Chapter 10
ABHIE'S P.O.V
Nandito kami ngayon ni Shane sa seven eleven, bumili kasi kami ng slurpee. Saka may ipapakita daw siya saakin.
"Ano ba yon?" - sabi ko saka ipinatong ko yung bag ko sa lamesa, nagulat ako ng hinila niya yung kamay ko para makaupo ako ng maayos.
"Eto. Maganda ba?" - tanong niya habang pinapakita yung bracelet sa isang page ng facebook.
Plain lang naman na silver yung bracelet anong maganda don? Pero kanino naman kaya niya ibibigay?
"Shane, sa totoo lang ha? Hindi maganda kasi plain lang." - sabi ko saka sumipsip sa slurpee ko.
"Sira ka. Syempre lalagyan ng pangalan yan." - sabi niya habang tumatawa pa, napapangiti pa rin ako tuwing maririnig ko yung tawa niya. October na ngayon, at next week sem break nanamin.
"Oh? Pasadya pala, siguro maganda kapag may pangalan na." - sabi ko, pangit yan pangit kung hindi niya saakin ibibigay! Hihi.
"Talaga? Sa tingin mo? Anong magandang kulay? Sabi kasi dito sa page, pwede daw mamili ng kulay ng bato para sa pangalan." - sabi niya ng hindi inaalis yung tingin dun sa iPad niya.
Huh? Ako talaga pipili ha? Ano kaya, dapat yung pangit para hindi magustuhan nung pagbibigyan niya! Haha! Ang sama ko, baka mamaya malungkot pa si Shane pag nangyari yon.
"Pink, karamihan naman kasi sa babae gusto nila Pink.. Pero kung ako naman gusto kong kulay Purple." - sabi ko.
Narinig kong ngumisi siya, tumingin siya saakin.
"Sinong may sabi sayong babae ang bibigyan ko?" - sabi niya, pinatay niya ang iPad niya at nilagay sa bag niya, kinuha niya rin yung bag ko.
"Ako na Shane!" - sigaw ko!
"Hindi ka pa rin ba sanay?" - sabi niya saka tinalikuran na ako at lumabas na siya ng seven eleven.
Simula kasi nung nangyaring pagyakap niya saakin dun sa park pansin ko madalas na siyang maging sweet, konti nalang iisipin ko may gusto siya saakin eh! Haha! Pero wala naman siyang sinasabi, basta alam niyo yung nagkakaintindihan lang kaming dalawa. Inaasar nga kami palagi sa classroom kasi para daw kaming na- mighty bond ayaw ng maghiwalay.
Sumunod na ako sakanya, naglalakad na kami ngayon papunta sa sakayan ng jeep. Ayan, isa din 'to sa pagbabago saamin ni Shane, palagi na rin niya akong hinahatid sa bahay. Pero minsan, masungit siya. Alam niyo yung may topak? Ayon minsan may topak siya, yung parang pagpasok niya palang ng classroom kapag nakasimangot at magkadikit ang kilay niya isa lang ang ibig sabihin non, mananahimik siya buong maghapon. Hanggang mag uwian. Bigla kong naalala yung sinabi niya kanina!
"Hindi babae ang pagbibigyan mo ng bracelet?!! Kung ganon!" - napatakip ako ng bibig ko. Pinitik niya yung noo ko! Ang hilig niyang pitikin yung noo ko! Bad Shane!
"Bakla ka Shane?!!" - sigaw ko! Tinawanan niya ako.
"Baliw ka Abhie." - natatawang sabi niya, niloloko ko lang naman si Shane, alam ko namang hindi siya bakla noh!
"Joke lang. Kanino ba kasi ibibigay yang bracelet?!" - sigaw ko.
"Bakit gusto mong malaman? Nagseselos ka ba?!" - may halo ng pang aasar na tanong niya. Lumapit siya lalo saakin. Yung parang konting konti nalang madidikit yung lips namin! Napalunok ako!
"Ha! Wa-wala lang!! Saka hindi ako nagseselos noh! Kapal mo!" - nauutal na sabi ko! Itinulak ko siya palayo saakin! Ngumisi naman siya!
"Nakagawa ka na ba ng project sa Social Studies?" - pag iiba ko ng usapan! Mahirap na baka kung saan pa mapunta yung usapan namin.
Umiling siya.
"Hindi pa. Baka bukas nalang." - sabi niya.
"Bukas pa? Eh bukas ng hapon na yung submission nun ah!" - sabi ko sakanya.
"Edi bukas ng umaga ko gagawin." - sabi niya, edi siya na ang mabilis gumawa ng project.
Sumakay na kami ng jeep, kaming dalawa lang yung sakay sa jeep. Walang sumasakay kay Manong dahil siguro medyo madilim na at wala na ring masyadong mga estudyante.
"Abhie.." - lumingon ako sakanya.
"Uhm?"
"Hmm.. Anong gagawin mo kapag yung taong malapit sayo nalaman mong nagsisinungaling sayo?" - tanong niya.
"Huh? Bakit mo naman naitanong yan?!" - pagtataka ko. Anong klaseng tanong kaya yon? Lol.
"Ah, wala naman. Naisip ko lang. Kasi yung..hmm, may kaibigan kasi si Elle. Yung isang kaibigan niya nagsinungaling sakanya." - kinabahan naman ako! Hala bakit walang kinukwento saakin si Elle!!
Pero bago ko masagot yung tanong ni Shane, pumara na siya. Ang bilis naman! Nandito na kaagad kami sa tapat ng subdivision namin, inalalayan ako ni Shane pababa ng jeep.
Naglakad na kaming dalawa.
"Kumusta si Elle? Okay lang ba siya?! Bakit hindi niya sinabi satin?" - sabi ko.
"O-okay lang naman si Elle." - bulong niya, tinignan ko siya. Nakatungo lang siya habang naglalakad kami, yung mukha niya sobrang seryoso. Ex nga pala niya si Elle, at bestfriend niya rin 'to. Siguro nalulungkot siya para kay Elle.
"Alam mo Shane.. Kung saakin siguro nangyari yung kay Elle, baka hindi ko mapatawad yung kaibigan kong yon.. Pero kung si Elle naman, mukha namang mapapatawad niya yon. Mabait naman si Elle." - nakangiting sabi ko at pilit kong inabot ang balikat niya.
Tumigil kami paglalakad, humarap siya saakin. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tumingala ako, ang tangkad niya!
"Shane! H'wag ka ng malungkot! Alam ko namang, super duper close kayo ni Elle. H'wag kang mag alala, kakausapin ko si Elle, para naman matahimik ka na! Sisiguraduhin kong okay lang si Elle." - nakangiting sabi ko sakanya, titig na titig siya sa mga mata ko, parang nilalamon ako ng mga titig niya.
"Abhie." - tawag niya, ngumiti ako.
"H'wag ka ng malungkot. Nga pala bukas sumama ka saakin ha! Ipapakilala kita kela Papa! Ipagmamalaki kong may kaibigan akong ubod ng gwapo!" - sigaw ko para naman mapatawa ko na siya, pero nakatitig lang siya saakin. Naiilang na nga ako sa titig na ginagawa niya eh. Pero hindi ko pinapahalata.
"Huy Shane!" - sigaw ko! Para namang nagulat siya sa pag sigaw ko.
"Ngumiti ka naman jan!" - sigaw ko sakanya, mas lalo akong lumapit sakanya at inabot ko ang kilay niya, pinaghiwalay ko yon gamit ang dalawang kamay ko, pagkatapos hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at hinila hila ko yon! Natawa ako sa itsura ni Shane! Haha! Pero infairness ang kinis ng mukha niya at malambot! Mukha talaga ng gwapo! Hahaha!
"Ngiti na!!" - sigaw ko! Pinabayaan niya lang ako sa ginagawa kong pambabalahura sa mukha niya!
At unti unti, ngumiti na rin siya. Gustong gusto ko talagang ngumingiti siya, lalo na at ako ang nagiging dahilan.
*****