41

39.8K 843 40
                                    







Chapter 41




"Abhie...let's talk." Sabi niya, saka naglakad palapit saakin. Napaatras ako ng mga dalawang hakbang. Humigpit ang hawak ko sa strap ng back pack ko, namamawis at nanlalamig ang kamay ko dahil sa kaba.




Pero hindi siya tumigil sa paglapit saakin hanggang sa mahawakan na niya ang kamay ko.




"Sasabihin ko lahat ng gusto mong marinig, and I promise, pagkatapos nito hindi na kita guguluhin." Aniya saka inalalayan ako palapit sa lamesa. Pinaupo niya ako sa isang mono block at siya naman sa kaharap kong upuan.




Napatingin ako sa kandila. "B-bakit may kandila?" Pagtataka ko.




"Lalabas lang tayo ng gym na 'to kapag naubos na yang kandila." Sabi niya, nanlaki ang mata ko at napatingin ako sakanya!




"Ano?! Eh ang laki laki nitong kandila na 'to!!" Hiyaw ko sakanya! Napansin kong napangiti siya, nakakapanibago.. Ngayon ko nalang ulit nakita ang ngiting iyon.




"Kulang pa nga yan eh. Kung meron nga lang kandila na hindi natutunaw at namamatay ang apoy, yun ang gusto kong gamitin ngayon. Para hindi na kita mapakawalan pa." Napalunok ako dahil sa sinabi niya.




"Pero alam ko namang malabong mangyari yon. Dahil alam kong lalayo at lalayuan mo pa rin ako." Patuloy niya..




Napatungo ako..




"Sorry." Biglang bulong niya, mariin kong ipinikit ang mata ko.. Abhie h'wag kang iiyak.




Tumingin ako sakanya, nangungusap ang mga mata niya ngayon. Para bang ang dami niyang gustong sabihin saakin, kaya naman nagtanong na ako.



"S-Shane..bakit?"




"Hindi ko intensyon na lokohin at saktan ka Abhie.." Panimula niya,




"Pero nagawa mo na.." Mariin kong sabi, nanginginig ang mga mata niya habang nakatingin saakin.




"Hindi ko sinasadiya.. A-ayokong saktan ka pero nangyari na.. Nung araw na nakita mo ako sa katauhan nung snowman na yon, hindi ko alam pero napasaya mo kasi ako."




"Panakip butas ba ako Shane?" Tanong ko sakanya, naalala ko kasi yung narinig ko kay Elle, sabi niya panakip butas lang siya ni Shane dun sa babaeng minahal nito..at hindi ko akalain na Ate niya pala yon.




Umiling iling siya. "Hindi Abhie..kahit kailan hindi kita ginawang panakip butas, dahil lahat ng nararamdaman ko ngayon para sayo totoo." Aniya.




"Pero mahal mo ang kapatid mo!" Sigaw ko sakanya.




"Siguro dati mahal ko siya, pero Abhie nung dumating ka kasi..hindi ko sinasadiya pero nahulog ako sayo." Mariin na pahayag niya, napalunok ako sa narinig ko.




"Una palang kitang makita sa sinehan pakiramdam ko gusto kong mapalapit sayo sa hindi ko malaman na dahilan."




Hindi ako makahanap ng tamang salita na dapat sabihin sakanya, nanlaki ang mata ko ng makita kong may tumulong luha sa mga mata niya, pero kaagad niya iyon pinahid.




"Sorry na Abhie.. Kahit h'wag ng bumalik yung dating tayo basta mapatawad mo lang ako, tatanggapin ko." Sabi niya, yung boses niya punong puno ng pakiusap.




"Kaya lang hindi ko alam kung kaya kong makita na lumalayo ka saakin. Dahil nasanay na ako na palagi kang nandiyan." Patuloy niya..




"Shane..si-siguro kung dati mo pa sinabi lahat ng 'to, ganito rin naman yung magiging reaction ko. Magagalit pa rin ako, pero at least hindi gaanong masakit, yung tipong hindi ko maintindihan kung ano ba 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon." Sabi ko sakanya, tumango tango siya..




"Natakot lang ako Abhie, sasabihin ko naman dapat sayo pero hindi ako makahanap ng tiyempo.. Dahil alam kong lalayuan mo rin naman ako." Paliwanag niya..




"Abhie lahat ng ipinakita at ipinaramdam ko sayo totoo.."




Matagal naghari ang katahimikan saaming dalawa. Nanatili lang kaming nakatitig sa mata ng isa't isa, yung mata niya para bang punong puno ng pakiusap, kitang kita ko ang pagkinang non. Ngayon ko nalang din natitigan ang gwapo niyang mukha..




Huminga siya ng malalim bago tumayo, hinila niya ang upuan niya sa tabi ko. Amoy na amoy ko ang mabangong pabango niya.. Pagkaupo niya sa tabi ko hinawakan niya ang kamay ko, akmang hihilahin ko sana iyon pero hindi ko magawa dahil kapag hinahawakan niya ang kamay ko ayaw ko na ring bumitiw.




"Sorry na.." Bulong niya, napapitlag ako ng ilagay niya ang palad ko sa kanang pisngi niya.. Sobrang kinis ng mukha niya..




"Sorry na...kung nagalit ka..di naman sinasadiya." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagalpak ako ng tawa dahil sa tuwing maririnig ko ang boses niyang kumakanta natatawa talaga ako.




Huminto siya sa pagkanta.



"Sorry na." Paulit ulit na bulong niya.




Tinignan ko siya, nakapikit na siya ngayon habang patuloy pa ring nakalagay ang palad ko sa pisngi niya.. Masakit nga siguro yung mga nangyari, pero matatanggihan ko ba ang paghingi ng sorry nitong tao na 'to?




"Shane.." Untag ko. Marahan niyang ibinaba ang kamay ko at humarap siya saakin.




"Pinapatawad na kita." Sabi ko.. Nagliwanag ang mukha niya, at kitang kita kong masaya talaga siya.




"Pero kasi Shane, hindi na nating pwedeng ibalik yung dati.." Napakunot ang noo niya, kaagad kong inayos ang pagkakakunot non.




"Nagkasakitan tayong dalawa Shane, siguro tama na yung magkapatawaran tayo. Pero hindi na tama yung ibalik natin yung noon, siguro pwede? Pero hindi pa ngayon Shane.." Paliwanag ko sakanya, tumango tango siya. Kailangan muna naming lumayo sa isa't isa.




"Pero kahit hindi tayo bumalik sa dati, tandaan mo magkaibigan pa rin tayong dalawa.." at Crush pa rin kita Shane, kaya lang.. Konti lang.

Dahil pakiramdam ko mahal kita, sobra sobra pa..


Sa isip ko lang sinabi yon..dahil hindi ko kayang aminin sakanya, ngayon alam ko na kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Gusto ko siya, to the point na mahal ko na pala hindi ko pa alam. Ang bata ko pa kasi eh, ni hindi ko alam kung pagmamahal ba talaga ang tawag dito. Pero para saakin, pagmamahal nga ito. Sa maling panahon nga lang.


Tumango siya bilang sagot.


"kailangan lang natin ng kaunting panahon, sa ngayon mag aral nalang muna tayong mabuti Shane, gawin nating inspirasyon ang isa't isa.." Sabi ko sakanya..



"Kapag ba bumalik tayo sa dati, sa tamang oras at panahon, may pagkakataong tayong dalawa pa rin?" Nakagat ko ang dila ko sa tinanong niya.



"Hindi natin alam Shane..bata pa naman kasi tayo eh, kagaya ng sinasabi ng matatanda.. Kung tayo, tayo talaga." Sabi ko sakanya.




Tumango siya. "Alam kong bata pa tayo pareho, hihintayin ko yung panahon na yon. Masaya na akong malaman na napatawad mo na ako." Aniya.




"At sana, kahit papaano nabawasan yung sakit na dinadala mo." Patuloy niya, ngumiti ako. "Oo, kahit papaano naman nabawasan." Sagot ko sakanya.





Dalawang oras na ang lumipas, pero nakaupo pa rin kaming dalawa dito. Maliit na ang kandila, at pahigpit ng pahigpit ang kapit niya sa kamay ko.




"Pwede bang magsindi ulit tayo ng isa pang kandila?" Bulong niya, tumawa ako ng mahina.




"Sira ka Shane."




"Ayoko pa kasing maghiwalay nanaman tayo." Bulong niya, tinignan ko siya. "Sandaling panahon lang naman yun Shane.." Bulong ko.



"Pag college?!" Biglang sigaw niya!



"College ka diyan!!" Sigaw ko sakanya. "Sa college sasagutin mo na ako." Sabi niya! Hinampas ko siya.



"Baliw ka."




"Baliw naman talaga. Sayo." Aniya, nag init ang pisngi ko. Kainis talaga 'tong si Shane.



"Siya nga pala..tatakbo ako bilang third year representative.." Sabi niya, napatingin ako sakanya!



"Wow! Good luck ha." Sabi ko.




"Salamat. Iboboto mo ba ako?" Tanong niya, tumango ako.




Magsasalita pa sana ako pero natigilan kaming pareho ng biglang namatay ang kandila.. Sobrang dilim, wala akong makita.



Humigpit ang hawak niya sa kamay ko..



Dahan dahan kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa ko para magkaliwanag.. Binitawan ko naman ang kamay ni Shane at tumayo na ako, inilawan ko siya.




"Uuwi na ako Shane, ikaw rin umuwi ka na.. Gabi na oh." Sabi ko sakanya, narinig kong huminga siya ng malalim..



"Sige. Mag ingat ka. Sorry ulit."




Ngumiti nalang ako at naglakad na ako patungo sa pintuan pero natigilan ako ng bigla niya akong hilahin at yakapin ng mahigpit!




"Hihintayin kita Abhie.." Bulong niya sa tenga ko at naramdaman kong may parang tubig na tumulo sa may leeg ko, narinig ko ang paghinga niya ng malalim kasabay non ang isang paghikbi..




Dahan dahan niya akong inilayo sakanya at napapikit ako ng halikan niya ako sa noo.. "Salamat sa oras. Mag ingat ka." Sabi niya saka tuluyan na akong binitawan.




Para akong bato na naninigas sa paglalakad, at natigilan nanaman ako ng magsalita siya.



"Pero sana sa JS Prom, tayo pa ring dalawa ang magkapareha."


****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon