Chapter 31

1.5K 43 9
                                    

Erika's POV

"I'm sorry, Sweet. Gusto lang kitang makita. Gusto ko lang mawala 'yong galit ko at alam kong ikaw lang ang makapagpapawala noon." Pagkasabi noon ni Cyrus ay mas lalo ko siyang niyakap nang mahigpit, pero dahil nararamdaman kong pabigat na siya nang pabigat sa balikat ko ay kaagad ko na ring tinawag na muli si kuya para tulungan niya ako kay Cyrus.

"Kuya, bilisan mo dali! Kailangan na natin siyang dalhin sa hospital. Ayokong mawalan siya ng malay dito."

"Akin na si Cyrus at ako na ang aalalay sa kanya papunta sa sasakyan. Dumiretso na rin kayo ni Katarina doon." Sabi sa akin ni kuya na laking pasasalamat ko at kasama ko ngayon dito sa hideout dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag mag-isa lang ako at ganyan ang sitwasyon ni Cyrus lalo na at buntis pa ako.

"Sa susunod, Cyrus, huwag kang pupunta dito nang ganyan ang sitwasyon mo dahil hindi ka kakayanin ni Erika." Sabi ni kuya sa kanya na kapareho ko lang pala nang iniisip.

Nang pare-pareho na kaming nasa loob ng sasakyan ni kuya Reid ay saka ako nilingon ni Cyrus na katabi ko lang sa backseat.

"I'm sorry." Sabi na naman niya but this time ay malungkot na siya hindi katulad kanina na kahit hindi niya sabihin ay mukha talaga siyang galit.

"It's okay, Sweet. It's okay." I said and touched his other arm without a wound.

"I just..." Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil bigla na lang siyang napaluha sa tabi ko na lalo kong ikinabahala. Halatang pinipigilan niyang pumatak ang luha niya pero wala na rin siyang nagawa nang tuluyan iyong dumaloy sa mga pisngi niya.

"Oh my god!" Napabulalas akong bigla dahilan para lingunin ako ni Katarina.

"What's wrong?" She asked but I didn't need to explain to her when she already saw the reason why, so she just kept her mouth shut and looked at kuya Reid before she face the road again.

"What happened, Sweet? Ano bang problema?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan na ang mga luha niya gamit ang daliri ko.

Napansin kong kinalma na niya muna ang sarili niya bago niya ako tinitigan sa mga mata ko at ngumiti nang bahagya. Pero kahit anong ngiti pa ang gawin niya ay nakikita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya.

"A friend of mine died today."

"Oh!" Sabi ko at kasabay noon ay ang pagsinghap ni Katarina. Mas lalo namang binilisan ni kuya Reid ang pagpapaandar ng sasakyan niya para makarating na kami kaagad sa hideout.

I don't know what to say to him because I've never experienced it before, ang mamatayan ng isang kaibigan. But I know what to do.

I slipped my hand at Cyrus's back so I can hug him on his waist. I also kissed his mouth before I leaned into him to let him know that I care even if I didn't got the chance to meet this friend of him.

Nang makarating kami sa hospital namin ay dali-dali nang pinaupo ng mga nurse si Cyrus sa isang wheelchair, habang hawak niya ang kamay ko, para hindi na niya kailanganin pang maglakad papunta sa emergency room. At nang makarating kami doon ay nagulat pa ako sa kanya nang hindi niya bitawan ang kamay ko.

"Cyrus?"

"Please stay. Dito ka lang, sweet." Malungkot pa ring sabi ni Cyrus sa akin. Gusto ko sana siyang pagbigyan sa hinihiling niya sa akin kaya lang.....

Napalingon ako sa doctor na gagamot kay Cyrus, which turned out to be Skyblue, para sana sabihin ang nasa isip ko.

"Pero kasi...." Panimula ko nang magsalita naman si Skyblue.

"It's okay, you can stay here if that's what he want."

"Pero...ano kasi...hindi ko kayang makita habang ginagamot mo siya." Kinikilabutang sabi ko kay Skyblue sabay tingin na rin kay Cyrus. Pero nang mapansin kong parang mas lalo pa ata siyang nalungkot ay nilakasan ko na lang ang loob ko para maging okay na siya.

Night Owl Assassin 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon