Chapter 28
Lumipas ang araw na palagi kong iniiwasan na makita ni Shane na kasama ko si Stan, mahirap na baka mamaya mabiktima nanaman ako nung ‘isang selos kapalit ng isang halik’ kuno niya.
“Kumpleto na ba?! Wala ng kulang?” Tanong ni Tita A. Tour kasi namin ngayon sa Baguio alas dose na ng gabi kaya naman dadating siguro kami sa Baguio ng mga 6am.
Nakapunta na naman ako ng Baguio kaya lang 10 years old pa ako non, kasama ko si Papa at si Tita Marie, ipinasyal nila ako. Nakakamiss nga eh.
“Pringles?” Alok ni Shane, katabi ko siya ngayon dito sa bus, paano ba naman siya ang nag ayos ng seating arrangement ng klase namin, ang nangyari? Yung upuan lang naming dalawa ang inayos niya, tapos yung sa mga kaklase namin pinabayaan na niya, ang adik talaga niya. Sa bandang gitna kami nakaupo sa kaliwa para daw safe. Ganun daw yun eh pagsasakay ka daw ng bus kailangan sa linya ng driver ka uupo para kung sakaling may mangyari daw hindi ganun kalala.
“Sige lang Shane..” Nakangiting sabi ko sakanya, maya maya pa umandar na yung bus namin kaya naman nagsigawan na ang lahat. Karamihan din naman sa mga kaklase ko nakapunta na sa Baguio, ang habol nalang nila eh yung picture kasama ang mga kaibigan nila saka yung dagdag na points sa exam. Sigurado ako malamig ngayon sa Baguio dahil December na ngayon.
“Nakapunta ka na rin sa Baguio diba Shane?” Tanong ko sakanya, tumango tango siya habang kumakain nung Pringles.
“Matagal na. 10 years old yata ako non.” Kwento niya.
“Hala! Pareho tayo Shane!” Sigaw ko.
“Abhie?! Gusto mo ng chocolate?” Alok ni Stan na nakaupo lang sa likuran namin.
“Sala—“ Natigilan ako ng abutan ako ni Shane ng chocolate.
“Ehem!!” Sigaw ni Elle, na nakaupo naman sa harapan namin, nakadungaw siya sa may sandalan ng upuan niya.
“Akin nalang yan Stan! Salamat!!” Sigaw ni Elle saka inagaw yung chocolate ni Stan.. Tinignan ko naman si Stan, malungkot yung itsura niya kaya naman inilahad ko yung kamay ko na para bang humihingi ako. Ngumiti siya at binigyan ako.