Chapter 30
Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Shane sa kamay ko ngayong nagna-night market na kami dito. Hanggang 9pm ang ibinigay saamin para makapamili ng mga ipapasalubong.
Nung hinila ako ni Shane palayo sa mga kaklase namin sakto naman na yun na pala ang oras ng night market. Sobrang tahimik niya at natatakot nanaman ako sa pagkakadikit ng kilay niya.
"Shane?" Tawag ko sakanya saka tumigil ako sa paglalakad, hinarap niya ako at tinitigan mabuti ang mata ko, pinaghiwalay ko ang kilay niyang magkasalubong."Nakasimangot ka nanaman kasi." Suway ko sakanya, huminga siya ng malalim.
"Ayoko lang kasing may nangmamaliit sa kung ano mang meron tayo ngayon Abhie, kasi yun nalang ang pinanghahawakan kong may pag asa ako sayo." Seryosong sabi niya, napalunok naman ako sa sinabi niya.
"Ah..a-ano h'wag mo nalang pansinin si Stan."
"Hindi pwedeng hindi Abhie, may gusto sayo si Stan. Hindi naman ako tanga para hindi makita yon.. Gago nalang ang magsasabi na kaibigan ang tingin sayo nung lalaki na yon." Seryoso pa rin siya, may napatunayan akong pag uugali ni Shane, masakit siyang magsalita kapag naiirita o nagagalit siya, kagaya ngayon halatang galit siya kay Stan.
"Mamasyal nalang tayo Shane, ayokong masira ang tour natin dahil galit ka sa isang tao." Pakiusap ko sakanya..
Huminga siya ng malalim at napapikit ako ng bigla niya akong yakapin! Shete! Nagwawala yung puso ko!
"I'm sorry.." Bulong niya bago humiwalay sa pagkakayakap saakin! Pagkatapos non hinawakan na niyang ulit ang kamay ko at naglakad na kami para maghanap ng mabibili.
____
Kinabukasan maaga kaming ginising ng bell. Nakatulog din naman ako kaagad kagabi dahil napagod ako sa night market, binilhan ko si Tita Marie ng Tshirt at mga pagkain, siya nalang naman yung papasalubungan ko eh, pati pala si Syril binilhan ko rin ng tshirt na may nakalagay na I love Baguio. Haha.
Nasa bus na kami at papunta kami sa strawberry farm.
Pagkarating namin dun may mga nagkalat na nagtitinda ng strawberry taho kaya naman bumili kami ni Elle, ang sarap! May buo buong strawberry pa, tapos yung strawberry ice cream ganun din.Sa tapat ng strawberry farm may bilihan ng mga souvenirs saka mga pagkain ulit kagaya ng peanut brittle. Saaming magkakaklase si Shane lang yung walang binili!
"Bakit hindi mo bilhan ang mga Mama mo Shane?" Tanong ko sakanya.
"Hindi naman sila mahilig sa ganyan." Aniya.
"Bakit tinanong mo ba?" Nakatawang sabi ko.