"So, why are we here?" Tanong agad ni Erwin kila kuya Reid at Katarina kahit kakapasok palang namin sa bahay nila.
Ako naman ay tumayo lang sa may gilid kung saan nakaupo si mama at naghihintay sa pagdating nila Jagger, Trixie at Cyrus dahil mukhang nauna kami kaysa sa kanila.
"It's about our baby." Sabi ni Katarina ng nakangiti. So that means, it's good news at walang dahilan para kabahan kami.
Pero hindi ba nila hihintayin ang tatlo bago nila sabihin ang good news nila? They're suppose to be here too, right? But where are they?
"Kakagaling lang namin ni Katarina sa hospital natin para magpacheck up siya and also to know the gender of our baby." Said kuya Reid na nakaakbay na ngayon kay Katarina. "And he's a boy."
"Ah! Sa akin na magmamana yan! Ang gwapo ko kaya!" Eksena ni Erwin kaya kinontra ko agad.
"Wag naman sana kasi gwapo ka nga pero never ka pang nagka-girlfriend. Kawawa naman si baby dahil baka pagkamalan pa siyang bakla at hindi na magkaasawa."
Nalukot naman agad ang mukha ni Erwin at tumingin kay mama para magsumbong.
"Ma! Si Erika pinapahiya ako oh!"
"Tama naman si Erika kaya wag ka nang maingay diyan."
"Hahaha, told yah, twin brother!"
"Wait lang, hindi pa tapos yung sinasabi ko." Sabi ni kuya Reid kaya napatingin kaming lahat sa kanya na lalo pang lumapad ang pagkakangiti habang nakatingin din sa amin. "Dahil kagaya ninyo Erwin at Erika ay kambal din ang magiging babies namin at pareho silang lalaki."
"Whaaatttt??? Talaga?" Tanong ni mama ng nakangiti.
"Ang dami na agad ng mga apo ko ah." Ang sabi naman ni papa.
"Hahaha edi dalawa pala ang mga pamangkin ko ang magmamana sa akin niyan? Masaya to! Sana twins din ang baby mo, Erika."
I smiled. "Yeah, I hope so. Pero okay lang din naman sa akin kung hindi basta maging kamukha siya ni C-------"
"Guys!!! Gutom na ba kayo? Bumili na kasi kami ng pagkain sa restaurant bago kayo tawagan ni Reid." Sabi ni Katarina ng nakangiti kila mama pero ng humarap siya sa akin ay nanlalaki na ang mga mata niya na parang may ginawa akong hindi maganda.
Ano ba yun?
"Are you going to say the name of the father of your child, Erika?" Asked kuya Reid habang nakakunot na ang noo niya.
What?
Oh my, shit! Muntik na!
"H-hindi, kuya. Baka nabibingi ka lang."
"Hindi, Erika, narinig ko din ang sinabi mo. Sasabihin mo na sana ang pangalan ng lalaking iyon kung hindi lang nagsalita si Katarina." Sabi naman ni papa na seryoso na ding nakatingin sa akin.
"I just thought you guys are already hungry. Hindi ko napansin na iyon na pala ang sasabihin ni Erika." Explained Katarina, saving me again.
"Tell us, Erika!" Sabi naman ni Erwin na lumapit pa talaga sa akin at gaya nila kuya at papa ay seryoso na din siyang nakatingin sa akin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko at naiiyak na din ako dahil sa pangungulit nila at sa tinging ibinibigay nila sa akin kaya napatingin nalang ako kay mama para manghingi ng tulong sa kanya and I'm glad she did helped me.
"Ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na tigilan niyo na si Erika sa pangungulit na sabihin niya sa inyo kung sino ang ama ng baby niya dahil ma-i-stress niyo lang silang mag-ina? Buntis ang kapatid ninyo at ayokong may mangyaring hindi maganda sa kanya. Hayaan ninyong siya ang kusang magsabi sa inyo kaya wag ninyo siyang pilitin. Ayoko nang maulit ulit ito lalo na kayong dalawa, Reid at Erwin dahil sa akin talaga kayo malalagot. Tigilan niyo na si Erika." Panenermon sa kanila ni mama kaya nakahinga na ako ng maluwag. Atleast she's on my side.
BINABASA MO ANG
Night Owl Assassin 2
ActionCyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea na din kayo kung sino sila Cyrus at Erika. Tc At syempre po kagaya ng book 1 ay may SPG din po sa ibang chapter kaya hinay-hinay lang sa pa...