Chapter 22
Tapos na ang sem break namin, pasukan nanaman. Nakakainis lang kasi umuulan, nabasa pa nga ng kaunti yung dulo ng palda ko dahil umaampyas yung ulan.
"Abhie!" Napalingon ako ng tawagin ako si Stan, nginitian ko siya, kahit na hindi kami masyadong nagkasama nung sem break nagkakatext kami kahit paunti unting replyan lang.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Pwede mo ba akong samahan ulit mag dinner mamaya? Birthday kasi ng Mama ko ngayon, gusto ko lang icelebrate kahit wala na siya." Napansin ko ang mapait na ngiti niya, hinawakan ko ang balikat niya at tinapik tapik iyon.
"Sure Stan, walang problema." Nakangiting sagot ko sakanya.
Nagliwanag ang mukha niya at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin! Kaagad ko siyang inalayo saakin at nginitian ko siya, tumingin ako sa paligid, nakatingin saamin yung mga schoolmates ko kaya naman hinila ko na si Stan papasok ng room.
Agad kong nakita si Shane na nakatungo sa arm chair niya, pagkaupo ko hindi pa rin siya umaayos.
"Shane?" Tawag ko sakanya, pero hindi siya umimik.. Kinuhit ko siya sa likod niya, pero nanatili siyang nakatungo.
Napahawak ako sa balikat niya at parang naramdaman kong mainit siya!
"Shane! May lagnat ka!" Sigaw ko sakanya! Inayos ko siya ng upo, pulang pula ang mukha niya, nakakunot ang noo niya at parang ang sakit ng ulo niya. Hinipo ko ang noo niya at napaso pa ako dahil don.
"May lagnat ka! Bakit pumasok ka pa?!" Sigaw ko sakanya..
"Abhie.." Tawag niya saakin, tumungo ulit siya.
"Sandali! Ikukuha kita ng gamot sa clinic!!" Sigaw ko, tatayo na sana ako pero laking gulat ko ng hilahin niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan yon.
"Dito ka lang..h'wag mo akong iwanan.." Pakiusap niya..
"Pero Shane kailangan mong uminom ng gamot.." Pag aalala ko sakanya.
"Mas magiging okay ako kapag alam kong nandito ka lang sa tabi ko.." Napalunok ako sa sinabi niya.
Hinayaan ko nalang siyang hawakan ang kamay ko mula sa ilalim ng arm chair, mainit ang palad niya dahil sa lagnat. Napansin na rin ng Prof naman ang nakatungong si Shane, pinapapunta na nga siya sa clinic pero umayaw siya at mas hinigpitan ang kapit sa kamay ko.
Magsusulat na kami ngayon pero hawak hawak pa rin niya ang kanang kamay ko, kaya naman kahit hirap na hirap ako, ipinansulat ko ang kaliwang kamay ko. Napailing ako dahil parang kinahig ng manok ang sulat ko, pero okay lang yon ang importante maging okay si Shane.