Cyrus's POV
Nang makaalis ako sa bahay nila Reid ay nagmadali na akong pumunta sa bahay na tinutuluyan ni Cooper para matapos ko na rin kaagad ang mission ko at makauwi na sa hideout para maihatid na rin nila Reid si Erika doon. Sana naman ay hindi mapagod si Erika sa kung ano man ang gagawin nila ngayon sa mall. Kung kasama lang niya sana ako ay hindi na sana ako nag-aalala ngayon.
Habang nasa daan ay hindi naman mawala sa isip ko kung anong klaseng tao ang kakaharapin ko ngayon. A man eating a human flesh! A cannibal, for fuck's sake!
Sinubukan kong huwag tanggapin ang mission na ito, pero bago pa man ako makatanggi kay Jagger ay nawala na siya sa linya para magbigay din nang ibang mission sa iba pang mga assassin.
According to the file that Jagger sent me, Cooper lives alone in a bit isolated area near a park na hindi naman din masyadong pinupuntahan nang mga tao. So less neighborhood, less people to witness his activities.
Ang mga babaeng nabibiktima naman niya ay mga babaeng nakikilala lang niya sa mga bar na pinupuntahan niya at yayayain itong sumama sa kanya hanggang sa mismong bahay niya. Hindi naman nagdadalawang-isip ang mga itong sumama dahil mayaman ang Cooper na ito na mapapansin kaagad simula pa lang sa pananamit niya hanggang sa dala niyang sasakyan. At pagdating naman sa tinitirahan niyang bahay ay kasing laki rin ito ng hideout namin. He's rich, because of the money of his family.
Nandito na ako mismo sa gilid ng bahay niya while thinking how can I get inside dahil hindi ako makakaakyat sa sobrang taas ng bakod ng bahay niya. Parang ipinasadya talagang ganoon ang bakod na iyon para wala talagang makakita sa loob ng bahay niya kahit na wala naman masyadong tao ang nagagawi sa lugar na iyon.
Hindi nakalagay sa file kung nandito ba siya ngayon sa bahay niya kaya naisip kong subukan na lang buksan ang mismong gate ng bahay niya na halos kasing taas din ng bakod na pader. Kung nandito siya at makikita niya ako, ang unang iisipin niya ay magnanakaw ako at hindi isang assassin para patayin siya.
Nang makapasok ako sa loob ng gate ay mabilis ko na ring isinara iyon nang hindi na ibinabalik ang pagkakalock noon para makaalis rin ako kaagad kung sakaling nasa loob nga siya at matapos ko ang mission ko. Inilabas ko na rin ang baril na dala ko while looking at the two vehicles parked at his garage. Only two, and he's got three cars. So where's the other one? Maybe he's not here, and I guess, I have to wait for him after all. At baka pagdating niya ay may kasama rin siyang babae na walang kaalam-alam sa maaaring gawin sa kanya ni Cooper.
Naglakad na ako papunta sa main door ng bahay para subukang buksan iyon while still holding my gun.
Mukhang matatagalan ata akong makakauwi sa hideout nito ah, at baka napapagod na si Erika dahil sa pagsama niya kila Katarina sa mall. Parang mas gusto ko na tuloy na umuwi ngayon pa lang para ako na ang magbabantay sa kanila ni baby.
"Bakit kasi wala si Cooper ngayon sa bahay niya eh!" Asar na sabi ko nang makapasok na ako sa loob ng bahay at walang makitang kahit isang tao man lang.
But I was wrong...
Dahil kasabay ng pagkakasara ko sa pintuan ay ang isang malakas na sigaw ng isang babae ang umalingawngaw sa buong kabahayan na nanggagaling sa ikalawang palapag nito.
I run as fast as I could toward the stairs while thinking na sana ay hindi pa huli ang lahat at wala pang nagagawang hindi maganda si Cooper sa babae kahit na patuloy pa rin ang malakas nitong pagsigaw.
"Shit! Shit! Shit!" I said when I finally reached the top of the stairs, and when the girl stopped screaming.
Am I too late?
No, shit, no!
I turned left where I heard the screams and saw right away at the hallway the back of Cooper while crouching beside the white girl with her body full of her own blood. Mukhang hindi niya narinig ang pagdating ko dahil masyado siyang engross sa ginagawa niya at dahil na rin siguro sa pagsigaw ng babae na ngayon ay wala na ngang buhay base sa nakikita kong hawak ni Cooper na ang mismong puso ng babae.
BINABASA MO ANG
Night Owl Assassin 2
ActionCyrus Lance Nueva Erika Jade Cortez Book 2 of NIGHT OWL ASSASSIN Try to read the first one guys para may idea na din kayo kung sino sila Cyrus at Erika. Tc At syempre po kagaya ng book 1 ay may SPG din po sa ibang chapter kaya hinay-hinay lang sa pa...