This chapter is dedicated to EmpressOfHearts1, my sister here at wattpad. And let's congratulate her dahil ngayon po ang graduation day niya hehe at isa pa sya sa may top sa class nya woohoo! Galing galing oh. Hihihi
Erika's POV
"Ngayon na ba talaga tayo aalis, ma? Hindi ba pwedeng bukas nalang? O kaya sa susunod na araw?"
Ngayon na kasi kami lilipat sa bahay ni papa kasabay ng pag-uwi din nila kuya Reid at Katarina sa bahay nila na tinuluyan namin pansamantala nila mama at Erwin noon.
But I don't want to leave yet, because Cyrus is still on his mission at hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makikita kapag wala na kami dito.
"Ano bang problema kung ngayon tayo aalis, Erika? Diba napag-usapan na natin 'to at pumayag ka pa nga?" Nagtatakang tanong ni mama habang kumakain siya ng prutas dito sa kusina.
Eh hindi ko naman pwede kasing sabihin na ayoko munang lumipat kami dahil nandito ang ama ng baby ko, diba? Kaya ano pa bang magagawa ko kundi ang pumayag nalang.
"Okay po, eto na po mag-aayos na din po ako ng gamit ko." Nakasimangot na sabi ko bago ako tumayo sa kinauupuan ko para umakyat ng hagdan. Sa aming tatlo kasi nila Erwin ay ako nalang ang hindi pa nag-aayos ng gamit ko kaya si Erwin ay nanonood nalang sa sala at naghihintay sa pag-alis namin. Si papa naman ay hindi parin umuuwi simula ng umalis siya kaya tinext nalang siya ni Jagger na sa bahay niya mismo umuwi mamaya.
"Alam ko kung bakit ayaw mo pang umuwi." Nakangiting sabi sakin ni Katarina na sinabayan pala ako paakyat ng hagdan. "Because of Cyrus, right?"
"Ahm, no." Sabi ko ng nasa tapat na kami ng kwarto namin ni Erwin.
"Sus! Deny ka pa diyan. I know you like him."
"Nope! I think the right word is love, not just like, you know." Simpleng sabi ko sa kanya na parang normal lang para sa akin na sabihin iyon.
"What?!? You already love him?"
"Yeah, and why not? Wait! No, no, no, no! What did I say?"
"You said you love him." Nakakunot noong sabi niya.
"I did not!" Sinabi ko nga ba yun?
"Yes, you did! And I know it's the truth. My god, Erika! You shouldn't fall for him. Alam mo namang si Clover ang mahal niya diba? At wala siyang balak na panagutan ang anak ninyo."
"Ouch! Thanks for reminding me, Katarina. Pero ano bang magagawa ko kung kusa ko nalang naramdaman iyon? Ni hindi ko nga namalayan na sinabi ko yun eh. Hindi ko naman din marerealize na mahal ko na pala siya kung hindi mo ulit babanggitin sa akin yung sinabi ko. My gosh! Do I really love him?"
"Bakit sa akin mo tinatanong yan? Pero sige, kahit hindi ako ang nakakaalam ng nararamdaman mo dahil magkaiba tayo ng katawan, halata naman diba, alam kong mahal mo na nga siya. Itsura mo palang nagpapanic na eh. So confirmed! You love him."
"Pero......pero.....hindi niya ako mahal."
"Haaayyy..... Pinayuhan na kita tungkol diyan, Erika. Pero sana ngayon mag-isip ka na ng tama. Hindi porket mahal mo na siya eh lalo ka pang magpapakatanga sa kanya. Wag mo na siyang lapitan ulit gaya ng ginawa mo sa hotel. Wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo. Just think of your baby and forget about Cyrus."
"I....don't know. Aayusin ko lang mga gamit ko tapos bababa na din ako." Tanging nasabi ko nalang kay Katarina bago ako pumasok sa kwarto namin ni Erwin. Hindi na din siya sumunod sa akin sa loob, which is fine, dahil gusto ko munang mapag-isa.
BINABASA MO ANG
Night Owl Assassin 2
ActionCyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea na din kayo kung sino sila Cyrus at Erika. Tc At syempre po kagaya ng book 1 ay may SPG din po sa ibang chapter kaya hinay-hinay lang sa pa...