Chapter 24

1.5K 35 5
                                    

"O, anong ginagawa ninyo dito? At ikaw Jagger, bakit ka agad lumabas ng hospital? Paano nalang kung magdugo yang sugat mo?" Tanong sa amin ni Creed nang makarating kami sa bahay nila.

Sa kasamaang palad ay kasama pa talaga niya si Erika na nakatayo din sa may pintuan nila, kaya minabuti ko nalang na yung dalawang kasama ko ang magsalita habang kinukuha ko ang mga gamit namin sa sasakyan ko.

"Nagyaya kasi si Cyrus na dumito muna kami hanggang sa umalis kayo papuntang Italy."

"Ano?! Hoy, Jagger, kayo ang-----"

"At mamimiss daw niya kayo ng sobra kaya pinagbigyan na din namin." Patuloy ni Jagger sa pagsasalita na parang wala akong sinabi.

"Baliw ka na talaga." Sabi ko kay Jagger habang inaalalayan siya ni Trixie papasok ng bahay.

"May dala kayong mga gamit? Dito talaga muna kayo sa bahay?" Tanong ni Erika na mukhang natutuwa sa nangyayari.

At hindi ko inaasahan na sa pagtingin ko sa kanya ay sa akin din pala siya nakatingin kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin ang tanong niya.

"Ah, oo, nagpumilit kasi sila na dito muna kami. Pati sila Reid tinawagan din nila at ang alam ko papunta na din sila dito ni Katarina."

"Tamang-tama dahil pauwi na din si Erwin dito kasama si Amethyst."

"Is she okay now?" I asked.

"Why? What happened to her?" Asked Jagger na nakaupo na sa sofa ngayon katabi si Trixie na mukhang napagod kaagad sa ikli ng nilakad niya. Naupo nalang din ako sa tabi nila matapos kong maibaba ang mga gamit namin sa tabi ng sofa.

Dumating naman ang mama ni Erika na may dalang pagkain na inilapag niya sa maliit na lamesa bago naupo sa katapat naming upuan sa tabi ni Erika.

Tiningnan ko naman si Creed na nananatiling nakatayo sa may pintuan hoping na siya na ang magkukwento sa kanila sa nangyari, but he just shrugged his shoulders leaving me no choice but to talk.

"I asked Amethyst if she knew anything about Storm and Thunder's identities which she said yes, ofcourse. Pero hindi ko inaasahan na tutulungan niya ako ng hindi niya sinasabi sa akin. Kakaalis ko lang sa mansion ni Thunder nang tawagan ako ni Amethyst saying that she already killed Storm, but she almost died, too, because Storm finally realized that she's not just a normal international model but an assassin, too. That's all I know."

"Oh my god! Sana naman hindi malubha ang nangyari sa kanya." Sabi ng mama ni Erika. Magsasalita pa sana ito nang marinig namin ang pagbukas ng gate ng bahay nila kaya dali-dali din siyang tumayo para malaman kung sino ang dumating kahit na palabas na din ng pinto si Creed.

"Katarina, Reid!" Masayang sabi nito. "Ang saya naman dahil kumpleto kayong lahat dito."

"Oo nga naman para maalagaan din kita Katarina kahit papaano." Sabi ni tita Missy at sinalubong na nga ng yakap ang dalawa.

Nagyakapan din sila Erika at Katarina na hindi malaman kung paano ililihis ang mga tiyan nilang nakaumbok sa isa't isa.

"Mabuti pa niyan ay samahan ko na kayo sa mga magiging kwarto ninyo dito para mailagay niyo na ang mga gamit ninyo doon. Ikaw Jagger at Trixie doon sa kwarto mo ha? At------"

"Ma! Ako na ang bahala sa kanila, maghanda ka nalang ng madami pang pagkain dahil parating na din si Erwin." Singit ni Erika na biglang lumapad ang pagkakangiti niya na hindi ko malaman kung bakit. Napansin din kaya iyon ng iba?

"Tara na?" Nakangiti parin niyang sabi sa aming tatlo nila Katarina at Reid kaya hindi ko na din maiwasang hindi mapangiti sa kanya.

Sumunod kami sa kanya bitbit ang mga gamit namin papunta sa hagdan pero napahinto din kami nang bigla siyang huminto.

Night Owl Assassin 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon