Malapit na kami ni Clover sa safe house ng mga sangkot sa child trafficking nang marinig ko siyang magsalita sa earpiece ko na ginamit ko na kagaya niya nang makaalis kami sa hideout.
"What now, Clover?"
"I'm low on gas, I need to refill my tank."
"What? Bakit hindi mo pa ginawa, kanina? Kung kailan malapit na tayo saka mo lang sinabi? You're being careless!"
"Okay! Sorry! Kung gusto mo, aangkas na lang ako diyan sa motorbike mo para hindi na hassle pa at makarating na tayo sa pupuntahan natin. Iiwan ko na lang ang motorbike ko kung saan man dito."
"Hassle? Eh ano pang tawag mo sa ginagawa mo ngayon? Hindi ba hassle na rin 'to?!" Sigaw ko sa kanya kahit na alam kong rinig na rinig naman niya ako sa invicible earpiece na suot niya. "Saan naman tayo maghahanap ngayon ng gas station sa loob ng subdivision?! Asar!"
"Fine! Better leave me here, then." Sabi ni Clover na mabilis ring huminto sa tabing kalsada. Wala namang masyadong tao doon dahil halos nasa dulo na kami ng subdivision na pinasok namin at bibihira pa lang ang mga nakatayong bahay dito.
"Stop acting like a child, Clover. We're on a mission here kaya kailangan nating magseryoso!" Sabi ko sa kanya nang huminto na rin ako sa tabi ng motor niya. "God! You're such a pain in the ass!"
"Alam mo, wala naman kasi talagang problema eh, 'tong gas lang ng motor ko. Talagang galit ka lang sa akin kaya ka nagkakaganyan diyan."
"Maybe you're right. Pero hindi pa rin tama 'yang kapabayaan mo, Clover. Now, come on! Hop on! Iwan mo na 'yang motor mo dito dahil may mission pa tayo na mas mahalaga pa sa pinagtatalunan natin ngayon."
"Sus! Papayag din naman pala, pinatagal pa." Sabi ni Clover pero hindi ko na lang pinansin iyon at mabilis ko nang pinaandar na muli ang motor ko nang makasakay na siya sa may likuran ko.
Noong una ay hindi pa siya nakakapit sa akin, pero nang tumagal na ay humawak na rin siya sa bewang ko hanggang sa pumulupot na ang mga kamay niya sa katawan ko at yakapin niya ako nang mahigpit.
"Cut it out, Clover, kung ayaw mong iwan na talaga kita dito at ako na lang ang pupunta sa mission natin."
"Okay, wait. I missed hugging you, you know." Sabi pa niya sabay yakap ulit sa akin nang mahigpit bago siya lumayo na at hindi na ako hinawakan pa.
Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa ginagawa ni Clover ngayon, pero isa lang ang sigurado ako, hindi ko gustong mapalapit pa siya sa akin dahil kay Erika at dahil ayoko rin talaga.
Tanaw ko na ang isang apartment type house with four units na siyang pupuntahan talaga namin na may ilang mga punong katabi at dalawang itim na van na nakapark sa gilid nito, pero wala namang katabi ni isang bahay man lang.
Apartment? Sa dulo ng subdivision? At wala pa ni isang kapitbahay? Sinong titira doon?
Huminto ako malapit sa isang malaking puno na sapat lang para maitago kami pati na ang motorbike ko na hindi naman gaanong kalayuan sa apartment na sadya namin.
"What now?" Tanong sa akin ni Clover dahil wala naman kaming ideya na wala pa lang katabi na kahit ano mang building o bahay ang apartment ng mga kriminal na pakay namin dahil mabilis lang nila kaming mapapansin kung sakaling may watcher sila para sa mga kagaya namin, at magtataka talaga sila kung ano ang ginagawa namin sa lugar na siguradong wala ni isang taong naligaw man lang dito kahit minsan. Pero dahil mga kriminal nga sila, advantage nga para sa kanila na ganito kalayo sa mga tao ang lungga nila para walang umabala sa mga ilegal na gawain nila.
"Change of plan. Didiretso pa rin tayo, pero nang nakamotor na nga lang. Doon tayo sa mismong gate ng apartment papasok. At kapag nasa loob na tayo ay saka lang natin isusuot ang mga face mask natin para hindi tayo makita ng mga bata."
BINABASA MO ANG
Night Owl Assassin 2
ActionCyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea na din kayo kung sino sila Cyrus at Erika. Tc At syempre po kagaya ng book 1 ay may SPG din po sa ibang chapter kaya hinay-hinay lang sa pa...