Chapter 9

1.8K 38 3
                                    

This chapter is dedicated to ColorShrek na na-e-excite na mag-UD ako hehe thanks a lot. Keep reading and tc :)


Erika's POV

Nang lumapit sa amin ni Cyrus si kuya Reid ay nagmadali na akong lumayo sa kanila at umaktong kumukuha ng pagkain sa buffet table dahil baka kung ano pa ang isipin niya kung bakit kami magkausap ni Cyrus.

Dumiretso agad ako kung saan nakaupo sila mama para kumain na din dahil lagi nalang nila akong sinasabihang mahinang kumain para sa aming dalawa ni baby. Puro nalang daw ako tulog eh hindi naman daw kami mabubusog doon.

Haaayyy....inaantok na naman tuloy ako.

Hindi ko pa halos nakakalahati ang pagkain sa plato ko ng maramdaman ko na naman na parang may nakatingin sa akin. At paglingon ko nga sa may bandang kanan ko ay nakita ko agad si Cyrus na nakatitig lang sa akin habang ang mga kasama naman niya sa table ay busy sa pagkain.

What do you want, Cyrus? Hindi ko alam ang ibig sabihin ng pagtitig niya sa akin pero aaminin kong kinikilig ako dahil sa wakas ay nagawa niya na din akong pansinin.

Pero dahil kasama ko ang pamilya ko ay minabuti ko nalang na hindi siya pansinin dahil baka makahalata pa sila sa mga ikinikilos ko kaya itinutok ko nalang din ang atensiyon ko sa pagkaing nasa harap ko. Pero kahit ganoon na ang ginawa ko ay ramdam ko parin ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya hindi ko na naman maiwasang hindi siya tingnan kada susubo ako ng pagkain.

Argh! Ano ba Cyrus!

Dahil sa hindi na ako mapakali sa pagtitig na ginagawa niya sa akin ay nagpaalam nalang ako sa mga kasama ko na gagamit muna ng banyo.

Madaming tao sa bathroom sa loob ng function room kaya naisipan ko nalang na lumabas doon. Tutal naman wala talaga akong balak na magbanyo kaya maglalakad-lakad nalang muna ako dito sa hotel.

Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa function room ay bigla namang may humawak ng braso ko at dinala ako sa may gilid ng pader na walang masyadong tao.

"C-Cyrus? Bakit ka nandito?" Gulat na tanong ko sa kanya pero sa halip na sagutin ako ay isang mariing halik naman ang iginawad niya sa mga labi ko.

"Oh my! I missed him." I thought to myself habang nakahawak ako sa mga balikat niya.

"You're beautiful." He whispered in my ear habang nakayakap na siya sa akin. "Where's your suite?"

"Huh? Sa eighth floor pa pero wala akong keycard na dala. Nakila mama yun at Jessica."

"Okay, mag-check in nalang tayo sa ibang room dito." He said then hold my hand before we go to the elevator and hit the button to the first floor of the building.

"Why do we need to check in?" Nalilitong tanong ko sa kanya, but when he looked at me and touch my lips with his index finger ay saka ko lang narealize ang gusto niyang mangyari. At hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil hindi ko magawang humindi sa kanya. In fact, excited pa ako sa gagawin naming dalawa kaya nginitian ko nalang siya.

Nang makapagcheck in na kami ay dumiretso kaagad kami sa kwartong sinabi sa amin.

"Anong sinabi mo sa kanila bago ka umalis sa table niyo kanina?" Tanong ni Cyrus sa akin ng nasa loob na kami ng hotel room namin at habang magkadikit ang aming mga katawan.

"Sabi ko sa bathroom lang ang punta ko pero hindi naman siguro sila magtataka kung bakit ang tagal kong bumalik."

"So you're suggesting that we take our time?"

"Yeah..... if you want to."

"I fucking want to but not here." Sabi niya habang dahan-dahang ibinababa ang zipper sa likod ng gown na suot ko at hinayaan iyong bumagsak nalang sa sahig.

Night Owl Assassin 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon