Chapter 33

1.3K 33 8
                                    

"Sweet, meron akong mission ngayon. Kakatawag lang sa akin ni Jagger." Sabi sa akin ni Cyrus habang pababa siya ng hagdan at ako naman ay nasa sala lang at kumakain ng apple.

"Huh? As in ngayon na? Kailangan mo nang umalis?" Malungkot na sabi ko dahil ngayon na lang siya ulit tumanggap ng mission at nasanay na akong palagi siyang kasama.

"I still have time if you need me here. Iniisip ko rin kung ihahatid na lang muna kita sa inyo para may kasama ka. Ayokong maiwan kang mag-isa lang dito sa bahay."

"I don't know." Wala sa sariling sabi ko.

"Hey, saglit lang naman akong mawawala."

"Fine. Doon mo na lang ako ihatid kila Katarina. I want to see their babies."

"Again? We were just there yesterday."

I smiled. "I know. No need to remind me, sweet. Basta doon ko gustong pumunta, please?"

"Sige na nga. Tara na. Basta susunduin na lang kita kapag nagawa ko na ang mission ko."

"Okay po. Let's go!" Sabi ko at nauna na rin akong lumabas ng hideout papunta sa kotse namin.

Dapat ay ang motorbike niya ang gagamitin niya gaya nang palaging iyon ang gamit niya kada nasa mission siya, pero dahil kasama niya ako ay 'yong kotse ang gagamitin niya.

"Can you tell me about your mission?" I asked Cyrus while we're on our way to kuya Reid's home.

"Yeah. I need to find this guy named Cooper. Just Cooper. And he's a killer. He's killing white women. Either local or foreigner."

"Oh! That's scary." I shuddered.

"Too scary if you know how he do it." He paused, then, "By slicing their hands first before ripping their hearts out until they die. And you know what he'll do with the hands he sliced?" He asked me and I shook my head na hindi niya napansin dahil sa kalsada siya nakatingin. "He'll eat it fresh."

"Oh my god! Why did you tell me about that? Naman eh!" I shouted at him while covering my mouth.

"What? I thought you wanted to know?"

"Yeah! But not about eating the...the...Ew!!! Oh my! I am not going to throw up! I am not! I will not! I-----"

Napatigil ako nang biglang itigil ni Cyrus ang sasakyan sa gilid ng daan at mabilis niyang kinabig ang batok ko para halikan ako sa mga labi ko. He kisses me long, slow and sweet. And all my thoughts about the killer he was talking about, vanished.

"I'm sorry." He said after kissing me.

"I guess I'm okay now."

He grinned. "Because of my kiss, I know."

"Heh! Tara na nga." Natatawang sabi ko na sinunod naman niya.

"Next time lilimitahin ko na ang sasabihin ko sa 'yo about my mission."

"Good. Now promise me you'll take care of yourself and don't let the bastard harm you."

"I promise, Sweet."

Nang makarating kami kila Katarina ay sakto namang paalis sila nila kuya Reid kasama ang kambal kaya nagdalawang isip pa si Cyrus kung iiwan na ba niya ako kila kuya o ihahatid na lang sa bahay nila papa.

"She can come with us, too, Cyrus. Wala namang problema." Sabi sa kanya ni Katarina.

"Yeah, gusto ko ring pumunta sa mall lalo na kasama pa 'tong dalawang cute na babies."

"Pero baka mapagod ka kasi."

"Ay nako! Ang sweet nga pero huwag nang OA ha? Sige na, umalis ka na at aalis na rin kami." Sabi ulit sa kanya ni Katarina kaya wala na siyang nagawa kundi halikan na lang ako at umalis na nga.

Night Owl Assassin 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon