diba?!! Niloko mo rin ako!!"




"Abhie hindi!! Wala akong alam sa mga sinasabi mo!!"




Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang luha ko..



"Manloloko kayong lahat.." Humihikbing bulong ko, naiinis ako! Nararamdaman ko nanaman kasi yung hindi pamilyar na sakit, parang kinukurot ng maliliit ang puso ko at nahihirapan akong huminga..




"Abhie..ako..hindi kita lolokohin.."



"Ka-kasama ka nila!! L-lahat kayo.."




Pinagtutulakan ko si Stan pero pilit niya akong ikinukulong sa bisig niya.. Yung luha ko ayaw nanamang tumigil.. Bakit ganito, ano ba kasing sakit 'tong nararamdaman ko?!! Bakit sobra sobra namang sakit na para bang wala ng katapusan!



****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon