Mahigit isang buwan na din ang lumilipas ng dumating kami dito sa bahay ni kuya Reid. At sa mga araw na lumipas ay hindi ko man lang nakita si papa dahil na din kay Erwin na pumalit kay kuya Reid para pagbawalan akong makita siya kaya hanggang ngayon ay sa cellphone parin kami nagkakausap.
At hindi lang si papa ang namimiss ko kundi pati narin si Cyrus dahil hindi ko parin siya magawang kalimutan. Siya nalang ang palaging laman ng isip ko at parang gusto ko siyang palaging makita pero hindi pupwede.
Kamusta na kaya siya? Masaya kaya siya simula nung umalis kami sa hide-out nila? Magiging okay kaya kami kung sakaling magkita ulit kami? Magagawa na kaya niya akong kausapin kapag nagkataon? Ilan lang yan sa mga katanungang tumatakbo sa isip ko tuwing gabi hanggang sa makatulog na ako.
Riiinngg... Riiinngg...
Narinig kong tumutunog ang cellphone ko pero hinayaan ko lang iyong tumunog hanggang sa magsawa at tumigil na ang tumatawag sa akin.
Inaantok pa ako! Sobrang inaantok ako kaya walang pwedeng umistorbo sa pagtulog ko dahil magwawala talaga ako sa galit kapag nagkataon.
Mabilis naman akong nakatulog ulit dahil hindi na nga ulit tumawag ang nang-iistorbo sa akin nang magulantang naman ako dahil sa pagkalabog ng pinto ng kwarto ko.
"Erika! Tumayo ka na nga diyan at----"
"Waaaaaa!!!!" Sigaw ko ng pagkalakas-lakas dahil sa paggising ni Erwin sa akin kaya mabilis din niya akong nilapitan para takpan ang bibig ko. Pero kinagat ko lang ang kamay niya kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Aray!!! Bakit mo naman ako....Hey! Erika, bakit? Ikaw na nga ang nangagat ikaw pa ang iiyak?"
"Galit ako sa'yo dahil inistorbo mo ang pagtulog ko! Umalis ka na nga!"
"Okay, pero hindi naman kailangang umiyak ka pa."
"Eh naiiyak ako eh. Sige na, umalis ka na at matutulog na ulit ako."
"What? It's already eleven in the morning Erika. Tumayo ka na diyan dahil pinapapunta tayo ni kuya Reid sa hide-out nila. Kanina ka pa nga daw niya tinatawagan pero hindi mo sinasagot ang cellphone mo kaya tinawagan na din niya ako. Sabi ko sa kanya tulog ka pa at tama naman ako."
"Siya pala ang nang-iistorbo sa pagtulog ko kagaya mo. Sabihin mo sa kanya na sa susunod sa hapon o kaya sa gabi niya ako tawagan dahil wala ako sa mood sa umaga. Sige na, layas na!" Sabi ko at pumikit nang muli dahil nakakaramdam na naman ako ng antok.
Pero hindi pa man ako tuluyang nakakatulog ay bigla naman akong hinagisan ni Erwin ng unan sa mismong mukha ko.
"Argh!!! Ano bang problema mo? Umalis ka na nga Erwin kung ayaw mong kagatin kita ulit!"
"Hindi ka pwedeng matulog ulit dahil aalis na tayo kaya tumayo ka na diyan at mag-ayos. Nakabihis na din si mama at ikaw nalang ang hinihintay namin."
"Hindi ba pwedeng mauna na kayo sa hide-out nila kuya Reid? Matutulog lang ako tapos susunod na ako sa inyo." Sabi ko habang nakaupo ng nakapikit parin.
"Hindi pwede! Sabi ni kuya Reid tayong lahat daw dapat nandoon kaya halika na sa baba. Sa kotse ka nalang matulog ulit."
"Fine! Eto na tatayo na!" Sabi ko at tumayo na nga ako papunta sa banyo habang nakapikit parin kaya hindi ko napansin na pader na pala ang nasa harapan ko hanggang sa mauntog nalang ako. "Aray ko!!!" Daing ko sabay tingin sa likod ko kung nasa loob pa ng kwarto ko si Erwin.
"Hahaha I saw that!" Tatawa tawa niyang sabi bago siya tumalikod.
Pang-asar talaga yun kahit kailan.
BINABASA MO ANG
Night Owl Assassin 2
ActionCyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea na din kayo kung sino sila Cyrus at Erika. Tc At syempre po kagaya ng book 1 ay may SPG din po sa ibang chapter kaya hinay-hinay lang sa pa...