Dedicating this chapter to miss fatimalatorre_xoxo, my new follower. Tc :)
****
"You did what?!"
"You heard me Creed. I am not in a mood to repeat what I've already said."
"Son of a bitch! He killed my friend! Why didn't you kill him?"
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko at iniabot iyon kay Creed pero hindi naman niya iyon tinanggap.
"Anong gagawin ko diyan?"
"Naisip ko kasing i-record ang mga pinag-usapan namin nang itanong ko sa kanya kung bakit niya ipinapatay si Evangelista. Alam ko din kasing gusto mong malaman ang mga pinag-usapan namin kaya dito mo nalang alamin ang lahat, at aalis na ako."
Gusto ko ng umalis dahil ayokong malaman pa ni Erika na nandito ako sa bahay nila. Dito lang naman ako pinapunta ni Creed nang tawagan ko siya na tapos ko na kaagad ang mission ko dahil na din sa tulong ni Amethyst. Hindi ko nga nakita si Erika sa pagdating ko dito sa bahay nila at wala din akong balak na makita pa siya bago ako umalis.
"I don't want to hear anything from that thing. Ikaw mismo ang magsabi sa akin kung ano ang pinag-usapan ninyo at kung bakit hindi mo siya pinatay!"
Kung sino pa yung matanda siya pa ang mahinang umintindi! At mas matigas din ang ulo!
"Fine! Balderama------"
"Dominic Balderama?" I nodded and he frowned. "Pero kaibigan siya ni Francis! Paano niyang nagawang ipapatay ang kaibigan niya na kasama niyang nagtayo ng kumpanyang pinapalakad niya ngayon?"
"Ask that to Francis. But, damn, he's dead, so how can we?" Umaarteng sabi ko habang nakalahad pa ang mga kamay ko.
"I don't need your sarcastic remarks right now, Cyrus. Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalaman mo."
"Acting like my boss again, huh? Pero para sa kaalaman mo, mas nauna ng gumawa ng kasamaan si Evangelista kay Balderama kaya ang ginagawa nalang niya ngayon ay isang paghihigante. Evangelista killed his daughter, and was about to kill his son and wife, too, if he didn't act first. So, you see? It was all Evangelista's fault he was dead. And if the man's alive, I assure you that I will be the one's going to kill him instead of those assassins I killed."
"How can you be so sure that Balderama was telling the truth?"
"There's my instinct and the truth of all the things he told me. Dahil kung pagsasama-samahin mo ang mga sinabi niya sa akin at ang mga nangyari sa kanilang dalawang magkaibigan after the death of Balderama's daughter, you can say that he's not lying. At pakiramdam ko ay hindi lang si Balderama ang nagawan niya ng kasamaan para lang makuha ang mga bagay na hindi niya makuha sa madaling paraan. I'm on his side, Creed, whether you like it or not."
"Okay." He said. "Okay." He said again. "Okay." And again. "Okay."
"What the fuck? Kung 'yan lang ang sasabihin mo mas mabuti pang umalis na ako dito." Sabi ko dahil ayoko na talagang magkita pa ulit kami ni Erika kung sakali kapag nagtagal pa ako dito.
"Okay, naniniwala na ako sa mga sinabi mo pero ipapaimbestiga ko parin si Balderama at ang mga ginawa ni Evangelista for the past few years para malaman ko kung ano pa ang pwedeng nangyari sa kanila na hindi sinabi sa 'yo ni Balderama. Dahil tama ka, hindi natin alam baka may nadamay pang ibang mga inosenteng tao ng dahil lang sa kanila. And...." He paused, thinking. "James doesn't have to know all of this."
"Why not? He deserves to know that his father was not what he thought he was."
"It will shatter him. Let's just keep it between the two of us, Cyrus."
BINABASA MO ANG
Night Owl Assassin 2
ActionCyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea na din kayo kung sino sila Cyrus at Erika. Tc At syempre po kagaya ng book 1 ay may SPG din po sa ibang chapter kaya hinay-hinay lang sa pa...