Chapter 3
Dahan dahan kong itinaas ang ulo ni Mr.Snowman dahil parang nakatulog yata siya sa balikat ko, grabe hindi ba siya nahihirapan jan sa suot niya? Mainit yan baka hindi siya makahinga.. Lumuhod ako para sana alisin yung ulo ng snowman para naman makahinga siya, pero hinawakan nanaman niya ang kamay ko.
“Don’t..” – bulong niya, ang husky ng boses niya at parang nahihirapan na siyang huminga!
“Hala! Eh baka hindi ka makahinga niyan!!” – sigaw ko, umiling iling naman siya.. Napansin kong nagtype siya sa cellphone niya.
Pinabasa niya saakin yon.
[Umalis ka na.]
“Ha? Pero hindi kita pwedeng iwanan dito hangga’t hindi mo hinuhubad yan!” – sigaw ko, nagtype ulit siya.
[Sanay na ako. Kailangan ko lang mag isa.]
Tinignan ko si Mr.Snowman, kahit hindi ko nakikita kung sino yung nasa loob ni Mr.Snowman parang sobrang lungkot niya..Samahan ko nalang kaya siya?
“Ganito nalang sasamahan nalang kita dito..”
Umiling ulit siya..Tinignan ko ulit siya, nakatungo na si Mr.Snowman..Ayaw niya yatang ipakita ang mukha niya, pangit ba siya kaya nahihiya siya saakin?Ano ba naman ‘tong pinagsasasabi ko..
“Pano ba ‘to..ano, ah..ganito aalis na ako basta i-promise mo na aalisin mo na yang costume na yan pagkaalis na pagkaalis ko! Promise hindi kita sisilipin kung ayaw mong ipakita saakin yung mukha mo.” – sabi ko.. Tumango siya, tumayo naman ako!