"Erika?!? What are you doing here?"
"P-papa, hello." Nakangiting sabi ko sa kanya habang siya ay hindi na maipinta ang mukha.
"Tinatanong kita! Anong ginagawa------"
"She asked me for a blanket kaya siya nandito. Actually, kakapasok lang din niya dito sa kwarto ko nung kumatok ka na, boss. She also wants to look around my room kaya pumasok na siya ng tuluyan." Kalmadong sabi ni Cyrus habang ako ay nanginginig na ang mga tuhod ko habang nakangiti ng pilit kay papa.
Nakikita ko ang galit sa mga mata niya na hindi ko pa nakita simula ng makasama namin siya, kaya ganoon nalang ang kaba ko ngayon lalo na at hindi siya nakatingin sa akin kundi kay Cyrus.
"Is it true, Erika?" Papa asked without looking at me pero hindi ko nagawang sumagot habang nakatingin parin sa kanya.
"Erika!!! Answer me!!!" Sigaw ni papa at kamuntikan pa akong mapatalon dahil sa gulat ko kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.
"P-papa, you don't have to shout. And yes, I came here to borrow a blanket dahil bigla akong gininaw. I even went to kuya's room but no one's answering me and even at Jagger's. Sakto namang nakita ko si Cyrus na papasok palang dito sa kwarto niya kaya nagtanong na din ako sa kanya. Hindi ko ba pwedeng gawin iyon?" Liar! Liar! Liar!
Nakakunot parin ang noo ni papa ng magsalita. "Okay, pasensya na at nasigawan ko kayo. Now, go to your room, Erika at may pag-uusapan lang kami ni Cyrus."
"About what?" Tanong ni Cyrus kay papa matapos niyang iabot sa akin ang kunyaring blanket na kailangan ko.
Nagsimula na din akong maglakad ng dahan-dahan papunta sa kwarto namin ni Erwin dahil gusto ko pang marinig ang pag-uusapan nila, kung ano man iyon.
"About your mission for tomorrow."
"And you're telling it to me, now? Bakit hindi pa bukas?"
"Dahil may mission din ako at mamaya na ang alis ko. Ang sa iyo-------"
"May mission ka ngayon, papa? Pero anong oras na oh?" Singit ko sa usapan nila bago pa man ako pumasok sa kwarto namin.
"Erika, hindi mo kailangang malaman ang tungkol sa ginagawa namin, sapat na yung alam ninyo na assassin kami. Mas konti ang nalalaman ninyo mas mabuti."
"Pero, papa------"
"He's right, kaya mas mabuti pang pumasok ka na sa kwarto ninyo at matulog na." Seryosong sabi ni Cyrus habang ang mga mata niya ay nakatitig sa akin na parang inuutusan akong sundin nalang siya at wag nang kumontra pa.
Sa asar ko dahil sa ginawa niya na akala mo ay bata ang kausap niya ay pinandilatan ko siya ng mata ko na ikinatawa naman ni papa bago ako tuluyang pumasok sa kwarto namin.
Matuwa pa kaya si papa kapag nalaman niya na ang kasama niya ngayong lalaki ay ang ama ng baby ko?
Well, I doubt it.
__________________
Cyrus's POV
Argh! Nakakaasar! Hindi man lang namin naituloy ni Erika ang dapat na gagawin namin kagabi dahil lang sa lintik na mission na yan! Bakit kasi kailangang gabi pa umeksena si boss Black o kaya sana sa iba nalang niya in-assign ang mission ko!
Pwede ka namang humindi sa mission na ibinigay sa'yo kaya bakit hindi mo ginawa?
Argh! I just don't want Erika to think na mas gusto ko pa siyang makasama kaysa gawin ang mission ko. Ayokong isipin niyang may patutunguhan ang palagi naming ginagawa dahil hindi ko kayang ibigay ng buong-buo ang sarili ko sa kanya. Clover still owns my heart and I know she still loves me, too, kaya walang aasahan si Erika sa akin kundi ang katawan ko lang.
BINABASA MO ANG
Night Owl Assassin 2
ActionCyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea na din kayo kung sino sila Cyrus at Erika. Tc At syempre po kagaya ng book 1 ay may SPG din po sa ibang chapter kaya hinay-hinay lang sa pa...